FFI 2

851 30 2
                                    

COREEN

Nagising ako nang makarinig ng mga boses. Shit. Nakatulog pala ako. Ni hindi pa ako nakakapagpalit ng damit.

"Sorry. Nagising ka ba namin?"

Napatingin ako sa dalawang babae na bagong dating. Ang isa ay maikli ang buhok na hanggang balikat habang ang isa ay kasinghaba ng akin na hanggang baywang na.

"Hindi naman." naiilang kong sagot.

"By the way, ako nga pala si Paula." nakangiting pakilala ng babaeng maikli ang buhok.

"I'm Hershey." nakangiti din ang babaeng mahaba ang buhok. "Ikaw pala ang bagong roommate namin. Nasabi kasi ni Isabella na dumating ka. Ang ganda ganda mo naman."

"What's your name?" tanong ni Paula.

"Coreen."

Nagstay na lang dito sa dorm ang dalawa dahil wala na daw silang klase. Nagkwento lang sila ng kung anu ano.

"Maya maya ay darating na din si Rina. Assistant secretary siya ng student council kaya medyo busy siya." napatango tango ako sa sinabi ni Hershey.

Nang dumating si Rina ay lalong umingay ang kwarto namin. Okay naman silang kasama at magaan agad ang loob ko sa kanila.

Nang mag alas siete na ay pumunta na din kami sa cafeteria para kumain. Maraming napatingin sa amin.. lalo na sa akin ng makapasok kami.

Nagkibit balikat na lang ako at pumila na para makabili ng pagkain. Nang makaupo kami ay kumain din kami agad.

Nagtaka ako ng biglang tumahimik ang maingay na cafeteria.

"What happened?" nagtatakang tanong ko sa aking mga kasama.

"Nandyan na si Israel." bulong ni Rina.

Napatingin ako sa entrance at nakita ang limang lalaki na nakatayo doon at lumilinga sa paligid na mukhang naghahanap ng bakanteng upuan. Sino sila at akala mo naman ay mga hari?

Binalik ko ang tingin kina Rina ng kalabitin ako ni Hershey.

"Don't look at them." mahinang bulong niya na para bang natatakot na may makarinig sa kanila.

Pansin ko ang pagbilis nilang kumain kaya binilisan ko na lang din.

"Who the hell are they?" tanong ko ng makabalik kami sa dorm.

"That's Israel with his friends." sagot ni Paula.

"And?" kunot noo kong tanong. Ano naman ngayon?

"Israel Del Valle is the president of the student council. Second year na sila ngayon." sagot ni Rina.

"Takot sa kaniya ang lahat ng estudyante dito." pagpapatuloy ni Hershey. "Grabe kasi magparusa iyon. Kapag nahuli ka niyang lumabag sa rules ay lagot ka talaga."

"And his friends?" tanong ko pa ulit.

Kinuha ni Rina ang cellphone niya at iniharap sa akin. Nakita ko doon ang picture ng limang lalaki kanina.

"This is Israel, our president." turo niya sa lalaking nasa gitna kanina. Gwapo pero mukhang masama ang ugali. "Kurt Lacsamana is his best friend. Siya din ang captain ng basketball team natin." siya yung nasa right side ni Israel kanina. Gwapo din at mukhang mabait kumpara sa madilim na anyo ng kaniyang kaibigan. "Ito naman si Maximo Quizon. Member din ng basketball team." turo niya sa lalaking nasa left side naman ni Israel. "Ito si Patrick Guavez. Auditor ng student council." siya naman yung katabi nung Maximo kanina. "And last but definitely not the least ay si Troy Garcia, member ng soccer team." siya yung katabi ni Kurt kanina.

Gwapo silang lahat at mukhang mga playboy.

"Mababait naman sila. Just don't mess with them lalo na kay Israel. Para ka na ding nagpasundo kay kamatayan." dugtong ni Paula.

Hindi ko agad naialis ang paningin kay Israel. There's something about him that screams danger. Mukhang mapapaaga nga ang kamatayan ko kapag binangga ko siya.

Alas nuwebe pa lang ng gabi ay tulog na sila. Naiintindihan ko naman dahil napagod sila sa klase samantalang ako ay wala namang ginawa at nakatulog din kanina.

Napatingin ako sa labas ng bintana na katabi lang ng aking kama. Natawa ako ng mahina ng maalala kung ano ang kanilang rason kung bakit hindi nila pinili ang pwestong ito.

"Nakakatakot sa tabi ng bintana. Baka biglang may humablot sa amin." sagot ni Hershey.

Tahimik na ang paligid pero may liwanag pa din dahil sa nakabukas na mga ilaw sa bawat building. 10pm daw ang curfew dito at kapag nahuli ka ng mga nag iikot na guard ay ididiretso ka sa office ng student council at doon mo haharapin si Israel.

Medyo nacurious tuloy ako kung paano ba siya magparusa pero ayaw ko din namang subukan ang kaya niyang gawin.

I rather behave than to be punished with that guy.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now