Chapter 21

669 16 0
                                    

Chapter 21

Careful

"Hay!! Nakaka stress naman ang finals!" Misha bluntly said. Nandito kami ngayon sa isang sikat na unling wings-an malapit sa school, kakatapos lang kasi ng finals namin and I think we deserve this.

"Pero kahit stress ka, maganda ka parin" biglang banat sakaniya ni Jeff dahilan ng pamumula ni Misha pero kaagad niya rin itong hinampas. Natawa si Jeff sa reaction ni Misha.

"That's cringe" wika ni Calvin sa tabi ko. Napatingin tuloy ako sakaniya habang natatawa sa dalawa na nasa harapan namin.

"We? Mas cringe pa nga banat mo kay Krizette e!" Pang-aasar ni Jeff. Umiling-iling si Calvin sa sinabi niya.

"Oo nga! Ano nga ulit iyon? Iyong sinabi niya nung bago mag exam tas nagkaroon sila ng misunderstanding ni Krizette?" Dagdag na asar ni Misha kay Calvin.

Bago kasi ang exam nagkaroon kami ng tampuhan ni Calvin dahil kay Alexa. Paano ba naman kasi sunod nang sunod itong si Alexa kay Calvin, edi binigyan ko sila ng oras sa isa't-isa. Kaso nga lang nagrereview ako kaya hindi ko nasasagutan ang messages ni Calvin kaya akala galit ako.

"Fuck baby I can't take my exam if you are mad. I'm sorry, you're the one I love" panggaya ni Jeff sa sinabi ni Calvin sa akin noon. Binato siya ni Calvin ng buto ng manok dahil don.

"Ang cringe!" React pa ni Misha.

"Sobra!" Sabay tawa pa ni Jeff tiyaka sila nag apir ni Misha.

"May weakness na pala si Calvin" ngising wika ni Misha. Biglang nag-iba ang timpla ni Calvin pati narin si Jeff kaya kumunot ang noo ko dahil don.

"Ah? May problema ba?" Naiilang na tanong ko. Nahagip ng mata ko ang pasimpleng pagsiko ni Jeff kay Misha. Napangiwi si Misha dahil don.

"Nothing. Let's just eat" seryosong wika ni Calvin. Tumango ako tiyaka pinagpatuloy ang pagkain.

"Kailan mo papakilala si Calvin sa parents mo?" Tanong ni Misha habang kumakain. Para bang naghanap siya ng topic dahil mukhang hindi kumportable ang dalawa sa topic kanina "I mean, they knew him naman. Pero as a boyfriend?" Muntik akong mabulunan dahil sa pagiging deretso ni Misha. Hindi pa kasi ako sanay na tawaging boyfriend si Calvin kahit na tatlong buwan na magsimula nung sinagot ko siya.

"Kapag siguro pumunta nalang dito sina Mama. O kaya sa bakasyon" tiyaka ako ngumiti sakaniya. Tumango si Misha sa sagot ko.

"Kailan ka ba magbabakasyon?" Tanong ni Jeff.

"Baka sa June pa. Nagbabakasyon pa rito si Karlo" bakasyon kasi nina Karlo ngayon kaya sinundo siya ni tita Anya para magkalaro sila ni Anjo. "Pero alam naman na ni Karlo tiyaka nina tita Anya" dagdag na sagot ko. Pinakilala ko narin kasi sakanila si Calvin bilang boyfriend ko.

"Hindi ba umangal?" Tanong ni Jeff na punong-puno nang kuryosidad ang mukha.

"What do you think?" Mayabang na tanong sakaniya ni Calvin kaya napangiwi si Jeff.

"Hindi. Ayos lang naman sakanila" sagot ko, iyon naman kasi ang totoo basta huwag ko lang papabayaan ang pag-aaral ko.

"Ay sayang naman. Almost perfect na ang love story niyo" ngiwing wika ni Jeff. Napailing lang ako habang nakangiti sakaniya.

"Not as complicated as yours" asar ni Calvin sakanila kaya sabay na nag make face ang dalawa.

Natawa tuloy ako sakanilang dalawa. Paano kaya nila nahahandle ang relasyon nila e pareho silang isip bata?

Nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming pumunta kung saan nakapark ang sasakyan nina Jeff at Calvin.

"Punta tayo sa inyo, Krizette" wika ni Misha. Napatingin ako sakaniya na namimilog ang mata dahil sa sinabi niya.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon