Chapter 28

132 57 37
                                    

"Mom please??" Rumihistro sa mukha ng aking ina ang gulat dahil sa aking tinuran.

Tinatry ko lang naman kung effective ba yung magic word na 'please' sa kanya.

"Still, the answer is NO. May posisyon akong inilaan para sa iyo. kakasimula mo pa nga lang pero doon ka na agad sasabak? To inform you Sabrina ang branch na pinagdidiskitahan mo has the greatest profits nationwide. Hindi ko iyon basta-basta ipagkakatiwala sayo" Pinal niyang saad at para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sagot niya.

Pero hindi ako papayag, kailangan kong gamitin ang acting skills ko.

"Mom, why don't you think of it as challenge for me? I just wanted to help you mom, ever since I was being a hard-headed spoiled brat wala akong ibang ginawa kundi ang magpasaway at gumawa ng kasalanan sa inyo gusto ko lang naman na makabawi kahit papaano." Kitang-kita ko ang panlalambot sa mukha niya, easy! Malapit na siyang bumigay, kunting pagsisinungaling pa Sabrina.
"Mom, pag binigyan mo ako ng pagkakataon I promise, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mas lalong mag-exceed ang branch na iyon, and I'll do my very best to be the best business woman that you wanted." Puno ng sinsiridad at pagsisinungaling kong saad.

Sandali niya akong tinitigan at tila nag-iisip, bwesit naman oh nambitin pa.

"I know you have your personal reason kung bakit mo ito ginagawa" Pahayag niya na tila siguradong-sigurado sa kanyang sinasabi. "Ano ang motibo mo Sabrina?" Pangingilatis niya sa akin na tila nagdududa.

Shit! Ganun ba ako kahalata? O hindi talaga ako kapani-paniwala?

"Ano ka ba mom? Wala!" Malapit na akong umirap pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"What is it Sabrina?" Bwesit naman oh, chismosa talaga, hindi ba uso sa kanya ang word na privacy, ganoon ba kahirap ang tumango or umoo nalang.

"Mom naman-"

"Tell me the truth. At pag nalaman kong nagsisinungaling ka, mas lalong hindi ako papayag." Mariin niyang sambit at punong-puno ng awtoridad, sandali akong napatigil at pinag-iisipan kung ano ang isasagot. "This is your last chance, at alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi" Umangat ang aking paningin dahil sa gulat, nakita kong umangat ang sulok ng kanyang labi habang nakatingin sa akin.

Anong ibig niyang sabihin?

Alam niya? Paano?

Pinasusundan niya ba ako?

Nakakainis!

Malalim akong nagbuntong-hininga tanda ng pagkatalo.

"Mom, alam niyo naman pala eh, ba't niyo pa tinatanong?"

"Gusto kong marinig mula sayo mismo, kaya sabihin mo na" Paano ko ba to sisimulan? Nahihiya akong aminin.

"Mom please?" *Puppy eyes* Shit! Ako ba talaga to?

"Kung ganun aalis na ak-"

"Mom huwag! Sasabihin ko na" Pigil ko ng akma na siyang tatayo.

"Gusto ko lang bantayan yung architect na kinuha niyong magre-renovate ng branch, baka landiin niya lang si Terrence habang oras ng trabaho" Tumaas ang isa niyang kilay na tila hindi kumbinsido sa sagot ko. "Fine! Sasabihin ko na lahat! Mahal ko si Terrence at gusto ko siyang bawiin." Napalakas ang boses ko dala na rin ng hiya sa pag-amin ng totoo.

Sinuklian niya ako ng mapanuksong tingin pagkatapos ay malapad siyang ngumiti. Wow, si mommy ba talaga to? Ibig sabihin ba nito pumapayag na siya?

"That's my girl" Puri niya sa akin. Namilog ang aking mga mata dahil sa tuwa.

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Where stories live. Discover now