FFI 12

737 23 1
                                    

COREEN

Kinabukasan ay maaga kaming gumising. Masyado ng excited ang apat. Dito din kasi natulog si Sammy kagabi. Hindi ko nga sure kung natulog ba talaga sila.

Nang matapos na sa pag aayos at paghahanda ng mga gamit ay lumabas na kami ng building. Wala namang problema kung lalabas kami ngayon dahil linggo at pwedeng gumala o umuwi ang mga estudyante.

Doon kami dumiretso sa parking lot dahil doon ang usapan. Nagtext na si Kurt at tinatanong kung nasaan na kami pero hindi ko na nareplayan dahil minamadali ako noong apat.

Pagdating namin doon ay may apat na van. Kumpleto na ang basketball at soccer varsities. May iilang babae na medyo pamilyar sa akin. Nandoon na din ang mga student council.

Napalunok ako ng makita si Israel. Ilang araw ko na ba siyang hindi nakikita?

"You're here." nakangiting bati ni Kurt.

"Happy birthday." bati ko at sinundan naman noong apat.

"Thanks. Tara na."

Nagsisakay na kami sa van. Nasa iisang van ang mga basketball varsities at may kasamang tatlong babae na mga girlfriend siguro ng kung sino sa kanila.

Sa isang van din ang soccer varsities at apat na babae.

Sa ikatlong van ay ang mga student council at may iba pa na hindi ko kilala.

Sa pang apat na van ay kaming limang babae, si Kurt, si Patrick, Maximo, Troy at Israel.

Si Israel ang nasa drivers seat. Sa tabi niya ay si Kurt. Nasa pangalawang hilera kaming mga babae at sa likod sila Maximo. May mga gamit din sa pinakalikod.

Napakagat ako sa aking labi ng magtagpo ang aming mga mata ni Israel sa salamin. Nag iwas ako ng tingin at itinuon na lang ang mga mata sa bintana.

Nagtagal din ng dalawang oras ang biyahe. Nang makarating kami sa resort ay nagtatalon na sila Hershey at excited na agad mag swimming.

"Relax girls." natatawang saway sa kanila ni Kurt.

Nireserve ni Kurt ang limang cottage at dalawang pool para sa aming lahat. May iba ding mga nagsuswimming pero sa ibang area na sila.

Nagpacater din siya kaya hindi problema ang pagkain. Agad nagpalit ang mga babae ng kani kanilang bikini sa CR. Ang mga lalaki naman ay nagtanggal lang ng shirt at mga rubber shoes at tumalon na din agad sa pool.

"Umuulan ng pandesal!" nanggigigil na bulong ni Hershey na ikinatawa namin.

Hinanap ng aking mga mata si Israel at nakitang nakadamit pa siya at kausap sila Maximo at Troy.

"Bihis na tayo." aya ni Sammy at hindi na maalis ang tingin sa pool.

"Mamaya na. Hintayin nating matapos yung ibang girls para may grand entrance tayo." bulong ni Paula na sinundan niya ng halakhak.

Nang matapos ang ibang girls ay halos mamangha ako sa ganda ng kanilang katawan. Nagsipulan ang mga lalaki na ikinatawa ng mga babae. May mga naka two piece pero may mga naka one piece din. Parang ayaw ko na tuloy magpalit dahil wala akong ibang nakita na naka red bikini. Halos lahat ay black at white ang suot.

"Tara na! Magpalit na tayo." aya ni Sammy.

Napangiwi ako ng makapagpalit na ako ng red two piece ko. Hindi naman ito ang first time na magsusuot ako ng ganito sa isang public area pero isipin pa lang na nandoon si Israel at makikita ako ay tinutubuan ako agad ng hiya.

Kaya mo yan, Coreen! May curves ka naman no! Medyo malaki din ang hinaharap mo. Keri na yan!

Pagpapalakas ko sa aking loob. Huminga ako ng malalim bago lumabas sa cubicle.

"Wow girl! Ang sexy mo!" puri nila sa akin.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Parang mas pumayat yata ako ngayon. Tumagilid pa ako at inayos ang aking kakarampot na suot.

"Naku! Tutulo ang laway nila sayo." namamanghang sabi ni Rina.

"Baka may masuntok si Israel kapag nakitang marami ang nakatitig sayo." pang aasar ni Hershey na inilingan ko lang.

Sus. Si Israel? Baka nga hindi ako tignan non. Sinuot muna namin ang see through dress na kakulay lang din ng mga bikini namin at saka lumabas.

Tulad kanina ay nagsipulan ang mga lalaki pero mas malakas ngayon. Bigla akong nahiya kaya napahawak ako sa dress na aking suot. Hinanap ng aking mga mata si Israel at nakita siya na nakatitig sa akin na may madilim na mga mata. Halos magdikit din ang kaniyang mga kilay dahil sa pagkakakunot. Parang naiirita siya sa kung ano. Katabi niya sila Kurt, Maximo, Patrick at Troy na nakatingin din sa amin.

Naiirita ba siya sa suot ko? Hindi ba bagay sa akin?

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now