FFI 8

715 22 1
                                    

COREEN

Pagdating sa library ay agad kong hinanap yung mga librong kailangan ko. Jusko! Ang dami ko pala talagang kailangang habulin na lesson. Ngayon ko lang napagtanto na hassle pala talaga kapag late ka ng pumasok.

Naghanap ako ng bakanteng upuan. Doon ako naupo sa may bandang gilid at medyo malayo sa ibang estudyante.

Sinulat ko lang yung ibang mahahalagang salita. Kagat kagat ko ang takip ng aking ballpen habang nagsusulat ng may umupo sa aking harapan.

Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan dahil sa gulat ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Israel..

"Just continue reading. I'm here because there is no vacant chair." suplado niyang sabi ng hindi inaalis ang tingin sa binabasang libro.

Katulad ko ay hindi din siya naka uniform at naka civilian lang. Pareho na naman kaming naka white shirt at jeans.

Napatingin ako sa paligid at nakitang wala na ngang ibang bakante. Nakikita ko din ang tingin ng mga estudyante sa amin. Mayroong gulat. May titig na titig sa amin at may mga nag iiwas ng tingin pero babalik pa din sa amin.

Napalunok ako. Kanina naman marami pang bakante ah? Ilang oras na ba ako dito? Tinignan ko ang malaking wall clock na nakasabit sa malapit sa entrance door. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang alas tres na ng hapon.

Alas tres na? Ibig sabihin apat na oras na ako dito? Bakit hindi ko namalayan ang oras? Agad kong inayos ang aking mga gamit para pumunta sa cafeteria. Ni hindi pa ako kumakain ng lunch!

"Where are you going?" nang tignan ko si Israel ay kunot noo siyang nakatingin sa akin. "Do i make you uncomfortable? Ako na lang ang aalis." akma siyang tatayo pero pinigilan ko siya.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad akong bumitiw.

"Hindi. Dito ka lang. Kakain lang ako ng lunch."

"Lunch?" lalong nangunot ang kaniyang noo. "It's already three in the afternoon."

"Hindi ko kasi namalayan yung oras." nahihiyang sabi ko.

Napailing iling siya sa aking sinabi.

"Leave your books there. Kumain ka na sa cafeteria. Ako na muna ang magbabantay sa mga gamit mo." nagulat ako sa kaniyang sinabi kaya hindi ako agad nakapagreact.

"H-hihintayin mo a-ako?" nauutal kong tanong ng makabawi ako.

"Yeah. Go. Eat your lunch." sabi niya at nagbasa ng muli.

Napangiti ako ng malaki.

"Okay sige. Babalik ako agad ha. Dito ka lang." nakangiting sabi ko pero tinanguan lang niya ako at hindi na muling nilingon.

Masaya akong naglakad papuntang cafeteria at masaya ding kumain. I feel so happy today. Feeling ko ito na ang start para makilala ko ng lubos si Israel.

Nakangiti pa din ako habang naglalakad pabalik sa library pero agad ding nabura ng makitang wala na siya doon sa table namin kanina at ang naiwan na lang doon ay ang mga libro ko.

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib. Dahan dahan akong naglakad palapit sa table ko at natulala lang sa mga libro ko.

Tss. Hihintayin daw.

Nainip ba siya? Eh halos twenty minutes nga lang akong nawala dahil nagmadali talaga ako para makasama siya tapos..

Wag kasing umasa!

Huminga ako ng malalim at paupo na sana ng marinig ko ang kaniyang boses sa aking likod.

"You're fast. Kumain ka ba talaga?" gulat ko siyang nilingon.

"A-akala ko u-umalis ka na."

"May hinanap lang akong libro." pinakita niya sa akin ang librong hawak niya at naupo na ulit sa pwesto niya kanina.

Unti unting bumalik ang aking ngiti at naupo na din.

"Akala ko umalis ka na eh."

"I'm not. Isa pa, sinabi kong hihintayin kita di ba." sagot niya at titig na titig na naman sa kaniyang libro.

Lalong lumaki ang aking ngiti ng marinig iyon. Feeling ko kasi ay may iba pang meaning iyon.

Ipinagpatuloy ko ulit ang aking ginagawa at paminsan minsang sinusulyapan siya.

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mainggit sa librong binabasa niya. Kailangan ko din bang maging libro para makuha ng buo ang kaniyang atensyon?

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi dahil sa naisip. Ano ba yan, Coreen! Mag aral ka na nga.

"What are you thinking?" napatingin ako kay Israel ng magsalita siya. "You're biting your lips. What is it?"

Nadiinan ko lalo ang pagkagat sa aking labi ng makitang bumaba doon ang kaniyang tingin. Napangiwi ako dahil masakit iyon na agad namang ikinabalik ng kaniyang tingin sa akin. Ang kaniyang mga mata ay malalim at madilim na.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now