"Ako na rito, magpahinga ka muna" wika niya sa akin. Napanguso ako sa sinabi niya, minsan nga bine-baby niya pa ako keysa sa kapatid niyang si Anjo. 

"Ayos lang ate, hindi naman ako ganon kapagod" sagot ko tiyaka kumuha ng mga plato para ilagay sa mesa. 

College narin pala si Anjo. Engineering naman ang kinuha niya. Ang bilis, parang nung pumunta ako rito. Senior High palang siya pero ngayon college na. 

"May nag-iwan pala sa tapat ng bahay para raw sayo" sabi ni ate pagkatapos kong maglagay ng gamit sa lamesa. Nginuso niya pa ang table sa sala. 

Nagtataka akong lumapit doon, lalo na ng may nakita akong pamilyar na tatak ng bookstore. May printed note rin doon na para nga sa akin kung ano man ang laman na iyon. Kaagad kong kinuha iyon para tingnan ko kung anong nasa loob. 

Hindi ko alam ang reaksiyon ko, kung magugulat o dapat ba akong magpasalamat pagkatapos makita ang laman nito. 

"Anong laman?" Tanong ni ate habang nagluluto sa kusina. Napansin niya siguro na hindi ako nagsasalita ng ilang minuto. 

"Sino nagbigay nito ate?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung sino ba ang napagsabihan ko. 

"Hindi ko rin alam eh. Kaninang magdidilig sana ako ng mga tinanim ni nanay e nakita ko iyan sa tapat ng pintuan. Tinanong ko rin naman ang mga chismosa sa barangay pero wala raw silang napansin" pagpapaliwanag sa akin ni ate. Akalain mo iyon, may hindi pa pala sila napapansin? 

"Baka nagkamali lang ng bahay?" Nagbabakasakaling tanong ko. 

"E para sayo nga e. Buo pa nga ang pangalan mo tas namali lang ng bahay? Ano ba iyan?" Tanong ni ate tiyaka nilagay ang ulam sa plato para mahanda na ang tanghalian. 

"Law books" maikling sagot ko. May reviewer pa for PhiLSAT. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Misha. 

"Oh? Napatawag ka? Nasa bahay ka na ba?" sunod-sunod na tanong niya. 

"Oo. Pero ang weird. Ikaw ba nagbigay nito?" Tanong ko, alam ko na siya lang napagsabihan ko na nagpasa ako ng requirements ngayon para sa exam. 

"Huh? Nagbigay? Wala pa akong binibigay sayo. Nandito pa ang pasalubong mo sa akin, baka hindi pa tayo nagkikita? Duh?" Maarteng tanong niya sa akin. Kung hindi siya sino? 

"Akala ko ikaw ang nagbigay nito. Ikaw lang napagsabihan ko na mag exam ako" paliwanag ko sakaniya habang hawak-hawak ko ang mga libro. 

"Ano ba iyan?" Tanong niya na mukhang wala rin siyang alam. 

"Law books. Pati reviewer para sa exam" sagot ko sakaniya. Hindi ko makita ang reaksiyon niya dahil hindi naman ito video call. 

"Baka secret admirer mo? Wala bang nagpaparamdam sa iyo sa firm niyo?" May halong pang-aasar pa ang tono ng boses niya. Napailing nalang ako sa naiisip niya. 

"Wala naman" sagot ko nalang sakaniya para hindi siya ma-badtrip. 

"We? Baka meron at hindi mo lang sinasabi sa akin? Anyway, anong oras ang out mo bukas?" Tanong niya sa akin. 

Sinagot ko lang siya na aals siyete pa ang out ko bukas. Sabi niya ay susunduin niya ako sa building namin. Napailing nalang ako dahil mukhang excited siya. 

Kinabukasan, pumasok na ako sa firm. Assistant din ako ng isa sa mga highest paying attorney dito sa firm. Matanda lang siya ng tatlong taon sa akin dahil wala pang k-12 nung sakanila. Fresh graduate siya sa law pero halos lahat ng kaso niya panalo. He graduated summa cum laude.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Место, где живут истории. Откройте их для себя