Prologue

228 22 2
                                    

" Max-----"
" Stop it Caira. Pwede bang tigilan mo na yang kakulitan mo? Nakakapagod kang sawayin." pasigaw na sabi nya sakin.
"Pero-----"
"Tama na. Kelan mo ba ipapasok sa utak mo na ayoko sayo! Magkapatid tayo!!! Magkaibigan tayo!!! At hanggang don lang ang kaya kong ibigay sayo. Please, dont push your luck lady. Dahil pag napuno ako, hindi na talaga kita papansinin kahit kailan."

Para akong itinulos sa sinabi nyang yon... Ganon na ba ko kapeste sa buhay nya? Oo mahal ko sya. Pero masama na ba ngayon ang mahalin ang isang kaibigan?

Tiningnan ko lang sya habang naglalakad sya palayo sakin. Eto na naman ako. Walang ibang magawa kundi ang panoorin syang lumayo sakin.

As always, umuwi ako ng bahay na bigo.

"Cassandra anak?" bigla akong napahinto ng tawagin ako ni Nanay Cita.

"Po?"

"Nakapagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo? Tuloy na ang alis natin sa linggo." sabi nya.

Malungkot na napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman na kelangan kong umalis. Kelangan kong sumama kay Nanay para makasama ko na finally ang mga magulang ko.

Pero pano ako magpapaalam? Saan ako mag uumpisa? Pano ko sasabihin sa kanila na kelangan kong umalis para harapin ang totoong ako? Ang totoong ako na nagawa kong maitago sa mga kaibigan ko.

Mabilis kong inabot ang cellphone ko para tawagan si Annica. Sya lang naman ang nakakaalam kung sino talaga ako.

" Balita?" bungad nya sakin. Napakamahadera talaga nitong taong to and yes, I will surely miss her.

" Kelangan ko ng bumalik." maikling sabi ko.
Matagal syang hindi umimik bago ko narinig ang malungkot na paghugot nya ng malalim na hininga.

" Iiwan mo na ko?" she said.
" Nic...Pinapauwi na nila ako. Pinapabalik na ko ni Daddy."
" Kelan?"
"Sa linggo na ang alis namin."

Sunod-sunod na buntong hininga nya bago ko narinig ang mahina nyang paghikbi. I know, kasi kahit ako umiiyak na din.

We've been bestfriend for 4 years now. Kaya alam kong nasasaktan din sya. Ni minsan ei hindi pa kami nakapaghiwalay kahit pa noong mga panahong kinailangan na nyang bumalik sa pamilya nya.

" Graduation nyo na next week. Baka naman pwede ka munang umattend don." pigil pa nya.

"You know my Dad... Ayaw nya ng pinag iintay. Kelangan kong bumalik kasi baka sa susunod hindi na ko makabalik pa dito."

" Magpaalam ka na sa kanila. Magkita kita tayo bukas ng hapon." she said.

"Annica pwede bang wag mo na lang sabihin sa kanila? Gusto ko bukas parang normal na araw lang lahat. Ayokong makita na nalulungkot sila. Saka na lang ako magsasabi pag nakaalis na ko. P-para wala nang masyadong paliwanag pa." God knows how much I tried to stop myself from sobbing. Para kasing ayoko silang iwan.

" Bahala ka." yun lang at nawala na sya sa linya. And I know right now, umiiyak na yong babaeng yon.

Mabilis ang lakad ko papunta sa bahay nina Lucas. Kanina pa text ng text sakin sina Annica at Erica kung nasan na daw ba ko.

Kinailangan ko pa kasing makiusap sandali dahil nagbago ang lahat ng plano. Mas mapapaaga ang pag alis ko. Kailangang nasa England na ko bukas ng umaga.

Mamayang alas otso na ang alis namin sakay ng private jet ni Daddy na syang susundo samin.

"Sorry I'm late." nakangising sabi ko para pagtakpan ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

"Hay nako Caira....Kahit kelan ka talaga." Lander said pero kain na ng kain. Habang tumatagal, mas lumalaki ang barkada namin. Dati walo lang kami....Ngayon dumoble na dahil kasama na namin ang First 5.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now