FFI 26

540 16 1
                                    

COREEN

Mark, Rachelle's older brother and the son of the owner of our university is right in front of me.

Right, Kuya pala ni Rachelle yung lalaking nakabangga ko kanina. Yun nga lang ay hindi niya alam ang pasikot sikot dito dahil four years old lang daw siya noong huli siyang makapunta dito. Hindi katulad ni Rachelle na nagbabakasyon dito taon taon at ngayon lang napagdesisyunan na dito mag aral dahil nga college na siya.

"Nasa right wing ang boys dormitory. Katabi lang ng criminology building." sagot ko sa kaniyang tanong.

"Sabi na eh. That brat." nailing siya. "By the way, thanks beautiful." kinindatan niya pa ako bago siya tuluyang umalis.

Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa rooftop.

"God! Kuya pala ni Rachelle yun?" gulat na tanong ni Paula. "Bakit kaya nagdadatingan na yung mga anak ng may ari ng school no?"

"Ewan. Baka naisipan nilang suportahan ang school nila?" patanong na sagot ko.

"Pero infairness, may itsura si Kuya mo." humagikgik siya kaya natawa na din ako. "Pero mukhang masisira din kapag nalaman ni Israel na tinawag ka niyang beautiful at kinindatan pa." tumawa siya ng malakas na ikinailing ko.

"Then don't tell him. Kilala mo naman ang isang yun."

Nang makarating sa rooftop ay agad kong itinali ang medyo basa ko pang buhok para makapagpractice ng maayos. Ang alam ko ay wala si Israel ngayon at sumama kay Mr. Francisco para asikasuhin yung mga ipapadalang invitation sa mga bisitang dadalo para sa ceremony.

Mukhang mainit ang ulo ni Nikka ngayon dahil kanina niya pa sinisigawan sina David at Cath.

"Ang kembot Cath! Ngayon ka pa tumigas dyan kung kailan malapit na ang competition natin!" napangiwi ako dahil sobrang tinis ng boses ni Nikka.

Nagkatinginan kami ni Paula at parehong nagkibit balikat. Nilingon ko si Cath na ngayon ay parang naiiyak na yata.

"Jusko naman! Break nga muna!" sigaw ulit ni Nikka at nauna ng maupo sa bleachers.

Naglakad na din ako at naupo sa bleachers at agad din naman akong tinabihan ni Paula.

"Gigil na si ate mo girl." bulong niya at uminom ng tubig.

Kinuha ko ang towel sa aking bag at ipinunas iyon sa aking leeg at batok na pawis na pawis na. Bigla ko tuloy namiss si Israel dahil siya palagi ang naglalagay ng towel sa aking likod. Kinuha ko ang aking cellphone para itext siya.

To: Love
Hi love!

Napanguso ako habang hinihintay ang kaniyang reply. Binitawan ko na muna iyon at ipinatong sa aking kandungan para uminom muna ng tubig.

"Coreen!" napatingin ako kay Dina, isa sa kamember namin na umupo sa aking tabi. "Nabalitaan mo ba na sumunod daw si Rachelle kina Israel at Mr. Francisco?"

Nagulat ako doon pero hindi ko na ipinahalata. Pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon kahit gusto kong magtaas ng kilay dahil sa narinig.

At bakit sumunod na naman ang babaeng yun? Wala ba siyang ibang pinagkakaabalahan?

"Talaga?" tanong ko na lang at nagkunwaring walang pakialam.

"Oo no! Grabe din talaga yun no. Alam na ngang kayo na ni Israel ay dikit pa din ng dikit." naiiling niyang komento.

Natahimik ako at muling kinuha ang aking cellphone. Agad akong nadismaya ng makitang wala pang reply si Israel. Busy ba siya sa babaeng iyon?

"Sus! Hinding hindi papatulan ni Israel si Rachelle no!" pagsali ni Paula sa usapan. "Mahal na mahal kaya niya si Coreen." pagmamayabang niya.

Medyo kumalma ako dahil doon. Right! Israel is in love with me. Huminga ako ng malalim at nginitian na lang si Dina.

"Hayaan mo na lang." kinuha ko na ang aking bag at nagpaalam na sa kanila na mauuna ng umalis.

Habang naglalakad ako pabalik sa dorm ay hindi ko pa din maiwasan ang hindi mag isip. Ano na kayang ginagawa nila? Nasaan sila? Bakit hindi pa din nagrereply si Israel? Huminga ako ng malalim at umiling iling.

I trust, Israel. Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira namin.

"Ay palaka!"

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat ng biglang sumulpot si Mark sa aking harapan. Nakangisi siya at mukhang tuwang tuwa dahil nagulat ako.

"Palaka? Really? Sa gwapo kong ito?" nakangising tanong niya.

"Ano bang kailangan mo?" diretsahan kong tanong na ikinatawa niya.

"Chill babe! Gusto ko lang makipagkaibigan." natatawang sagot niya.

"Don't call me babe. I'm Coreen." pagpapakilala ko. "Mauuna na ako sayo." hahakbang na sana ako paalis doon pero hinawakan niya ang aking braso dahilan para matigil ako.

"Can you tour me around?"

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now