SPECIAL CHAPTER 3: Comeback Concert 4

1.4K 24 0
                                    

STEVE'S POV

"So eto na nga... CHANSE TO ASK portion naman tayo ngayon. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga title na yon kaya pagpasensyahan niyo na." nagtawanan na naman ang mga fans.

Pati kami ay nahahawa sa tawa nila e.

Ngayon ay nakaupo na kaming apat. At hindi na naman namin alam ang portion na ito. Ewan, parang long time running variety show to e.

"Okay... Kita niyo ba lahat ng fans niyo ngayon? Ang dami diba? Kaya, napakarami niyo ring tanong na sasagutin!" and they all laughed.

"Baka next year pa tayo matapos nito..." sabi ni Kiel, na mas lalong naging dahilan ng tawanan namin.

"Hindi... Joke lang... Okay, ganito kasi... Binigyan namin sila ng CHANSE TO ASK you guys some questions bago sila pumasok sa arena. At matapos naming malikom ay tiningnan namin kung ilang tanong ang hindi magkapareho at ang magkakapareho. Kaya for the four of you, may tig tatatlo kayong tanong." natawa si Betong, "pareho lang naman naman kasi ang mga katanungan nila."

Napatango na lang ako.

"So, Dragon..." rinig kong sabi niya. "Ikaw ang mauuna. You have three questions na dapat sagutin. Ready ka na?" tanong niya. And Drag nod.

Then he gave him a bowl. May tatlong papel na nakalagay doon at kumuha naman siya ng isa. Tapos, binasa niya ito.

"May balak ka pa bang sundan si baby Zann?" agad akong nakarinig ng hiyawan.
Natawa lang si Drag dahil sa tanong.

"We're still young. Anytime pwede namin siyang sundan. But for now, focus muna ako sa tatlo, especially that they are now growing."

"Aysus! Tsuwit! Next question na nga!" napailing na lang si Drag.

"Kung may mga petsa sa buhay mo na ayaw mong malimutan, anong mga petsa iyon at bakit?" pabasa niya sa tanong.

Then he smiled. "I dont want to forget the very first day that I met my very beautiful wife, the day she answered yes,  my children's and her birthday, wedding anniversary... Arrrghhh... Wala naman akong gustong kalimutan in the first place. Hindi ko rin iyon kakalimutan." and we all laughed.

Hay... Buhay ng may asawa nga naman talaga.

"Sige na... Last question."

"If you will be  given only one wish, what would it be and why?"

"My wish is already commanded. I now have a wife and children. And if I will be given a chance to have one wish, that would... to be with them for the rest of my life."

"Ayyyyyiiiieeeee! Sana all!"

Cheesy.

"Ang cheesy mo pala no?" tawanan na naman ang manayani si buong arena. "Hay, buhay ng may asawa... Well said lider! Dito naman tayo kay Ford!!!!" at napalitan to ng tawanan.

Nang ibigay ang bowl ay kaagad na bumunot si Ford at binasa niya ang unang katanungan na nabunot niya.

"Kailan niyo balak magka anak ng girlfriend mo?" At napangiti lamang siya.

"I already have one." tipid na sagot niya sa tanong, pero grabe ang impact sa audience.

Napuno ng halo halong emosyon ang buong arena. Pagkagulat, pagka emosyonal, at saya, iyan ang nasaksihan namin sa mga CHASERS.

"Talaga?! Congrats!" he congratulate Ford.
"Okay, next question."

"Anong gusto mong anak? Lalaki o babae?"

One Night Stand Where stories live. Discover now