Sasagot na sana ako nang marinig ko ang mga yapak na papasok sa kusina, kaagad ko naman nakita ang dalawa na mukhang may kukunin sa ref.

“Akala ko ba matutulog na ate bakit meron ka pang kausap sa cellphone?” Tanong ni Karlo sa akin. Napanguso tuloy ako sa sinabi niya.

"Who's that? Karlo?" Tanong ni Calvin mula sa kabilang linya. 

"Yep, hindi pa sila natutulog dahil sa mobile games" sagot ko sakaniya. Kumuha sina Karlo ng baso tiyaka yung Chuckie sa ref. 

"Magagalit nanaman sa inyo si ate Anj kapag naubos niyo iyan" si ate Anj kasi ang nag stock ng chuckie sa ref dahil paborito niya. 

"Pabayaan mo si ate, wala lang boyfriend" sagot ni Anjo, narinig ko ang pagtawa ni Calvin sa kabilang linya. Napailing nalang ako sa sinabi ni Anjo. 

"Basta pagkatapos niyo riyan, matulog na kayo" wika ko sakanila. Mukhang wala pa silang balak matulog. 

"Matutulog lang kami ate kapag matutulog ka narin" sagot pa ni Anjo sa akin. Napailing nalang ako sa sinabi niya. 

"Ikaw Anjo, mas matanda ka kay Karlo kaya dapat hindi mo siya tinuturuan sa ganiyan" payo ko sakaniya. Natatawa naman si Calvin sa amin, hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sagutan namin nina Anjo. 

"Sige na. I'm gonna drop this call. Mukhang galit na si Anjo" natatawang sabi pa niya "Matulog ka narin, huwag ka masyadong magpuyat" dagdag pa niya. 

"Sige. Good night" pamamaalam ko sakaniya. 

"I love you so much, always" paboritong linyang lagi niyang sinasabi kaya lumawak ang ngiti ko. Tiningnan naman ako ni Anjo na para bang nandidiri. Batang ito talaga!

“I love you too” sagot ko, nag good night pa siya bago ko binaba ang tawag. Napatingin ako kay Anjo na para bang masusuka na anytime kaya inirapan ko siya. 

“Ayan, happy? Wala na akong kausap” sabi ko sakanila. Pinapaalala ko lang na matutulog na sila pagkatapos nilang uminom. 

“Nagalit ata sa atin si ate, Kuya Anjo” wika ni Karlo. Sampung taon din kasi ang agwat nila sa isa’t-isa. Pilit akong ngumiti kay Karlo. 

“Hintayin ko na kayong matapos uminom pagkatapos ay matulog na kayo” paalala ko sakanila. 

“Hoy! Ano iyan? Sabi na nga ba at t’wing gabi niyo iniinom ang chuckie ko e” parang batang wika ni ate Anj. Napailing ako sa entrada niya. 

“Ang sungit talaga kapag walang boyfriend” bulong ni Anjo habang umiinom ng chuckie pero hindi nakatakas iyon sa pandinig ni ate Anj. 

“Ano? Anong sinasabi mo? Bakit? Ikaw may girlfriend ka na ba huh?” Masungit na wika ni ate Anj tiyaka kinuha ang chuckie pagkatapos ay nagsalin siya ng kaniya sa baso. “Gusto mo?” alok sa akin ni ate Anj pero umiling lang ako. 

Nagbangayan sina ate Anj at Anjo hanggang sa napagdesisyunan na naming matulog pero siguradista si ate Anj kaya kinuha niya ang cellphone nilang dalawa. Kung ako, hindi ko naman makukuha ang cellphone nila tinatakot ko lang naman sila. Pero si ate Anj, seryoso talaga siya tapos medyo napikon pa kay Anjo. 

Mabilis ang paglipas ng mga araw. Malapit na ang pasukan kaya kailangan nanamin ihatid si Karlo. Ako na ang nagpresinta na maghatid sa kaniya pauwi dahil si tita Anya na ang sumundo sakaniya. Nasabi ko na rin na hahatid kami ni Calvin. 

“Ngayon talaga ang uwi niyo?” Tanong ni ate Anj sa amin. Tumango ako, kumakain muna kami ng breakfast. 

Kagabi kasi ang sigla ni Karlo, siguro excited pumasyal at umuwi. Tinawagan niya pa sina mama para ibalita iyon. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now