Chapter 18

633 16 0
                                    

Chapter 18

Secret

Unti-unting naglayo ang mga mukha namin. Naghabol din ako ng hininga habang nakatingin sa labi niyang papalayo sa akin. Napasinghap siya nang makita ang gulat kong reaksiyon.

That's my first kiss!!!

Tahimik niyang kinuha ang kape sa likuran ko at iniinom ito. Maybe he was just drunk? Maybe he is not sincere? Pero naramdaman ko ang paghalik niya na punong-puno ng pagmamahal! P'wede bang pekein iyon?

Umupo siya sa higaan na gawa sa kahoy kung saan siya nakaupo kanina. Tanaw niya ngayon ang malawak na dagat habang umiinom ng kape niya. Tahimik na nag-iisip. Habang ako, nakatayo lang ako sa gilid niya, gulat parin sa nangyari at sa sinbi niya sa akin.

"It's late, you're tired. Take a rest now" wika niya pagkatapos higupin ang mainit na kape. Tinikom ko ang labi ko na nakaawang nang makabawi na ako.

"What was that?" Takang tanong ko sakaniya. Alam ko, may nararamdaman ako. Pero gusto kong manggaling mismo sakaniya iyon.

"Didn't I say it clear?" Takang tanong niya tiyaka tumingin sa akin, napaiwas ako ng tingin dahil sa tingin na pinukol niya sa akin. Naiilang ako. "I'm falling" umiling ako.

"What about Alexa?" Hindi ako bulag para hindi sila makita na magkasama sila nitong mga nakaraang araw. Kung paanong parang lintang nakadikit sakaniya si Alexa.

"Call me heartless but I did that for you" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Para sa akin? Bakit naman naging para sa akin iyon?

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Hindi ko siya maintindihan, paano naging para sa akin ang closeness nilang dalawa ni Alexa?

Nakaawang na ang labi niya para magsalita nang bigla namin marinig ang isang pamilyar na boses. Mayroon din kaming narinig na papalapit na yapak papunta sa amin.

"There you go!! Nandiyan lang pala kayo!" Sigaw ni Misha habang nagmamadaling lumapit sa amin. Ngumiti siya sa akin nang makalapit siya kasama si Jeff sa likuran niya. Ngumiti si Jeff kay Calvin tiyaka sila nag high five at umupo ito sa tabi niya.

"Sana all may kape" natatawang wika ni Jeff nang makaupo, tinanaw niya rin ang dagat sa gitna ng dilim na tanging ang maliit na ilaw dito sa likuran at buwan lang ang nagbibigay liwanag.

"Wait, pagtitimpla kita" wika ko kay Jeff tiyaka mabilis na nagsalin ng mainit na kape sa isang tasa. Mabuti nalang at marami-raming tubig ang pinainit ko kanina.

"Ayan! Kasi naglalasing pa" sermon ni Misha sakanila. "Napano ka? Anong nangyari?" Tanong ni Misha nang mapansin siguro na natataranta ako. Hindi ko alam pero nahihiya ako at feeling ko ay nakita nila kung anong nangyari kanina. Biglang pumula ang mukha ko dahil sa tanong niya.

"A-ah wa-wala" pag-iwas ko ng tingin tiyaka tinuon ang pansin sa hinahalo kong kape. Bago ko pa tinuon ang tingin ko sa tasa ay nakita ko ang pag ngisi ni Misha dahil sa reaksiyon ko.

Binigay ko na kay Jeff ang tasa na may kape tiyaka ito nagpasalamat sa akin. Naiilang ako sa tingin na binibigay ni Calvin sa akin, kaya lalong napangisi si Misha sa hindi malamang dahilan. Pinagkibit-balikat ko nalang kung ano man ang iniisip niya.

"Sabay-sabay na tayo mag enroll ah?" Wika sa amin ni Jeff tiyaka humigop ng kape niya.

"Oo. Kaso, paano iyon? Nakuha mo na ang sasakyan mo. Is it mean, hindi na sasabay sa atin si Calvin?" May halong patuya ang boses ni Misha habang nakatingin kay Calvin.

"Krizette will be with me" seryosong wika ni Calvin kaya gulat akong napabaling sakaniya. Paano niya nasabi ng deretso iyon sa mga kaibigan namin?

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon