Kabanata 69

1.9K 32 0
                                    

DRAG'S POV

"Mr. Foster, I'm so glad you're here!" Mr. Javy and his wife were here. Salamat naman at pinaunlakan niya ang imbitasyon ko. His family were here.

Also my colleague Conrad Averde is here, with Mr. Javy's daughter.

Maya maya pa ay dumating na rin sila. Jianhao and his team were also here.

"Hey, Drag!" pagbati ni Jianhao sa akin. "Good thing you're getting married!" sabi niya natawa na lang ako.

"Yeah."

I guided them on their seats, at bumalik sa labas para i-entertain pa ang ibang guests.

The Salvacions and Montefalcos were here. Ginger also invited some of her friends from Korea. Lee Jong Suk, IU, and BTS.

Nandito si Frost Prevalle, and other artists na nakatrabaho namin. I invited some of our fans, mula noong nasa CHANSE pa kami, hanggang ngayong solo artists kaming apat.

"Uy! Groom!" salubong ng tatlong mokong.

"Parating na sila. Ready ka na?" tanong ni Steve. Tumango ako.

"Its a very good thing na ako yung napiling best man. Congrats bro." bati ni Ford.

"Dragon." si... tatang. Ngumiti ako nang lumapit siya sa akin. "Masaya ako para sayo."

"Salamat po tatang." He's now working on me, as a director. He's also one of my share holders.

"Kuya!"

Nandito na pala sina Ginger. She's with nanang who carries baby Zann. My twins are also cute with their clothes.

Sunod sunod pa ang pagdating ng mga bisita. Even some of the popular news paper company representatives and press were here.

Sinamahan ko muna sina Ginger sa upuan nila. And then one of the organizers said na mag ready na dahil magsisimula na ang kasal.

Nariyan na pala si Moi. She's gonna sing our wedding theme song.

And I saw Charlie, he's not so late.

"Congrats bro." he said.

"Thanks, not too late."

"Ugh, just from a concert."

I feel that.

"Sir, standby na po kayo, paparating na sila."

Hinatid ng isa pang organizer si Charlie at tsaka na ako pumunta sa pwesto ko.

After few moments, narinig ko na ang isang violin version ng kantang sinulat ko for Zie.

Habang nakatayo ay kinakabahan ako. I never felt this before, ngayon lang. I just smiled, yun na lang muna ng ginawa ko, imagining Zoe with me in front of the altar.

May lumapit sa aking lalaki. Then he spoke, "Sir, nandyan na ang bride." I nodded. Buti na lang, marami akong na-hire na wedding organizers.

The wedding just started, finally.

I saw Ford, the sponsors. And then nakita ko na lang si Zember, leading the other flower girls on the way. She's so pretty, just like her mother. Then Zairre, he's our ring bearer. He's cute.

And then...

Sabi nila

The door opened.

Balang araw darating
Ang i'yong tanging hinihiling

I just saw Zoe, wearing her wedding gown. She's so... beautiful.

At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Habang naglalakad siya ay mas kinakabahan ako.

Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata

Nang nagkatinginan kami, she smiled. God, she's super beautiful.

At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

I... I can't say any word. Speechless ako. Habang tinitingnan ko siya ay napapangiti na lang ako. Finally, I'm gonna marry my only girl.

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama

Bagay na bagay talaga sa kanya ang suot niya ngayon.

Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan

Mula noon,
Hanggang ngayon,
Ikaw at ako...

Nang makalapit siya ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay. "You're so pretty."

"Dragon... Ikaw ha... Marami kang dapat ipaliwanag sa akin mamaya."

Hmm?

Natawa na lang ako. Marami akong dapat i explain? Tiningnan ko siya. Muli akong napangiti. Mukhang araw araw na akong makakatikim ng sermon nito.

One Night Stand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon