Kabanata 9

646 21 0
                                    

Break up

Pagkadating namin ay halos ang mga mata nila ay sa amin. Gusto ko matawa lalo ng makita ko ang inis sa mukha ni Alice.

Ano ka ngayon? Mamatay ka sa inggit!

Mabilis ako bumaba na may malokong ngiti sa labi. Ibinigay ko agad ang helmet kay Coyoka.

Ow, I really love his name. Haha

Nangunot ang noo niya ng masilayan ang ngiti sa labi ko. " What is that for?" tanong niya.

Umiling ako at patay malisya ngumiti sa kanya. " I love the attention right now." tugon ko.

Kinuha ko sa kanya ang gamit ko habang taka siyang sinusundan ako ng tingin. Napailing na lang ako at nagtungo sa mga kasamahan ko na senior highschool.

Naabutan ko ang tingin sa'kin ni Matt.

Pinagtaasan ko agad siya ng kilay. " Anong oras daw tayo aalis?" tanong ko.

" Talagang seryoso ka sa batang yan?" bungad niya. Nilapag ko muna gamit ko tsaka tumabi sa kanya.

" We like to each other naman kaya okay lang. " sagot ko.

Hindi nakaligtas sa pagdinig ko ang pag-ismid niya. " Really, para saan yung okay lang?"

Inis na lumingon ako sa kanya." Bakit ba ang dami mong tanong? Tsaka nasaan si Steph?" mabilis ko nilipat ang usapan namin dalawa para tigilan niya na ako at tsaka pa. Hindi ko pa nakikita si Steph na kasama niya.

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago iniwas ang tingin sa kanya. Weird.

" She's not feeling well." tugon niya. " and you're not answering my--"

Naagaw ang atensyon namin lahat ng magsalita si Ma'am Isabella. " Listen students! I want you to prepare everything including yourself and things." Nilibot niya ang kanyang paningin at isa-isa kaming tinignan.

" All of you need to be brave kasi hindi tayo pumunta dito para magsaya. This is a leadership training. So ayoko sa lahat yung nag-iinarte dito. Ayoko sa lahat yung may nanlalandian dito kasi hindi kasama. Understand?!"

" Yes ma'am."

Ako lang ba o sadyang tumigil ang paningin niya sa'kin? Tas nakita ko pa ang pagngiti at pangiirap sakin ni Alice?

Magkasabwat yata silang dalawa.

Napaismid na lang ako at inirapan din siya. Mabilis na nilibot ng paningin ko si Coyoka. Di ko alam kung saan siya banda nagparada ng motor niya tsaka bakit hindi ko man lang napansin na wala pala siya?!

Nasaan naman kaya sumuot iyon?

" Lillie bilisan mo nandyan na yung bus."tugon ni Matt at nauna ng lumakad sakin.

Napasimangot ako ng hindi ko talaga makita si Coyoka.

Nakita ko rin si Alice na mukhang may hinahanap rin. Mukhang parehas yata kami ng hinahanap eh. Nang dumaan ang paningin niya sa pwesto ko ay umirap ulit siya.

Napangiwi ako sa kaartehan niya at inis na dinampot ang gamit ko pero nang mapansin kong wala akong makapa ay inis akong lumingon. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Coyoka malalim nakatitig sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya at napansin kong gamit ko yon.

Hindi matigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko. " K-kanina ka pa dyan?" tanong ko.

Tumungo siya at humakbang palapit sa'kin. Wala sa oras napalayo ako at naiilang salubungin ang mga titig niya.

" Bakit ka lumalayo?" bulong niya. Mas lalo ako pinagtaasan ng balihibo sa tono ng boses niya.

Napakagat ako ng labi at pilit na nilalaban ang sariling kaba. " A-ano bang problema mo. Lumayo ka nga."

Tinulak ko ang dibdib niya pero mukhang mali yata ang ginawa ko dahil mabilis niya hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

Pigil hininga ang ginawa ko at di ko alam kung ano dapat ang gagawin ko. Masyado niya ako ginigipit sa space pati pagitan namin dalawa ay gusto mapalapit.

