Chapter 5

215 116 40
                                    

Mahigit isang buwan narin ang nakalipas matapos nung iniligtas ako ni Jayben at hanggang ngayon wala parin akong naiisip na paraan kung paano siya magkakagusto sa akin.

Sa tuwing magkakasalubong kami nginingitian ko siya pero hindi niya ako pinapansin, ang kapal ng mukha noh? akala mo kung sino.

Akala niya seryoso ako sa kanya. In his dreams, chinachallenge ko lang ang sarili ko.

Medyo boring na rin kasi.

"You know what sab? Mukha kang tanga!" Sophia said at pagkatapos sabay silang nagtawanan ni Ellise.

"I'm not asking your opinion. Will you please shut up, hindi ako makapag-isip ng mabuti." Tumigil naman kaagad sila sa kakatawa at seryoso akong tinignan.

Mas lalo akong hindi makapag-isip ng mabuti dahil sa itsura nila, seryosong nagpipigil ng tawa.

"Ano ba kasi yang iniisip mo? Sabihin mo samin. Malay mo matulala rin kami, eh di may karamay kana." Sagot ni Sophia, at si Ellise may patango-tango pang nalalaman habang nagpipigil nang tawa. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng mga kaibigan na may sayad sa utak. I'm too perfect to be their friend.

"Ellise ano bang gusto ng kuya mo sa isang babae?" Sana naman may makuha akong matinong sagot sa isang to, si Ellise ang tipo ng taong seryoso at nakakausap ko pa to ng maayos minsan, hindi katulad ni Sophia na wala na talagang pag-asang gumaling.

"Bakit Sab? Type mo? Ang tipo kasi ni kuya yung lahat ng tungkol sayo." Laking gulat ko sa aking narinig. Sinasabi ko na nga ba, kunwari pa siya na hindi niya ako gusto. "Kabaliktaran non!" Patuloy na sabi ni Ellise at humagalpak ng tawa kasabay ni Sophia habang pinapalo sa lamesa ang isang kamay.

Walang duda magkapatid nga talaga sila.

Kabaliktaran ko? Talaga lang ha. Tignan natin.

Umalis nalang ako dahil wala naman akong makukuhang matinong sagot sa dalawang yon.

Nagtungo ako ng gymnasium upang kanood sa mga players. hobby ko ang lumandi, nakakawala ng bagot eh! Napakathrill at exciting kaya try niyo.

Hinintay kong matapos ang laro saka ako lumapit Kay Jayben.

"Water" I said habang inaabot sa kanya yung mineral water na hawak ko. Tinignan lang niya ito at naglakad palayo. Ang arte lang ha, siya na nga tong binibigyan choosy pa. Nang tumingin ako sa paligid nalaman kong marami palang nakatingin sakin, nakakahiya. Bwesit.

"Water" Saad ko sa lalaking naiwan habang iniabot sa kanya ang mineral water na hawak ko at kaagad naman niya itong tinaggap.

"S-salamat" Nauutal niyang tugon habang nakatitig sa akin. Para tubig lang nauutal na? Paano pa kaya pag hinawakan ko to? I'm sure magwawala na to.

"The famous girl in school was rejected by the varsity player. Girls maganda bang title yon para sa bulletin board tomorrow?" Maarteng sabi ng isang cheerleader sa mga alipores niya, nalaman ko iyon dahil sa suot nila.

Ang nakikita ko na mga cheerleader sa telebisyon ay maganda, sexy, cool at appealing. Pero dito sa mga kaharap ko ngayon, shit! para silang gagawa ng pornographic video. Nakakasuka! Ang laswa tignan, pangit na nga ang mukha pangit pa ang balat.

Buti pa ang hipon, tapon ulo lang. Sila? Tapon lahat.

"Fuck you! And mind your own business, pangit ka na nga chismosa ka pa" Sabi ko at dali-daling umalis at hindi na inantay ang kanilang sagot.

Nakakahiya naman talaga eh, all my life ngayon lang may lalaking tumanggi sakin. Bwesit ka talaga Jayben.

Ipinag patuloy ko lang yung ganitong set-up, yung lagi akong gumagawa ng paraan para mapansin niya ako, lagi ko siyang sinusundan kahit saan siya magpunta at hindi ako nagpapahalata pero wala pa rin, dedma.

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Where stories live. Discover now