Chapter 23

147 65 15
                                    

I'm so proud of myself. Imagine, nakagraduate ako sa school namin ng wala man lang natutunan.
Iba nga talaga ang nagagawa ng pera kaya nitong kontrolin ang batas at sirain ang patakaran.

For me, those years that I spent in school was useless. Hindi ako nag-aaral para matuto kundi iniisip ko na ito ay parte na ng tradisyon ng mga tao na dapat lampasan. kumbaga ang edukasyon ay natural lang sa buhay ng isang tao.

Sa mga mayayaman na katulad namin hindi mahalaga ang diploma. Dahil kung may natapos man kami o wala, may posisyon pa rin na naghihintay sa amin.

Pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag nakapagtapos ka na, bagong pahina ng buhay mo ang nagbukas.

"Sabrina I want you" Kahit gaano man kalakas ang tugtog dito sa VIP room na inukupa namin hindi pa rin nakatakas sa akin ang bulong niya sa paos na boses. I'm sitting next to him on the couch while his hand is coating my shoulder and caressing it.

"I also want you babe, but I'm having my red day, I'm sorry." Malungkot kong saad, napatigil naman siya at ng makabawi ay tipid na ngumiti.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napangisi ako ng makitang nakikipaglandian din si Ellise at Sophia sa lalaking kasama nila.

This party was planned by the three of us, celebration for our graduation na rin and to make it more exciting and fun? We bring toys. Kung may double date, triple date ang sa amin.

"No, it's okay. I can wait" Of course you can! Yan lang naman ang habol niyo sa mga babae. 

Titirahin lang at pag alam na nila ang lasa, minsan mayroon namang binalik-balikan pero kadalasan ay iniiwan.

Tingin niyo ang bitter ko na siguro no? Bitter naman talaga ako noon pa pero mas lalong lumala lang ngayon, at hindi lahat ng bitter umiiwas sa lalaki dahil yung iba pinaglalaruan ang lalaki.

Napatigil kami sa ginagawa ng biglang kumalabog ang pinto na tila parang sinisipa mula sa labas, nagkatinginan kaming lahat. Sino ang walang hiya ang nagpangahas na sirain ang gabi namin?

Naglakad ako papunta sa pintuan at hindi pa man ako nakakalapit ay biglang bumukas ito. Tumaas ang kilay ko ng makita ang matangkad na lalaking namumula sa galit habang nasa likuran niya ang dalawang bouncer na may hawak na susi. Who is this guy? He is messing in a wrong place.

Mabilis siyang naglakad at nilampasan ako and when I looked around he's holding Sophia's wrist.

"Bitiwan mo ako! Ano ba?!" Sigaw ni Sophia habang pilit na tinatanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng lalaki.

"Pare girlfriend ko yan, pakialis ng kamay mo." Saad ng lalaking kalampungan ni Sophia kanina pa.

"Girlfriend?" Ulit niya sa sinabi ng lalaki at galit ang aura na tinitigan si Sophia. I'm clueless, wala akong kaalam-alam tungkol sa lalaking to.
"Ako ang nakauna sa kanya so she's mine." Pagkatapos ay hinigit niya si Sophia paalis ng kwarto, tama ba ang narinig ko? Nagkatinginan kami ni Ellise at hindi ma proseso sa utak kung ano ang sinabi ng lalaki.

Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya? Sinuko ni Ellise ang sarili niya?

-----------------------------------------------------------

"Sabrina! Huwag mo akong tatalikuran!" Sigaw ni mommy sa akin kaya humarap ako.

"Ilang beses ko bang ulit-ulitin sa'yo na hindi ko pa gustong magtrabaho sa kompanya, mom mahirap bang intindihin yon?"

"My God Sabrina! Your already twenty but still dependent, ako nga eh, eighteen pa lang ako tinutulungan ko na ang lolo mo sa kompanya, I have my own trust fund at that age! Lahat ng gamit at mga pagkain ko pera ko ang pinambili" She ragely burst out so I rolled my eyes and traveled my gaze to her whole body. Hindi pa naman siya ganun katanda upang makalimutan ang mga sinasabi niya. Ilang beses ko ng narinig yan.

Ayaw kong kinukumpara ako sa kanya dahil alam ko naman na simula pa lang wala akong ibang namana sa kanya kundi kamalditahan.

"Mom, ang dami mo ng pera pero napakakuripot mo. Huwag kang mag-alala kasi simula ngayon magtitipid na ako, hindi na ako hihingi sayo kahit singko man lang!" Isaksak niya sa baga niya yang pera niya. May credit card naman si daddy na ibinigay sa akin, so yun nalang ang gagamitin ko.

Ayaw ko pang magtrabaho gusto ko munang aliwin ang sarili ko.

My parents is not in a good condition. They separated six years ago for unknown reason but each of them never committed with another person. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang sila magbalikan. Halata naman na mahal pa nila ang isat-isa.

"Wow!" Nasambit ko ng makita ang isang napakagandang purse, the color is mixed of gold and black. Bagay na bagay sa isang pormal na okasyon.

"That's our collection ma'am from a famous designer and sales namin ngayon so you can buy that for only P 3,930." Saad ng sales lady na nakaassigned sa area.

"I'll get this one" Ngumiti ako at tinuro ang purse, kinuha niya naman kaagad ito at pumunta sa counter kaya sumunod ako.

"I'm sorry, but your credit card has been declined ma'am." Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"What?" Buti na lang walang ibang tao ang malapit sa amin, nakakahiya wala pa naman akong dalang cash, babalikan ko na lang.

I have a doubt that someone is behind this. Naglakad ako palabas ng mall, nakakainis. Akala mo may dugong insik sa pagka kuripot. 

Mabilis akong naglakad at hindi inaasahang mahagip ng aking paningin ang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Napatigil ako, pakiramdam ko huminto ang lahat ng nasa paligid ko.

Parang tambol ang puso ko sa malakas na pagtibok, namilog ang aking  mata ng napatingin siya sa gawi ko, hindi ko magawang umiwas. Namiss ko ang titig na iyan, namiss ko siya.

Gusto ko siyang lapitan ngunit nag-aalinlangan ako dahil sa babaeng inaakbayan niya. Girlfriend niya kaya? Biglang nanikip ang dibdib ko sa aking mga naiisip.

Nakauwi na pala siya at tulad ng dati wala pa rin akong kaalam-alam.

Tipid siyang ngumiti at bahagyang tumango saka sila lumakad paalis. Wala akong nagawa kundi titigan ang kanyang likuran habang palayo ito sa akin. Ulit.

Nasaktan man ako sa nakita ko may parte pa rin ng puso ko ang nagdiwang sa pagbalik niya, and this time babawiin ko kung ano ang akin.

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon