FFI 27

522 15 1
                                    

COREEN

"Anak ka ng may ari ng school. For sure, marami ang pwedeng magtour sayo dito and you have your sister."

"I know but I don't want anyone else to come with me and my sister is not around."

Oo, wala talaga siya dito dahil sumama siya sa boyfriend ko.

Hindi ko na lang iyon isinaboses. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Wala namang masyadong estudyante na nagkalat dahil abala din sila sa kani kaniyang gawain.

"Okay fine."

"Great!" masayang sabi niya.

Tulad ng gusto niya ay inilibot ko siya sa buong campus. Okay naman siyang kausap at kasama. Masyado siyang friendly at palatawa. Joker din siya kaya minsan ay talagang hindi ko maiwasan ang hindi matawa sa kaniya.

Ang huli naming pinuntahan ay ang cafeteria. Tulad ng sabi niya kanina ay nilibre niya ako ng miryenda.

"Matagal ka na ba dito?" tanong niya at kinagatan ang hawak na cheese burger.

"Ilang buwan pa lang." sagot ko naman na ikinatango niya.

"Akala ko matagal ka na." nag iwas siya ng tingin pero agad ding ibinalik sa akin ang tingin. "I heard girlfriend ka ni Israel? The student council president?"

"Yup." tipid kong sagot.

Natahimik siya kaya naman pinagtuunan ko ng pansin ang kinakain kong carbonara.

Agad kong kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone ng magvibrate ito. Imbes mapangiti ay napasimangot ako ng makitang si Israel ang tumatawag. Tss. Ngayon lang talaga siya nagparamdam ha?

"Hello?" walang gana kong bati ng sagutin ko ang kaniyang tawag .

Agad napunta sa akin ang tingin ni Mark. Sinenyasan ko naman siya na huwag munang maingay na ikinaangat lang ng kaniyang kilay.

"Pabalik na kami." pabalik na sila ni Rachelle? Tss.

"Okay." dinig na dinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong hininga.

"Are you okay? Anong ginagawa mo?"

Tinignan ko ang carbonara sa aking harapan at biglang napangisi. Nang tignan ko si Mark ay nagtataka niya akong tinignan dahil sa biglaan kong pagngisi.

"Nandito sa cafeteria. Kumakain kami ni Mark." mukhang narealize ni Mark ang aking mga pinagsasabi dahil nailing siya saka din natawa ng mahina.

"Mark who?"

Kahit hindi ko nakikita si Israel ay nasisiguro kong nakakunot na ang kaniyang noo at magkasalubong na ang mga kilay.

"Yung kapatid ni Rachelle." pinagdiinan ko talaga ang pagbanggit sa pangalan ng babaeng iyon. "He asked for a favor. I tour him around kaya nilibre niya ako ng miryenda."

"Fuck! Bumalik ka na sa dorm mo!" inis niyang sambit. Narinig ko din sa kabilang linya ang boses nila Mr. Francisco at Rachelle na nagtatanong kung anong nangyari.

Muntik na akong matawa dahil naiimagine ko na ang kaniyang iritadong mukha.

"Babalik din ako. Uubusin ko lang itong kinakain ko." nangingiti kong sambit.

"Ano ba yang kinakain mo? Bibilhan na lang kita at ihahatid ko sa dorm niyo." inis niya pa ding sabi.

"Is everything okay, Israel?" napaangat ang aking kilay ng marinig ang malambing na boses ni Rachelle.

"Tss." nainis na din ako bigla. "Ikaw lang ang pwedeng may kasamang iba ha?" iritadong sambit ko.

"What? What the hell are you saying, love?" medyo huminahon ang kaniyang boses.

"Mamaya na lang tayo ulit mag usap. Bye."

Naririnig ko pa ang kaniyang boses sa kabilang linya na tinatawag ako pero binaba ko na ang aking cellphone. Bumuntong hininga ako at napatingin kay Mark ng mapansin ko ang kaniyang pag iling.

"Talagang sumunod pala ang brat na yun sa boyfriend mo?" naiiling niyang sabi. "I'll talk to her again later. Sinabihan ko na yun na iwasan na si Israel dahil may girlfriend na pero mukhang ayaw niyang magpaawat."

Dahan dahan lang akong tumango.

"Hey! Cheer up!" nakangiting sabi niya.

Nang makabalik sa dorm ay agad akong nag halfbath at nagpalit ng damit.

Wala pa ang mga kasama ko at ewan ko kung nasaan na sila. Nahiga ako sa aking kama at tinignan ang aking cellphone. May mga text doon si Israel na hindi ko pa nababasa. Napanguso ako at naguilty dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina. Bumuntong hininga ako at binasa na ang kaniyang mga text.

From: Love

Hey! Are you mad?

I didn't know she'll be coming with us.

Love, I'm sorry okay? I'm just jealous.

Malapit na kaming makarating dyan.

Magtatype na sana ako ng reply sa kaniya ng biglang may dumating na panibagong text.

From: Love

We're already here. Magrereport lang ako sa principal then I'll go there. I love you.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now