Chapter 12

583 18 0
                                    

Chapter 12

Call

Pumasok kami sa theatre ni Misha, kaagad ngumiti si Misha sa mga kakilala niya na para bang walang nangyari. Grabe, ang galing magpeke ni Misha nang emosyon niya. Habang tinitingnan ko siya na nakikipag-usap sa iba ay para bang hindi siya umiyak kanina o para bang hindi siya galing sa isang hindi pagkakaintindihan kanina. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya hindi ko kayang humarap sa ibang tao, kaya siguro pwede rin siyang maging abogado. Kaya niyang ilagay sa tabi ang emosyon niya. Ito siguro ang pinaka challenging kapag kukuha na ako ng law, ang huwag magpadala sa emosyon. 

“Ang galing ng performance niyo kanina” isang may edad na babae anglumapit sa amin tiyaka kinausap si Misha.  

“Hello po ma’am! Buti po nakapanood kayo” malawak na ngiti ang binigay ni Misha sa Ginang. 

“Syempre nalaman ko na magpeperform ang mga naging estudyante ko hindi ko ba panonoorin?” Bahagyang natawa si Misha sa sinabi nang Ginang tiyaka bumaling sa akin si Misha. 

“Si Krizette po ma’am kaibigan ko” pagpapakilala sa akin si Misha. Ngumiti sa akin si ma’am. Ngumiti rin ako sakaniya. 

“Yup, siya yung bidang babae. Katambal ni Calvin!” Masayang wika ni ma’am “Ma’am Gina” malugod kong tinanggap ang kaniyang kamay. 

“Krizette po” nakangiting pagpapakilala ko sakaniya. 

“Taga probinsiya?” Nakangiting tanong niya sa akin, marahan akong tumango “Oh! Kaya pala hindi masyadong familliar, wala man kasing masyadong kasama rin na babae ‘tong si Misha. Anyway, you and Calvin looks good together” puna niya sa amin ni Calvin, yung kaninang ngiti ko tuloy ay napalitan nang naiilang. 

“Ahm. Ah” hindi ko alam kung anong idudugtong ko o sasabihin ko kay ma’am. Natawa si Misha na nasa tabi ko. Tiyaka siya napatingin sa isang direksiyon dahilan nang pagtingin namin ni madam. 

Nakita ko si Calvin na nagpapalinga-linga na para bang may hinahanap hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin. Nakahinga siya nanng maluwag nang magtama ang paningin namin tiyaka siya naglakad palapit sa amin. 

“Here he is, ma’am” Misha giggle. Natawa rin nang bahagya si Ma’am. 

“Good evening ma’am” bati ni Calvin tiyaka bahagyang yumuko para magbigay galang. Napatango si ma’am kay Calvin. 

“How are you? You look inspired today” may halong pang-aasar na sinabi ni ma’am.

“I’m okay po” tipid na sagot ni Calvin, bahagyang napangisi si ma’am dahil don. 

“May pupuntahan lang ako don, good luck!” Pagpapalam ni ma’am sa amin tiyaka kumaway. Nagpaalam din kami sakaniya. 

Tiningnan kami ni Calvin at napansin siguro na kulang kami nang isa.

“Where’s Jeff?” Nagtatakang tanong niya. Nag-aalalang tumingin ako kay Misha, kung kanina ay ngiting-ngiti ngayon ay nawala ang ngiti niya.

“Find him” masungit na sabi ni Misha tiyaka ako hinila palayo kay Calvin. 

Wala akong magawa kung hindi sumunod kay Misha at iwanan si Calvin doon, kaagad kaming pumunta sa mga kagrupo namin na ngayon ay maayos na naghihintay ng announcement. I-announce na kasi nila ang winner. Kaso nga lang ay hinila ulit ako ni Misha papuntang back stage nang mabilis. Kinuha niya ang mga gamit namin, binigay niya sa akin ang bag ko tiyaka nagsalita.

“Kaagad tayong aalis mamaya after ma-announce ang winner” wika niya sa akin, nag-alangan akong tumango sakaniya. 

“Hindi tayo sasabay kina Calvin?” Napanguso siya sa tanong ko tiyaka tumango. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon