Chapter 11

593 16 0
                                    

Chapter 11

Gusto

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, nandito kami ngayon sa backstage, hinihintay na matawag ang grupo namin. Malapit nang matapos ang mga nagpeperform at kami na ang susunod. Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba, hindi ko alam kung dahil ba marami rin ang magagaling na nagperform bago kami, maraming nanonood na mga tao o naiilang akong kapartner ko si Calvin. E bakit naman ako maiilang?

"Nervous?" Bahagya akong napatalon sa gulat ng marinig ko ang boses ni Calvin na nasa tabi ko na pala.

"Ah. Kaunti" sagot ko sakaniya kahit na ang totoo ay gusto ko nang mawala rito sa kaba, hindi naman ako ganito dati, sanay akong magperform sa harap ng maraming tao. Pero meron kung ano kay Calvin na nagpapakaba sa akin.

"Are you not comfortable with me?" Bahagyang namilog ang mata ko dahil sa tanong niya Napatingin ako sakaniya, nakita ko ang sandaling paglandas ng sakit sa mata niya pero nawala rin ito agad.

"Huh?" Gulat na tanong ko sakaniya. He slightly smile.

"Be comfortable, please" nakangiting wika niya. Dahan-dahan akong napatango.

"Guys, be ready na!!" Sigaw nang senior sa amin kaya naghanda na kami.

Narinig ko ang pagsasalita ng emcee bilang pagpapakilala ulit sa grupong nagperform, narinig ko rin ang nakakabinging sigawan mula sa mga audience. Napabuga ako ng hangin hanggang sa tawagin na ang grupo namin.

Pinagpapasalamat ko na naging komportable ako kay Calvin hanggang sa matapos ang performance namin. Nakahawak ang kamay niya sa beywang ko, pinalupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya habang magkadikit ang noo namin. Nagulat akong bahagya nang bigla niyang diniin ang pagkakahawak sakin dahilan ng paglapit ko lalo sakaniya. Nakita ko ang pag ngiti niya habang napalitan din nang ngiti ang gulat sa akin lalo nang marinig ko ang tilian at sigawan mula sa mga manonood.

Pagkarating namin sa back stage ay kaagad na nagbatian ang lahat. May ilan na tumatalon pa habang nagyayakapan dahil ginawa namin ang lahat ng aming makakaya. Narinig ko na ang tili ni direk habang papasok sa back stage sinabayan niya pa ito ng malakas na palapak.

"Good job everyone!!" Bati niya sa amin dahilan ng paghiyaw ng karamihan sa amin. "Especially to Calvin and Krizette" tiyaka lapit niya sa amin "I didn't expect your emotions earlier!" dagdag niya pa.

"Thank you direk" pagpapasalamat ko sa papuri niya, ngumiti lang at tumango si Calvin. Pumagitna sa amin si direk tiyaka hinawakan ang beywang naming dalawa.

"Sa susunod, gusto ko kayo parin ang love team ko" ngisi niya sa aming dalawa. Bahagya akong natawa sa ilang bago sumagot.

"Nako direk baka magsawa naman yung mga nanonood kung laging kami" nahihiyang wika ko sakaniya. Lumapit sa amin si Misha at Jeff tiyaka kami binigyan ng gatorade, pati si direk.

"Nako! Sinong magsasawa kung totoo diba?" Singit ni Misha sa usapan namin tiyaka ininom ang gatorade niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko maintindihan.

"You know how to act pala" pang-aasar ni Jeff kay Calvin, ngumisi lang siya tiyaka ininom ang kanya.

"Paano hindi alam kung may nararamdaman hmm" tinakpan ni Jeff ang bibig ni Misha para tumahimik. Natawa lang ako sa reaksiyon niya.

"Agree!" natatawang wika ni Direk "Sige at mauna muna ako. Hintayin natin na banggitin ang grupo natin sa panalo" Natawa kami sa sinabi ni direk tiyaka kumekembot na umalis sa back stage.

"Calvin let's take a picture" pinalupot kaagad ni Alexa ang braso niya kay Calvin habang hawak-hawak ang cellphone niya, bahagya akong tumabi tiyaka lumapit ng bahagya kina Misha.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon