FFI 11

728 24 0
                                    

COREEN

Naging busy ako sa mga sumunod na araw dahil nalalapit na ang prelim exam namin. Maraming mga projects at kailangan ko pang mag review.

Busy din ang mga roommates ko kaya naman kahit magkakasama kami sa iisang kwarto ay may kanya kanya kaming mundo.

Napahawak ako sa aking ulo ng maramdamang sumakit ito. Nasobrahan na yata ako sa pagbabasa at hindi na kayang iabsorb ng aking utak ang ibang aralin.

Nahiga muna ako sa aking kama at pumikit. Mag isa lang ako ngayon dito sa dorm dahil may project na inaasikaso yung tatlo.

Napadilat ako ng marinig ang message alert tone ng aking cellphone. Bumangon ako at kinuha ito sa ibabaw ng side table at muling humiga.

From: 09505980***
Hi! Are you busy? Punta ka dito sa labas ng building ng dorm niyo.
-kurt

Napakunot noo ako sa aking nabasa. Saan niya nakuha ang number ko? Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman binigay kay Patrick ang cellphone number ko.

Bumangon ako at lumabas na. Hindi ko na tinignan ang itsura ko sa salamin dahil tinatamad ako at isa pa si Kurt lang naman iyon.

At kung si Israel?

Tanong ng isang bahagi ng aking isip. Si Israel? Baka isang himala kapag nakipagkita sa akin yun.

Paglabas ko sa building ay agad ko din namang nakita si Kurt. Nakatalikod siya mula sa akin pero alam kong siya iyon.

"Bakit?" tanong ko agad ng makalapit sa kaniya.

Kitang kita ko kung paano bahagyang umawang ang kaniyang bibig ng humarap sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pero nagtagal iyon sa aking mukha. Bigla tuloy akong naconcious. Ano bang itsura ko? Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi man lang ako tumingin sa salamin bago lumabas.

I'm wearing a black jogging pants and a plain white v-neck shirt. My hair is tied into a messy bun at may iilang hiblang nahulog na sa magkabilang gilid ng aking mukha.

"Uy!" pagtawag ko sa kaniyang atensyon dahil masyado na siyang tulala. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko at hinaplos ang aking pisngi.

"Wala." natawa siya ng mahina at napahawak sa batok. "Itatanong ko lang sana kung may gagawin ka sa linggo? Birthday ko kasi. You can come with your friends."

"Hindi ko pa alam eh. Itatanong ko din muna sa mga kaibigan ko. Saan ba ang party mo?"

"Nagpareserve kami sa isang resort malapit lang din dito."

"Oh. Sige. Text kita kapag pwede kami."

"Sure. Hmm. Sige. I'll go ahead. Thanks."

Nginitian ko siya at tinanguan. Saglit niya akong tinitigan bago tuluyang umalis.

Sabado na ngayon at sa wakas ay last day ng exam. Mabuti na lang at kahit papaano ay may nasagot naman ako. Bukas na ang birthday ni Kurt at pumayag naman sila Hershey na sumama. Excited na nga sila at bibili daw ng bikini nila sa mall mamaya after class.

I already texted Kurt na makakapunta kami at sinabi niyang 5am ang alis at may sasakyan naman daw kaya hindi hassle.

"Naku! Paniguradong nandoon lahat ang mga gwapo sa party!" tuwang tuwa na sabi ni Hershey.

Nandito na kami sa mall at naglalakad para bumili ng bikini at regalo para kay Kurt.

"Sinabi mo pa! Basketball varsities, soccer varsities at si Israel!" kinikilig na sabi ni Sammy.

Napapailing na lang kami ni Rina sa mga pinagsasabi nila.

"Coreen! Dapat red bikini ang piliin mo ha! Para sexy and fierce!" natawa ako sa sinabi ni Paula. "Naku! Naiimagine ko na ang paglalaway nilang lahat." tumawa siya ng malalas kaya natawa na din kami.

Gusto ko sana ay one piece lang ang bibilhin ko pero pinipilit ako noong tatlo na mag two piece daw kaming lima para parehas kaming lahat.

"What? Ayaw ko itong black ang akin." binalik ko kay Paula ang red two piece na kinuha niya para sa akin.

"Girl naman! Mas bagay itong red sayo!" pagpupumilit niya.

Wala na akong nagawa ng silang apat na ang kumumbinsi sa akin na mas bagay daw ang pula lalo na at maputi ako.

Black two piece ang kinuha ni Paula. Kay Rina ay pink. Kay Sammy ay violet at kay Hershey ay white.

Sunod na binili namin ay regalo naman para kay Kurt. Perfume ang binili ni Sammy. Kay Rina ay t-shirt at jacket. Kay Paula ay wrist watch. Kay Hershey ay shades. Ang akin ay kwintas na may pendant na letter K. Sinamahan ko na din ng bracelet at pinalagyan ko ng pangalan niya.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now