Kabanata 15

3.1K 66 0
                                    

ZOE'S POV
     
"Matagal na po kayong magkakilala ni Dragon?" tanong ko kay nanang Fe habang kami ay naghahanda ng hapunan.

     
"Oo, taon na rin ang bibiliangin hija." wika niya at dinala ang niluto niyang adobong baboy. Naglakad siya papunta sa dining area at ako naman ay sumunod na rin.

     
Nang nakarating ako roon ay nakita ko si Dragon na katatapos lang maglagay ng mga kubyertos. Maayos ang pagkakapwesto ng mga ito. Sanay yata to sa gawaing bahay, well, I guess.

     
"Kukunin ko lang yung kanin ha." nanang said at naglakad papunta sa kusina. Naiwan kaming dalawa rito, kapwa nakatayo at nagkatinginan kami.

      
He smiled. I do the same thing. Maya maya pa ay may tumawag sa akin. Si Tita Veronica.

      

Matagal tagal na rin kaming hindi nagkakausap mula nang magpunta sa ibang bansa ang aking mga magulang. Teka,bakit naman kaya siya napatawag? Hays, never mind. Sinagot ko nalang ito.

     
"Hello tita?"

     
"Hija. Sorry kung ngayon pa ako napatawag ha." she said.

     
"Okay lang po. Ano bo bang maitutulong ko?" tanong ko.

     
"Kasi naman, mayroon akong business trip at bukas na ako aalis. Isasama ko si Falcon pero hindi ko pwedeng dalhin si Yohan. Walang magbabantay sa kaniya kaya ikaw na lang ang natirang choice ko." sabi niya.

       
Ommo! Si Yohan? Ayys! Namimiss ko na siya! Sobra! Hindi ko to tatanggihan. Pero, hanggang kailan naman kaya siya magtatagal sa puder ko?

       
"Sige po tita." I said. I am so excited. Di na yata matatanggal ang ngiting ito sa mga labi ko.

       
"Okay salamat hija. Ihahatid ni Falcon si Yohan mamayang 10 pm."

      
"Okay, got it. Ako na po ang bahala sa kaniya. Bye, safe travels po." I said then ended the call.

       
Nang muli akong tumingin kay Dragon ay wala na ang ngiti niya. Nagtaka ako kung bakit kaya tinanong ko siya.

       
"Why?" I asked.

       
"Ford texted me. Hindi tayo makakapag shoot bukas dahil wala sina direk. They're in Tagaytay, for that Troy's debut MV." walang emosyon niyang sinabi.

       
Alam ko kung bakit siya nagkaganyan. Alam ko kung bakit ganyan ang itsura ng mukha niya. Naikwento na ito ni Steve sa akin ang tungkol rito noong nakaraan. Ngayon, life is really unfair na talaga for him and his group.

      
"By the way, sino yung Yohan?" tanong niya.

      
"Siya ba? Anak siya ng kaibigan ng mama ko." I said.

      
"Kanina pa ba kayo naghihintay?"

     
Sabay kaming lumingon nang narinig namin ang boses na ito. Nanang is here, with a bowl of rice on her hands. Inilapag niya ito sa mesa at nagsiupuan na kami.

    
This time, we are eating dinner. I gave lots of compliments to nananh Fe. Magaling siyang magluto. Napakasarap ng dish na to. Simple ngunit napakasarap.

    
We also talked about some infos sa kaniya-kaniyang buhay namin. And then, I found out na taga probinsya siya at matagal na silang hindi nagkikita ng kaniyang kapatid mula nang maparito siya.

     
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos rin kaming naghapunan. Dragon offered to wash the dishes at kami naman ay nasa sala. Ngayon ay pinatikim naman ako ni nanang ng isang dessert na nakahiligan niyang gawin, ang mango float.

       
Mom used to make these. But it dont have the same taste. Ewan ko pero parang may halong mahika ang mga luto niya. Napakasarap. Napangiti na lamang siya nang bigyan ko siya ng papuri dahil sa aking natikman.

     
Maya maya pa ay ito naman ang napasok sa aming pag uusap. Noong panahong makilala niya si dragon.

      
"Noong mapadpad ako rito ay kasama ko ang aking kapatid. Ngunit nang nakilala ko ang lalaking aking pinakasalan, hanggang sa makasal kami ay hindi ko na siya nakitang muli. Alam mo naman, wala pa kaming masyadong alam sa mga makabagong teknolohiya." sabi niya.
I only listened.

     
"Nalungkot ako noon. Lalo na noong mamatay ang aking pinakamamahal. Kaya nagsikap ako hanggang sa maitayo ko ang store na iyon. Hindi na ako nag asawa pang muli. Napakalungot ng buhay ko noon pero nawala ang lahat ng iyon sa pagdating ni Dragon sa buhay ko." she said. Parang teleserye naman pala ang kwento ng buhay mo nanang.

      
"Si Dragon ay madalas na tumatambay sa store kasama ang mga kagrupo niya, o minsan ay si Ginger. Pero ngayon, siya na lang mag isa ang pumupunta. Masaya talaga ako nang nakilala ko siya. Hindi nga ako naniniwala sa mga sinasabi ng iilang customer na nagpupunta sa store ko. Dahil sabi nila na masungit, bad tempered at cold daw siya eh. Di naman siya ganon. " sabi niya. Ganon. Di ako magtataka. Dahil napakagaan ng loob nila sa isa't isa, I can feel it.

     
Napangiti na lamang ako. Napatingin ako sa phone ko at ilang minuto na lang at mag aalas-diyes na ng gabi. I also saw Dragon na naglalakad papalapit sa amin. Katatapos lang yata niyang maghugas ng plato.

     
Naatayo si nanang at napansin kong pumunta sa kusina dala ang aming pinagkainan. Umupo si Dragon sa tabi ko at nagsalita.

     
"Di ka pa ba inaantok?" he asked. I said no.

     
"Siya nga pala, diba may bisita ka pa. Gabi na rin kaya ihahatid na kita sa bahay mo."

     
I nodded and smiled. No wonder why nanang Fe likes Dragon's traits. May pagka maaalalahanin siya.

    
    
Naglalakad na kami papunta sa kotse  nang nakita naming lumakad si nanang papalapit sa amin at may ibinigay siya. Pasalubong! Ang dami nito! Siguradong matutuwa si Yohan kapag nakita niya to. Tsaka, may idadagdag na rin ako sa ref ko! Salamat nanang!

      
We both said thank you at pinagmasdan si nanang Fe hanggang sa siya ay makapasok sa kaniyang tahanan. Tsaka na kami pumasok sa kotse at nagmaneho na si Dragon.

       
Well, today is a beautiful day.

One Night Stand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon