SPECIAL CHAPTER 2: Dalmore

1.8K 23 5
                                    

DRAG'S POV

Tawa ng tawa ang mga mokong dahil sa nalaman nila. I just had a video call with them and currently, they are laughing like there's no tomorrow.

Dapat hindi ko na lang sinabi sa kanila. Nakalimutan kong mga sira ulo itong tatlo. Palibsaha hindi pa nararanasang magkaroon ng asawa.

"Dati, Mr. Masungit, ngayon Mr. Under kay Misis! Hahaha!" I just rolled my eyes when Steve said that.

Nasa sofa ako ngayon. Sarili at cellphone ko lang ang nadala ko rito. Buti nga nakuha ko yung phone ko. Hays.

"Three weeks. I think kakailanganin mo ng psychiatrist matapos ang tatlong linggo." and they laughed again. Mokong ka talaga Kiel!

"Drag, may kilala akong collector. And he offered me this Aged 50 years Dalmore. 3.5 million lang naman per bottle." he laughed. "Gusto mo?"

"You're all not helping." sarap niyong pag untugin talaga. at napa buntong hininga na lang. "Ibababa ko na to."

"Wait--"

Wala na. Pinatay ko na ang phone ko. Dead battery na rin ako. Nasa kwarto yung charger. Wala akong power bank. Napahiga na lang ako sa sofa.
Maya maya pa ay nakita kong bumukas ang pinto. Agad akong napatayo.

I saw Zie. And she's damn sexy in her black lingerie. May dala siyang unan at kumot. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay hinagis niya ito sabay pasok sa kwarto. I know she locked the door. I have no choice, kundi ang pulutin ang kumot at unan tsaka humiga sa sofa.

Maya maya pa ay nakita ko si Jaime. Nang nakita niya rin ako, na nakahiga sa sofa ay agad niya akong nilapitan.

"Dragon," sabi niya. "Bakit dito ka natulog?" tanong niya. I sighed.

"Not so long story."

"Sasakit ang leeg mo nyan. Tara, doon tayo sa kwarto." Hindi na ako tumanggi. Sumama ako sa kanya doon sa kwarto niya. I'm sure his bed is big. Pinaayos ko kasi yung kwarto niya kamakailan lang.

"ANO bang ginawa mo at hindi ka pinatulog ng asawa mo sa kwarto niyo?" tanong niya sa akin.

"I just.. Ordered three bottles of 1.8 million Dalmore. You know me Jaime. Bibilhin ko kung gusto ko ang isang bagay. But I violated her rules. Kaya ito, three weeks akong magtitiis." pag eexplain ko.

Tumango lamang siya.

Nandito na kami sa kwarto niya at nakaupo ako sa kama. Siya naman ay pumunta sa kusina at nang bumalik siya ay may dala siyang dalawang baso.

Nag expect ako na isang baso ng kape ang dadalhin niya, but it's a big no. Nang ibigay niya iyon, gatas ang laman ng baso.

"Really, Jaime?" natawa na lang siya sa naging reaksyon ko, sabay inom sa gatas na nasa baso niya.

"Ano ka ba naman Dragon. Gabi ngayon. Kaya bakit magkakape ka? Yan, gatas, pampatulog."

Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Nang umupo siya sa tabi ko ay nagsimula siyang magsalita.

"Alam ko namang mayaman ka pa sa mga may ari ng airport dito sa Pilipinas. Pero, iba na ang dapat na gawin mo lalo na't may asawa kana." sabi niya. Tumahimik lang ako at nakinig sa kanya.

"Minsan, hindi naman talaga mapipigilang bumili ng mga napupusuan mong bagay o kahit ano pa man. Kahit na bilyong halaga pa ang maubos mo, ayos lang. Pero, kapag pumasok ka sa mundo ng pag aasawa, ibang usapan na yan."

"You know me. I can quit anything for Zie. Pero, may mga times na hindi ko maiwasan. At kahit ayaw niya, nagagawa ko pa rin. Gaya ngayon. I buy that and I violated the rules." napa buntong hininga ako.

"May mga bagay talaga na kahit anong gawin natin, hindi pa rin iyon maiiwasan. Pero, kung hindi ka makaiwas, bawas-bawasan mo na lang."

Napa-tango ako. He's right. If I can't stop it and I can't evade, I still can have it, but in little-by-little ways.

"Pero hijo, tama lang ang ginawa mo. Sinabi mo ang totoo sa asawa mo kahit pa ilang araw kang magtitiis dahil dito." he said. "Ang pagsasabi ng totoo sa iyong kabiyak sa kahit na anong bagay na nagagawa mo ay isang napakagandang paraan para mas mapagtibay pa ang inyong pagsasama at pagmamahalan."

Napangiti lang ako. I just hear Jaime saying a lot of words once in a blue moon. And now, para siyang makatang tagapayo.

But I am happy. Dahil may narerealize ako sa mga sinasabi niya. May mga natutunan ako. And one more thing, parang nakaramdam akong muli ng payo, mula sa isang magulang.

Pero ang pinakamalupit sa lahat, ay yung pinainom niya ako ng gatas. Iba ka rin Jaime. Saludo ako sayo. Ideal tatay ka na rin.

One Night Stand Where stories live. Discover now