" Are you okay?" his voice made my knees shivered.

Tumungo ako at pilit na iniiwasan mapadako ang paningin sa kanya. Samantalang siya ay pilit na hinuhuli ang tingin ko.

" H-huwag ka ngang tumingin ng ganyan! Mas lalo ako kinakabahan eh..." mahinang sambit ko.  Sa pagkakataon ito ay hinawakan niya ang baba ko at tinaas upang magtama ang paningin namin dalawa.

" Why?" sambit niya. Wala sa sariling napakagat na naman sa labi. Nahuli niyang ginawa ko iyon kaya bumaba ang tingin sa labi ko.

Kitang-kita ko kung paano niya basain ang labi niya at pumungay ang matang tumingin sakin. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

" Do you want me to..."

" Lillie!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Matt sa malayo kaya mabilis ako lumayo sa kanya na may mamumulang pisngi.

" Tsk." 

Nagmamadaling lumapit sa'kin si Matt na may hindi mapaliwanag na mukha.

Napairap ako sa isip ko. Isa rin ito panira ng moment.

" Aalis na lahat nandito ka parin." bungad niya sa'kin. Nagulat pa ako ng hawakan niya braso ko at mas nilayo kay Coyoka. 

Umawang ang bibig ko sa ginawa niya lalo ng matalim niya tinitigan si Coyoka. Bumusangot tuloy ang mukha ni bebe ko.

" Don't worry about her I'm with her." wala sa sariling napangiti ako sa tugon ni Coyoka kay Matt.

" Pre, yun nga ang pinagaalala ko. Yung kasama ka ni Lillie. Tsaka ang layo ng edad mo sa kanya ah. Dapat yung nililigawan mo yung katulad mong bata."

Di ko alam kung bakit ganun ang sinabi ni Matt pero hindi ako natuwa ako sa narinig ko.

" Matthew--!"

" I like her. " natigilan ako sa sagot ni Coyoka. Napatitig ako sa kanya at napahigit ako ng hininga ng makita ko siyang nakatitig sa'kin. " and I can't see anything wrong with that. " tinapunan niya ng tingin si Matt at ngumisi ng nakakaloko.

"Don't act like you are his boyfriend cause you're not." he said. Binigay niya kay Matt ang gamit ko at lumingon sa'kin.

" See you Ate Lillie."

Napasimangot ako. " Anong ate?"

" Oh, See you mylove. " he winked at me.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay siya ng bus. Napangiti pa ako ng puwesto siya sa may bintana at kumaway sa'kin.

" Let's go." napabalik ako sa huwisyo ng mauna na si Matt maglakad.

Napanguso ako kay Matt ng makitang malalaki ang hakbang niya. Napairap ako sa hangin ng tumigil siya at nilingon ako.

" FASTER!"

" Kasalanan ko pa kung mabilis ka maglakad?" nilakihan ko ang hakbang at inuna ng pumasok sa bus. Pagkapasok ko  pa lang ay nasa akin na ng tingin kaya pinagtataasan ko na lang sila lahat ng kilay at umupo sa pinakadulo ng bus tutal dun naman may bakante.

Pagkaupo ko ay nakita kong sumunod sa'kin si Matt at tumabi sa'kin. Napahalukipkip ako ng ngumiti siya sa'kin.

" How I wish nandito si Stephanie para siya na lang kinukulit mo hindi yun ako itong iniistorbo mo."

" We broke up." mahinang tugon niya pero narinig ng taenga ko.

" Ano! Bakit?" natatarantang tanong ko habang hinahalungkat lahat ng gamit ko. 

Shucks! Hindi ko makita yung phone ko.

" Personal privacy." narinig kong tugon niya.

" Kaya pala hindi na siya sumama dito dahil sa'yo!" inis na sambit ko.

Narinig ko siyang napabuntong hininga habang ako ay natataranta ng halungkatin ang lahat ng gamit ko.

Lintek nasan na ba yung cellphone ko! Panigurado umiiyak ang bruhang yon!

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon