Kabanata 19

707 27 0
                                    

Selfish

" Time for your medicine." Coyoka give me my medicine. When he turned around for the water. Inilagay ko sa ilalim ng unan ang ibinigay niyang gamot. I just fake that I put the medicine inside my mouth and get the water from him.

He smiled at me and get the glass from me.

" What do you want to do right now?" he asked me.

Umakto naman ako nag-iisip habang nakamasid sa'kin. Medyo na-conscious pa ako sa paraan ng paninitig sa'kin kaya hinampas ko siya sa braso at tumawa ng bahagya.

" B-bakit ganyan ka makatingin? Parang nangangain lang ng tao." turan ko.

Napangisi naman siya ng tipid at umupo sa tabi ko.

" Masaya lang ako." sagot niya.

Humarap ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. May naglalarong ngiti sa labi ko.

"Masaya saan?"

"I'm happy when I see you happy. Less pain for me."

Natigilan ako sa sagot niya. Nabura ang ngiti sa labi ko at marahan na tinitigan siya. Napansin kong dumaplis ang paningin niya sa'kin at bigla nalang umiwas. Napahugot ako ng hininga habang pinagmamasdan niya.

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Matt. Napaayos ako ng upo at nakaramdam ng kaba habang inaayos ko ang itatanong ko sa kanya.

" A-are you happy C-coyoka?" pumiyok ang boses ko sa tanong.

Bumaling siya sa'kin at saglit natigilan. His eyes makes me tremble. The way he looking at me. May tinatago siya. There's something in his eyes that made my heart in sorrow.

" I-im h-happy..when I see you starting to smile again. Makes my heart in peace."

Aaminin ko. Ginigipit ko siya sa mga oras niya. Nahahati ang oras niya sa school at sa pag-aaruga sa'kin. Every morning before he goes to school. Pumupunta muna siya dito para masiguradong iinumin ko ang gamot which is it's not. Bago siya umuwi sa bahay nila ay binabantayan niya ako hanggang sa makatulog ako.

Isang buwan na ganoon. I stop studying for my recovery. For that month. Honestly, I'm being selfish again. This is unfair for him but you can't blame me for not grabbing this opportunity to be with him in a long time, day or a month.

Gustong-gusto ko na palagi siyang nandito. Sa'kin lang ang atensyon niya pero alam ko may hangganan rin ito. Matatapos rin lahat katulad ng pag-ikot ng ferries wheel.
It will stop and you can't do anything but to accept.

Acceptance. Dapat ko tanggapin na kailangan kong tigilan ang lahat ng ito. Iniipit ko sa sitwasyon si Coyoka sa responsibilidad na hindi naman niya ginawa. Pinili ko ito. Pinili kong pagpakahulog kaysa magpaligtas sa kanya. Malaki ang chance pero tinanggihan ko.

But I can't. I just I can't. Kahit ramdam ko at nahulaan ko sa boses niya na hindi siya masaya.

Matthew is right. Coyoka can't be happy with me. Dini-deny ko lang na masaya siya na kasama ako.

" Saan tayo pupunta?"

Hapon iyon ng maisipan namin lumabas. Nasa likod ko siya at tinutulak niya ang wheelchair ko. Hindi na masyado masakit sa balat ang init ng araw kaya malamig at masarap ang simoy ng hangin.

" Gusto lang kita ipasyal kasi alam kong bored na bored ka na palagi kang nasa bahay."

" Pero kailangan d-dahil sa sitwasyon ko." mahinang turan ko pero sapat na para marinig niya.

Narinig ko sa likod ang malalim niyang paghinga at pananahimik sa likod ko. Tumigil kami sa tabi ng malaking puno ng mangga at ng mapadako ang tingin ko sa harapan ay doon ko napagtanto na nasa park pala kami.

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon