Chapter 3

257 123 34
                                    

Part 3- Rescue

Third person's POV

Nang tuluyan ng makalayo ang dalaga may binanggit ang binata na hindi niya narinig.

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo."

~Flashback~

"Pwede ba akong sumali sa inyo maglaro?" Sabi ng batang babae.

"Hindi pwede, ang pangit mo kaya.!" Sagot ng batang babae pagkatapos ay  tinulak siya ng malakas.

"Oo nga, mukha ka pang manang." Dagdag naman ng kasamahan nito at sabay-sabay silang nagtawanan.

"Hoy! Tigilan niyo nga yong kaibigan ko." Sabi ng isang lalaki na kararating lang at inakay patayo ang umiiyak na batang babae.

"Sa susunod na sasaktan niyo pa siya ako na ang makakalaban niyo. kahit babae pa kayo papatulan ko parin kayo." Sabi ng batang lalaki dahilan para matakot at magtakbuhan yung mga bully na babae.

"Ok ka lang Sammy? Sorry kung huli akong dumating" malungkot na sabi ng lalaki, hindi niya gustong makitang umiiyak ang kanyang kaisa-isang kaibigan.

"Ok lang ako Calvin, salamat at ipinagtanggol mo na naman ako." Pilit na ngiti lang ang ibinigay ng babae.

"Syempre naman, hanggat nandito ako hindi ko hahayaan na mayroong ibang manakit sayo."

"Bakit ba ayaw nila akong maging kaibigan dahil ba suot ko? O kaya sa itsura ko?" Hindi kasi siya katulad ng ibang bata na maganda kung manamit iba ang hilig niya mga loose T-shirt at palda at may suot pa itong salamin. kumbaga parang nerd siya kung titignan.

"Sammy maganda ka, kaya nga may kaibigan kang gwapo katulad ko." Masayang sabi ng lalaki, nakita niyang napangiti naman ang kaibigan.

"Ikaw talaga." tumatawang sambit ng babae.

"Totoo kaya yon. Sammy sa susunod na saktan ka nila lumaban ka huwag mong hayaan na api-apihin ka lang nila."

"Hindi na nila ako sasaktan ulit kita mo naman kanina takot sila sayo, andyan ka naman palagi para ipagtanggol ako."

"Hindi sa lahat ng pagkakataon nandyan ako palagi sa tabi mo." Sabi nang lalaki at yumuko.

"Bakit aalis ka ba? Iiwan mo na ba ako?" Kinakabahang tanong ng babae maiisip pa lang niyang iiwanan siya ng kaisa-isang kaibigan maiiyak na siya.

"Pupunta na kaming America nagkasakit kasi ang kapatid ni papa at walang magpapatakbo ng negosyo nila."

"Kailan ka babalik?" Naluluhang tanong ng batang babae.

"Siguro mga dalawang taon lang ako doon promise ko sayo babalik ako, babalikan kita."

"Talaga promise mo yan ah pinky promise?"

"Pinkey promise."

Ang pangako ng kaibigan ang pinanghahawakan ni Sammy kaya patuloy siyang naghihintay sa pagbabalik ng kaisa-isa niyang kaibigan ngunit lumipas ang dalawang taon at hindi parin ito bumalik o nagparamdam man lang.

kaya simula noon hindi na siya umasa na babalik pa si Calvin at tuluyan na niya itong kinalimutan. Lumipas ang ilang taon nakilala niya ang dalawang kaibigan na nagpabago sa kanya at ito ay sina Ellise at Sophia. Inayusan siya nito at tinuruan maging matapang para maipagtanggol ang sarili at doon na nagsimula ang samahan nilang tatlo.

Sabrina's POV

Kasalukuyan akong naglalakad at hindi ko alam kung saan ako papunta bumabagabag parin sakin ang sinabi nung lalaki kung makapagsalita siya parang kilala na niya ko noon pa.

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon