Kabanata 12

620 24 2
                                    


Selos

Ngayon ko napatunayan na mas nakakapagod ang umakyat kaysa ang bumaba ng bundok. Napahugot ako ng hininga at saglit napatulala.

Yung nangyari kanina. Never in my life may tao parin yayakap mula sa likod na para bang pinuprotektahan ako mula sa masasakit na bagay. Pangarap ko kasi yun eh. Yung ako naman ang minamahal. Ako yung pinapahalagahan. Naalala ko noon. Pangarap ko gawin sa'kin lahat ng iyon ni Matt but it turned out sa kaibigan ko pa. And Coyoka came. 

Sa tingin ko hindi naging madaya ang trato sa'kin ng tadhana. Hinayaan niya parin ako maranasan ang lahat ng ganito.

" Ate kakain na daw po."

Bumalik ako sa huwisyo ng tinawag ako ni Bella na isa sa mga kasama ko sa tent. Napangiti ako at tumungo bago inaayos ulit ang gamit ko. Pagkababa kasi namin sa bundok. Mabilis ako nagpalit ng damit. Gusto ko sana maligo dahil naglalakit na ang buong katawan ko pero sinabi nila Ma'am bukas nalang dahil malayo ang paliguan dito tsaka gabi na rin. Inabot na kami ng dilim dahil sa laro na yan!

Obviously, hindi kami ang nanalo. Sa katunayan kami ang pinakahuli pero para sa'kin pakiramdam ko ako parin ang nanalo. We stay like that for almost one hour. Sulit and worth it at the same time.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang napakaraming pagkain nakahain sa lamesa. Bigla tuloy ako nakaramdam ng gutom pero bago ako nakalapit sa lamesa ay biglang umakbay sa balikat ko.

It's Matt!

" Bakit nahuli kayo kanina?" tanong niya.

Inirapan ko siya at ngumisi sa kanya. " Nagsex kami." tugon ko.

Awtomatikong napahinto kami at gulat na humarap sa'kin si Matt. " Say what?!" sigaw niya.

Tinaasan ko siya ng kilay habang hindi maipinta ang pagmumukha niya. Napailing ako at pinagkrus ang braso. Buti na lang busy ang iba kaya di nila napansin ang sigaw ni Matt tsaka nasaan kaya si Coyoka myloves?

" Seryoso ka ba Lillie?"

" Well I really enjoyed it. Awesome. Hard, rough and.." tumaas ang sulok ng labi ko at nang-aasar na tumingin sa kanya." Faster." bulong ko.

" What the heck Lillie-"

I cut him. " Kidding." sambit ko sabay flip ng hair ko.

Napanganga siya. Napatawa ako at nilampasan siya. Pupunta sana ako para matignan kung ano masarap na uulamin ng bigla na naman may humarang sa'kin.

Kaya ending bumangga ako sa dibdib ng taong nasa harapan ko kung sino man.  Tsaka pamilyar ang amoy niya. Napatingala ako at napaatras pa ako ng makita ko so Coyoka mismo sa harapan ko pero mabilis na lumipad ang kamay niya at inikot niya sa baywang ko.

"C-coyoka." nalunod ako sa kaba ang dibdib ko at halos ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.

"Inakbayan ka?" tanong niya.

"Sino?"

Kumunot ang noo ko.

" Yung lalaki. Tanda."

Lalaki? Then naalala ko pala na inakbayan ako ni Matt. Sumilay ang ngiti sa labi ko.

" Bakit selos ka?" taas kilay kong tanong sa kanya.

" I'm better rather than him. So, I don't have too." salubong ang kilay niya at nagulat ako ng pitikin niya ang noo ko.

Napahiwalay ako. " Wow ang sakit!" napatawa ako at umiling sakanya. Hinampas ko siya sa braso pero hinila rin para kumain na dahil nagtatawag na para magsimula kumain.

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon