kabanata 16

2.9K 60 0
                                    

DRAG'S POV

     
Nang nakarating kami sa tapat ng tahanan ni Zoe ay hindi na ako bumaba pa ng sasakyan. Didiretso na ako sa building para samahan sina Kiel.

     
Ngunit nang paandarin ko ang sasakyan ay hindi ito umandar. Even if how many times ko pang i try na muli itong paandarin ay hindi talaga kaya.

    
Maya maya pa ay narinig kong tinawag ako ni Zoe. Kaya naman agad akong bumaba ng kotse.

    
"Anong problema?" tanong niya.

    
"Nasiraan ako."

     
Maya maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. God! Ano bang balak mo! Bakit? Di mo ba ako pauuwiin ngayong gabi? Hayst.

    
"Tara muna sa bahay." wika niya. Sumang ayon naman ako kaya kahit na umuulan ay naglakad ako upang makalapit sa kaniya. Pinapasok niya ako sa loob ng kaniyang bahay.

     
Nabasa ako ng ulan pero di naman masyado. Hinubad ko ang suot kong polo at nakita ko siyang dumiretso sa paglalakad. Papunta yata siya sa kwarto niya. Naghintay lamang ako sa aking kinaroroonan.

     
I saw her na naka long sleeve na damit. Ito ay hanggang sa kaniyang mga hita lamang. Binigyan niya ako ng towel, at tshirt. Meron pala siyang tshirt na panlalaki?

    
"Wag kung anu ano ang isipin. Kakabili ko lang niyan. Ireregalo ko sana kay Falcon kaya lang di ko naibigay kaya gamitin mo na lang." she said.

     
Oo nga naman. Bakit ko ba iniisip na magdadala siya ng lalaki rito? Shit this dirty mind Drag!

    
"Always ready ako basta mga ganitong situations kaya dont worry, may matutulugan ka.. Pero di ito kasing laki ng kwarto mo doon sa building ha." sabi niya. Napailing na lang ako at natawa.

    
"So, dito ako matutulog?"tanong ko.

    
"Anong gusto mo? Umuwi ka doon nang ganito ang panahon?" she said then pumasok siyang muli sa kaniyang kwarto. Very well said Zoe. Tama ka nga naman. Paano ako uuwi doon eh nasiraan ako ng sasakyan, at hindi nola alam kung nasaan ang bahay ni Zoe. Kahit tawagan ko si Jaime ay hindi niya malalaman kung nasaan ako. Never mind, I'll just spend my night here in the house of this pretty woman.

    
Maya maya pa ay may kumatok. Ako na ang nagbukas at nakita ko ang isang lalaki. Mas matangkad ako sa kaniya ng kaunti. Sino kaya to? Manliligaw niya?

   
"Nasaan si Ate Zoe?" this one asked.

   
Nag ate ang isang to. Di siya manliligaw. Pero di ako pakasisiguro. Baka tricks lang niya ito. Hayst! Ano ba tong iniisip mo? Tatawagin ko na nga lang si Zoe.

     
I called her at nang makita niya ang bisita ay napangiti ito at dali daling nagpunta sa may pintuan.

    
"Falcon!" she said.

     
"Ate, ito na si Yohan. Tsaka yung gamit niya. Pasensya na sa abala." this guy said.

     
"Sus, ayus lang! Basta si Baby Yohan, okay na okay ako."

    
"Mauna na ako ate, naghihintay na si mama sa akin." he said at naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. Zoe waved her hands at nang makaalis ang lalaking iyon ay dinala niya ng batang kahawak kamay niya doon sa loob ng kaniyang kwarto. Isinarado ko na lang ang pintuan at binitbit ang nalalabing gamit na hindi niya dinala.

     
"BABY, kumusta ka na?" I heard she said while pinupunasan ang batang siguro ay nasa tatlo o apat na taong gulang. Para siyang nanay kung mag alaga. Daig pa si mama. She's more... no! Much better than my mom.

    

Naglakad ako papunta sa kanila at ibinigay ang back pack na iniwan nola roon sa labas.

    
"Drag, paki tingnan muna si baby Yohan ha." she said and smiled. Napatango na lang ako dahil agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

   
Napatingin ako sa bata. Napatingin rin siya sa akin. Pero bakit ganito siya kung makatingin? Imbis na ngumiti ay bakit naka-ekis ang kilay niya at nakanguso to?

    
"Are you Ate Zoe's boyfriend?" tanong niya. Hala! Ano to? Six years old na bata? Ang galing mag pronounce ng english words.

     
Hindi ako nagsalita. Ano bang isasagot ko? Nag iisip pa ako. Gusto ko sanang asarin ang batang to kasi nakasimangot na rin naman siya edi paiiyakin ko na!

     
"I am." sagot ko. Mas lalong tumalim ang pagtinging niya sa akin. Nagalit yata siya sa sinabi ko. Haha! Ayos!

     
"That's not real! Wala siyang boyfriend!" he said.

     
"That's true!" I insisted.

     
"I'll ask her." he said.

     
"No! Sh-sssshhhh... Dont tell that to anybody kid." I said. Tumikom ang kaniyang bibig at nakita naming pareho ang pagdating ni Zoe.

     
     
"Baby, sleep ka na? Sleepy ka na ba?" tanong niya. Tumango naman ang bata. Napanguso na lamang ako. Matanong nga if how old that child is.

     
"4 years old na siya." she said. Di kapanipaniwala. Hayst. Nahiga na lamang ako sa kutson na inilatag niya. Napansin ko ang pagkasimple ng bahay na to. Simple yet comfortable.

      
Itinuon ko ang aking atensiyon sa phone ko. Napakalakas pa rin ng ulan. Sana naman tumila na to. Hayst.

      
Nang maka-internet na ako ay agad kong binuksan ang twitter account na pinaghahatian naming apat nina Steve. Napa buntong hininga ns lamang ako nang makita ang mga post na puro na lang tungkol sa bagong music video namin.

       
     
Nakita kong nakatulog na ang batang to. Inihiga ito ni Zoe sa tabi ko kaya nag ekis ang aking mga kilay. Natawa lamang siya.

     
"Di ka pa ba matutulog?" tanong ko.

     
"Mamaya na, pag tulog ka na." she said. So, hihintayin mo akong matulog, ganon? Parang bata lang?

     
"Matulog ka na." sabi niya.

    
"Yes boss..." I said. Wala na akong iba pang nasabi kundi ang ipikit na lamang ang aking mga mata. Nakakapagod ang buong araw na to, pero napakasaya.

One Night Stand Where stories live. Discover now