FFI 52

676 19 0
                                    

COREEN

Pinilit ko si Israel na tapusin ang mga trabahong iniwan niya kanina. Sobrang labag pa nga sa kaniyang kalooban na hawakan ang kaniyang laptop! Napailing na lang ako at tumabi na sa kaniya para naman daw ganahan siya.

"Babalik na din ako sa hotel ko maya maya." sabi ko habang nakatingin sa screen ng kaniyang laptop.

"Just sleep here. Dito din naman ako matutulog." suhestiyon niya.

Nilingon ko siya at tinitigan ng mabuti. Inangatan niya ako ng kilay.

"Fine. Basta bukas.."

"Basta bukas uuwi na tayo sa unit natin at doon na matutulog." pagtatapos niya sa gusto kong sabihin.

"Israel."

"Why? We're getting married anyway. Isa pa, bakit ka pa hahanap ng apartment kung maluwag ang unit ko? That's more convenient to us. Palagi tayong magkasama at magkikita."

"Ang galing talagang magdahilan." naiiling kong sabi.

"I'm just stating the facts."

Since wala akong dalang damit ay pinahiram niya ako ng boxer shorts at tshirt. Nag halfbath ako habang abala pa din siya sa ginagawa at may tinatawagan na ding ibang kliyente. Tinignan ko ng maigi ang aking sarili nang matapos akong maligo at maisuot na ang kaniyang damit. Wala sa sariling napangiti ako. I'm wearing his clothes. Masyadong malaki para sa akin pero sobrang kumportable sa pakiramdam.

Paglabas ko sa banyo ay nakita ko si Israel na nasa veranda, nakatalikod siya sa akin kaya naman naglakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. Bahagya niya akong nilingon at hinaplos ang aking brasong nakayakap sa kaniya.

"Yes. I need those files tomorrow morning. Thanks." binaba na niya ang tawag at tuluyan na akong hinarap. "My clothes looks good on you."

"Talaga?" nangingiting tanong ko.

Tumango siya.

"You smell nice too." dugtong niya pa na ikinatawa ko.

"I always smell nice!" depensa ko na ikinatawa niya.

Pinalibot niya ang kaniyang braso sa aking bewang at hinila ako palapit sa kaniya.

"Yes. You always smell nice. You always looks good on me too."

Napangiti ako at iniyakap ang aking braso sa kaniyang batok.

"I love you, Israel. Sobrang saya ko na kasama na kita ngayon. Parang dati lang akala ko sa panaginip na lang mangyayari ito but you're here." hinalikan ko siya ng mabilis sa kaniyang labi. "Hindi ako magsasawang magpasalamat sa pagtanggap mo sa akin ulit and I promise not to break your trust and your heart again."

"Just stay with me for the rest of our lives. Makita lang kitang masaya sa piling ko ay kuntento na ako."

Nag loosen ang aking balikat dahil sa narinig. I really really love this man. Handa akong ialay ang buhay ko para sa kaniya.

Napapikit ako ng halikan ako ni Israel. A kiss that's full of love. A kiss of true love.

Kinaumagahan ay nagpahatid din ako agad kay Israel sa hotel na aking tinutuluyan bago pa dumating ang kaniyang mga empleyado. Napag usapan namin na susunduin na lang niya ako mamayang tanghali at sabay na kaming pupunta sa kaniyang condo unit. Nagpunta muna kami sa restaurant para kumain ng breakfast.

"Call me if anything happens. I love you."

"I love you too. Ingat sa pagdrive."

Hinalikan muna ako ni Israel sa noo bago ako tuluyang iwan dito sa hotel kung saan ako nakacheck in.

Nag aayos ako ng aking mga gamit ng biglang tumunog ang doorbell sa aking hotel room. Kunot noo akong naglakad palapit doon at binuksan iyon.

"You're so madaya talaga!" nagulat ako ng bumungad sa akin sila Hershey, Paula, Rina at Sammy.

"Kaya nga! Kung hindi pa kami tinawagan ni Israel kanina ay hindi pa namin malalaman." nakasimangot na sabi ni Paula.

"Hi guys!" nakangiting bati ko sa kanila.

Natawa ako ng tuluyan na silang pumasok sa aking hotel room na hindi man lang pinansin ang aking pagbati.

"Ang daya ha! Hindi man lang nagsabi." pagpaparinig ni Hershey na ngayon ay abala sa paghahalungkat sa aking maleta.

"Oo nga. Yung boyfriend lang yata ang namiss." si Paula naman na nakaupo sa aking kama.

"Isusurprise ko din sana kayo." pagdepensa ko. "But Israel ruined it."

"Nope. Nagwagi ka naman. Nasurprise kami no! Literal!" si Sammy na kumukuha ng juice sa pinadeliver kong snacks kanina.

"Welcome back, Coreen." napangiti ako ng niyakap ako ni Rina. "Wag mo ng pansinin ang mga yan. Pabebe mode." nagkatawanan kami sa huling salita na kaniyang sinabi.

"Rina! Hindi kami pabebe no!" nakasimangot na sabi ni Hershey.

Tinulungan nila akong ayusin ang aking mga gamit bago sila nag order ng miryenda namin.

"So, ngayong nandito ka na ulit. Ano na ang balak mo? Magtatrabaho o magiging fulltime housewife na?" nakangising tanong ni Sammy.

"Hindi no." natawa ako saglit bago kainin ang hawak kong pizza. "Hindi pa namin napag uusapan ni Israel ang tungkol sa bagay na yun. I don't want to pressure him too."

"Kung sa bagay, you two are both young pa naman. Just enjoy your relationship for a while." si Hershey na tinanguan namin.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now