kabanata 42

1.9K 38 0
                                    

Drag's PoV
       
"Nag aalala ako Drag." she said.

       
Nang makauwi ako sa bahay ay gabi na. Kaya naisipan naming mag dinner kasama sina Kiel, Ford  Steve at nanang. And then the three offered na sila na lang ang maghahatid kay nanang.

        
Ngayon, magkatabi kaming nakahiga. Nakayakap siya sa akin. Napatingin ako sa kanya nang masabi niya ito.

         
"Bakit baby?"

         
"Yung kanina, is that the good time for them to know it? Hindi ba isang aftershock yung nalaman ng lahat kanina? Baka madamay pa pati ng career mo."

         
"They need to know. Baby, kahit ano pang mangyari sa career ko, I don't care."

         
"Yung album niyo nga pala, kailan ba kayo magsisimulang mag shoot?"

         
"I don't know. Basta, ang inaalala ko lang ngayon, ang pagbubuntis mo. Kailangang matutukan ko yon."

      
Napangiti siya. Gusto ko talagang makita na lagi siyang nakangiti. I gave her a kiss as I saw her closing her eyes. You need to rest baby.

      
Nang nakatulog na siya ay inasikaso ko muna yung mga kanta para sa susunod na album namin.

     
Sa lahat ng mga kanta na nagawa ko, this one is my favorite. Wala pa akong naiisip na title but the lyrics and music arrangement were already completed.

       
Inalala ko ang lahat. Nung una kaming nagkita, ang pagkakataong una kong nasilayan ang maganda niyang mukha. Kung paano kami nagkakilala, kung paano naging kami. Iyon ang naging inspirasyon ko habang isinusulat ang kantang to.

      
Sa lahat ng mga ginawa ko, ito ang may malumanay na genre. Di tulad ng ibang mga kanta namin na rock, edm, at hip hop kadalasan.

     
Pumunta ako sa studio ko.  Pinagawa ko talaga ito para kahit na magtrabaho ako, nandito lang ako sa bahay. Sound proof ito kaya hindi magigising si Zie.

     
Nang makapasok ako ay agad kong itinuon ang aking atensiyon sa lyrics nito. I read it once more and then started singing it.
   
 

Halika
Ilahad ang iyong kamay
Sabay na maglalakbay
Patungo sa mga tala

Halika
Tahakin ang daan
Sa bawat paghakbang
Tayo'y magkasama

Ikaw at ako

Sa kailaliman ng gabi
Sa liwanag ng buwan
Pagmamahal ang siyang naghahari
Sa paglipas ng minuto

Bawat pagpintig ng puso
Sabay sa pagkislap ng mga bituin
Ikaw at ako

Halika
Ihakbang ang iyong mga paa
Ipikit ang iyong mga mata

Sumayaw na kasabay sa pagtugtog ng matamis na himig

Ikaw at ako

Sa kailaliman ng gabi
Sa liwanag ng buwan
Pagmamahal ang siyang naghahari
Sa paglipas ng minuto

Bawat pagpintig ng puso
Sabay sa pagkislap ng mga bituin
Ikaw at ako

Sabay sa simoy ng malamig na hangin
Matamis na pagtingin
Sa harap ng mg bituin

Pangakong habang buhay
Mga tala ang gabay
Tibok katumbas ng bawat bituin
Bawat pintig

Ikaw at ako

Sa kailaliman ng gabi
Sa liwanag ng buwan
Pagmamahal ang siyang naghahari

Sa paglipas ng minuto
Bawat pagpintig ng puso
Sabay sa pagkislap ng mga bituin

Ikaw at ako

Sa kailaliman ng gabi
Sa liwanag ng buwan
Sa paglipas ng minuto

Bawat pagpintig ng puso

Ikaw at ako

Halika
Ilahad ang iyong kamay
Sabay na maglalakbay
Patungo sa mga tala

Ikaw at ako...


       
ILANG araw pa ang lumipas at sinimulan na namin ang pagso-shoot ng bago naming mv. Hindi gaya ng mga nauna naming kanta, malumanay at medyo may pagka classic ang theme namin.

      
Hindi na rin naman naka-hindi si mama. Dahil alam niya, once mag iba na ang takbo ng utak ko ay maaring lumisan ako sa kompanyang to. And she doesn't want it to happen.

     
Pero sa lahat ng pagkakataon na magkikita kami at magkakaroon ng maikling pag uusap, lagi niya lang itina-topic si Zie. She wants me to break up with the woman I loved so much.

     
Ang gusto niya pa rin ay si Kaye. Hindi ko nga alam kung ano ba ang ipinakain ng babaeng yon sa kanya at kahit na magkaka anak na kami ni Zoe ay hindi niya tanggap ang relasyon namin.

     
I also thought na gusto niya talaga si Zoe kaya agad niya itong tinanggap sa kompanya. But here is her mindset again. She wants more digits so she used Zoe's innocence and beauty. Isinalang niya sa magulong mundo ng show business si Zie.

    
Hanggang ngayon, she really wants to know my new address para harap harapang kausapin ang girlfriend ko. But I wont let her.

    
Lalo na ngayon, binabantayan ko pa rin siya kahit na napaka busy ko na. I don't want to miss even a second sa pagsunod ko sa pregnancy niya. I want to be always on her side.

    
She wants to break us apart. But I don't want to. Kaya ngayon palang, habang maaga pa, I will bring our relationship to infinity. I'm so sorry but I'm too in love with Zoe. I'm gonna ask her to marry me.

          

       

One Night Stand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon