"I didn't hear her say that she wants it," Sir A uttered after few seconds. Tila napapahiya na umupo si Lorraine.

"Pwede naman kayo Lorraine," saad ng isa kong kaklase.

"W-what? No!" tanggi agad ng grupo nila.

"Pero Sir, hindi sa ayaw namin sa responsibilidad, kung gugustuhin na maging maganda ang gawa sa project na 'to, Therese will be the best and only choice," Jimuel shyly said and scratched on his head. Umugong naman ang panunukso sa kaniya.

"Yes, Sir. Tama po, Therese does not just excel on the recitations and exam. Kapag po may mga ganito, gawa niya ang pinakamaganda at puno ng effort," saad ng isa ko pang kaklase. Sunod-sunod ng sumang-ayon ang mga kaklase ko. Allison rolled her eyes.

"Miss Laurelia, are you okay with it?" Sir A asked me gently.

"Sir, kapag si Therese ang naappoint, I'll help her. Lagi naman ako sa kanila sa bakasyon eh," biglang saad ni Ysmael. Sir A eyed him with his serious expression. Nagkaroon muli ng mga panunukso. Namula si Ysmael at supladong umiwas ng tingin.

I sighed. I think no one will take this and they are all pushing me. At mahirap para sa akin ang tumanggi. Kaya naman tinanggap ko ito. I was appointed to be the leader of the project on Sir A's subject.

Sa mga sumunod na araw ay ginawa ko ang outline ng istorya na gagawin. I asked for their opinion about the plot of the story but almost all of them said na ako na ang bahala. Si Ysmael ay hindi na masasali sa isang grupo. Siya na ang kasama ko sa paggawa at pag design ng libro.

On the last day, I distributed the chapters. Nakasulat na roon kung ano ang eksaktong magiging takbo ng bawat chapter. Napilitan akong gumawa ng facebook account para gumawa ng group chat at doon nila ipapasa ang nagawa nilang chapter.

"Ysmael, friend mo ba si Sir A sa facebook?" tanong ko. He shook his head.

"Hindi. Hindi ko nga alam pangalan noon. Just his surname, Renquijo. Bakit?" he asked me.

"Kasi kailangan ko siya i-add for the additional details na maaari kong tanungin," sagot ko.

Sinubukan ko i-search ang kaniyang account gamit ang kaniyang apelyido ngunit wala pa rin akong makita. Ibang tao ang lumalabas. Kaya dali-dali ko siyang pinuntahan noong breaktime kahit nahihiya ako. Last day ng klase ngayon, this is my last chance, kung hindi ay baka mali ang magawa ko sa bakasyon.

Bago pa ako makarating sa faculty ay nakasalubong ko siya. Natigilan ako nang natanaw ko siyang naglalakad patungo sa direkson ko. His face was emotionless. Bigla ay nailang ako na kausapin siya. Mukha siyang suplado at tila bawak kausapin. But I need to. Napatingin siya sa akin at hindi na niya inalis ang tingin hanggang sa makalapit.

"Miss Laurelia," marahan niyang saad.

I really don't like my first name since I was a child. Lagi akong inaasar na tunog pang matanda ito kaya naman kapag nagpapakilala ay Therese ang lagi kong sinasambit. But on Sir A's lips, it sounds beautiful and elegant. At tila nagbabago ang pananaw ko rito.

"G-good afternoon, Sir. May itatanong lang po ako," saad ko. Iniwasan ko ang titig niya. It was cold but intense at the same time. Very intimidating. Para akong matutunaw. Pakiramdam ko ay isang prinsipe o hari ang nakatitig sa akin. It shouts power and authority

"What is it?" he asked. He licked his lips making it redder. Napakunot ang noo ko saka ako yumuko. Why am I watching his gestures and details so much?

"A-ano po ang facebook account mo? So I c-can contact you kapag may tanong po ako about sa project," nauutal kong saad.

Sa pag-iwas sa kaniyang titig ay napunta ang paningin ko sa kaniyang katawan. He has a very nice posture. He is lean and muscular at the same time. Ang sleeve ng kaniyang polo ay naka-rolyo sa kaniyang siko. Kapansin-pansin ang kaniyang ugat sa kamay. When did veins on arms became so attractive for me?

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now