Chapter 27

130 60 26
                                    

"Mabuti naman at bumalik na siya." Pahayag ni Ellise sabay sandal sa upuan at ngumisi ng nakakaloko.

Andito kaming tatlo sa isang Italian restaurant, kinkwento ko sa kanila ang mga nangyari noong mga nakaraang araw, at kasama na doon ang feeling girlfriend niya na si Leigh.

Nag-aantay ako ng mga message mula kay Terrence pero ni kahit isa wala akong natanggap, nakakainis! Akala ko okay na kami.

Dati naman halos araw-araw

Busy ka ba?

Saan ka?

Tara, kain tayo sa labas.

Bar?

"Healthy na ulit lovelife mo" -Sophia

"Hayy, Nagsalita ang Inlove" Walang ganang tugon ko, naiinis din ako sa isang to halatang may boyfriend na pero hindi pa din pinapakilala sa amin.

I'm sure that guy who dragged her out the bar was her boyfriend.

"5k. Gusto mong silingin pa kita?" Pagbabanta niya habang nakatakas ang kilay, I rolled my eyes ayaw niya talagang pag-usapan.

"Tsk" Sumandal ako sa upuan habang inaantay ang order namin.

Sa tuwing naiisip ko na mayroon akong kaagaw sa kanya, gusto ko talagang sikmuraan yung mga babae niya. Sana pala nag-aral ako ng martial arts noon.

"O.M.G." Maydiin na bigkas ni Ellise habang malayo ang tingin. kaya agad kaming napatingin sa kanya, Anong problema ng isang to gulat na gulat yata sa nakita niya, narito kaya si Lee Min Ho or Kim Myungsoo? Yung K-pop idols niya.

"May Alien?!" Mausisang sabat ni Sophia. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya kahit kailan talaga oh.

Umiling si Ellise, pa thrill naman oh. Ano kanyang nakita niya?

"He's not an Alien but I think galing siya sa planet Venus cause ang hot niya." What a description? Si Ellise ba talaga tong nagsasalita? Ang baduy!  "And this is not the maximum level, I think this will become hotter soon." Sagot niya habang nakatutok pa rin ang tingin sa malayo.

"I agree" Sagot ni Sophia habang tumatango at doon din nakapako ang tingin.

It might be something head turner.

Dala ng kuryusidad lumingon ako at sinundan ang tingin nilang dalawa.

0_0

What the heck?

Bakit sila magkasama?

Are they dating??

Kusang kumuyom ang aking kamao at madilim ang mukhang pinagmasdan sila na papunta sa three seats table. Sabay silang naupo ng magkatabi at bahagyang inurong ni Leigh ang kanyang upuan papalapit kay Terrence at kumuha ng litrato.

Bwesit na babaeng yan, masyadong papansin. Kung makalapit kay Terrence parang girlfriend. Sulitin mo na ang pagkuha ng litrato dahil sisiguraduhin ko na huling litrato niyo na yan na magkasama.

Terrence is wearing a simple faded pants and black fitted v-neck shirt. His
undeniably hot, his massive appeal occupied the whole place.

I can't hold back my stare.

Wait! Anong sabi nila kanina? Hot??

Pinagpapantasyahan ba nila si Terrence?

Nang lingunin ko pabalik ang dalawang kasama ko nakatutok pa rin ito kay Terrence na tila nag-eenjoy sa nakikita.

"Nice shot" Komento ni Sophia habang seryoso pa rin na nakatingin sa kanila, mas lalong nanlilisik ang aking mga mata.

"Perfect angle." Komento naman ni Ellise dahilan para magpanting ang tenga ko lalo sa kanyang tinuran.

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon