Chapter 21

131 65 11
                                    

Jayben and I were done, kasabay ng pag-alis niya ang pagkaputol ng koneksyon sa pagitan namin, nalulungkot ako sa nangyari but however I felt relieved.

Kung dati nasasaktan ako ngayon malaki ang puwang sa puso ko ang nagdiwang dahil sa nangyari siguro dahil ito ang tamang gawin para sa ikabubuti ng lahat.

Isang linggo na ang lumipas at unti-unti nang bumabalik ang dating samahan naming magkakaibigan.

Ang dating samahan na kumukumpleto at nagpapasaya sa bawat araw namin muli nang bumabalik.

"Yung 12 sa akin, matagal ko ng type yon" Saad ni Sophia habang itinuro ang isang lalaki na naglalaro ng soccer.

"Sige, si number 1 ang sa akin" Walang ganang sambit ni Ellise na tila sinasakyan lang ang kalokohan ni Sophia.

"Inaangkin niyo yung tao eh hindi nga kayo kilala" Sabi ni Yumi pagkatapos ay sumandal sa balikat ni Vin, inakbayan naman siya nito gamit ang kaliwang braso habang ang kanang kamay ay nakatukod sa damuhan at sumusuporta.

Isa lang ang masasabi ko sa relasyon nila, SANA ALL.

Nakaupo kami ngayon sa makapal na damo sa ilalim ng puno, na kung saan makikita ang lawak ng lupain na sakop ng eskwelahan. Maraming naglalaro ng soccer at sa kabilang banda naman ay volleyball.

"Mark my words Yumi, bukas na bukas bukambibig na niya ang pangalan ko'' Determinadong sabi ni Sophia.

"May boyfriend ka na diba?" Curious kong tanong. Sandali siyang tumingin sa akin pagkatapos ay kumawala ng malalim na buntong hininga.

"As usual, break na kami" Sabi niya na parang wala lang.

"Kaya pala namamaga yang mata mo" sabay duro ko sa mata niya, nagtawanan naman ang mga kasamahan namin.

"Hindi ko iiyakan ang lalaking iyon kahit mamatay pa silang magkasama ng babae niya!" Seryosong sabi ni Sophia kaya natahimik kaming lahat.

May lalaking gumago sa kanya? At hinayaan niya lang? Oh, I sense something.  This guy may be special to her, she won't let anyone fooled her, she won't accept preponderance over her. I'm dying to know this man.

"Inikutan ka sa ulo?" Natatawang tanong ni Ellise habang kami ay nag-aantay sa isasagot niya. Bahagya siyang natawa at rumihistro sa kanyang mukha ang pagkabigla.

"Of course not, we ended because I'm done with him. Nothing else bitch" Sabi niya at umirap pero halata ang pagkairita sa mukha niya.

Imbis na ma offend natawa na lang kami sa reaksyon niya. She's being defensive and it's very obvious.

Madaling lumipas ang oras ngayong araw, uwian na kaya naglakad na ako papuntang parking lot.

"Sabrina" Nang tignan ko kung sino ang tumawag nagulat ako ng makita si Georgia na papalapit sa akin habang si Jayben ay nasa likod niya at nakapako ang tingin sa akin. "Can we talk?" Napabaling ang tingin ko kay Georgia at tumango.

Nagtungo kami sa boulevard katabi ng dagat, magkatabi kaming umupo sa bench na kung saan kitang-kita ang kasalukuyang paglubog ng araw.

Kami lang ni Georgia ang nandito dahil nagpaiwan si Jayben sa kotse. Nagkaayos na pala sila, I'm happy for them.

"I want to apologize about last time, yung nakita mo hindi ganun ang nangyari. Oh my god, how I am going to explain it" kitang-kita ko ang kaba at pagkabalisa sa itsura niya, kung wala akong kinalaman sa mga nangyayari siguro ngayon naiinis na ako sa kanya.

But I know every side of the story, I'm aware of each point of view. I manipulated things but now it goes on without my conscious.

"Im fully aware about your relationship with Terrence pero pinapunta niya ako sa silid na iyon kasi may importante raw siyang sasabihin, so I went there then he f-forced me'' Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti, astound written all over her face. "I'm sorry sab." Humagulhol siya at biglang yumakap sa akin. Marahan kong hinaplos ang likod niya.

She's too kind to be treated so badly. Sa ginagawa niya ngayon mas lalo akong nakokonsensya. Kung alam niya lang ang totoo she would not acted this way.

"Tama na, alam kong wala kang kasalanan kaya pinapatawad na kita" Bumitaw siya at tumitig sa akin. Hindi ko inaasahan na dadating yung araw na mangyayari to, sa tindi ng galit at pagkairita ko sa kanya hindi ko inaasahan na hahangaan ko siya.

"Thank you Sabrina. Pero paano na kayo ni Terrence?"

"I'll talk to him. Magkakaayos din kami" I said with full of courage, umaliwalas ang mukha niya at ngumiti sa akin.

"I wish that to happen"

"Thank you" Sincere kong saad.

Ang saya ng pakiramdam ko dahil sa nangyayari ngayon, everybody has given a chance to change it just depends on you if you will take the opportunity. If you want to make a changes.

Making mistake is a choice, so blame the person not the situation.

Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko, kahit taliwas sa inaasahan ko ang nangyari I'm still thankful with it.

Nagtataka ako kung bakit hindi ko lubhang dinibdib ang paghihiwalay namin ni Jayben, paghihiwalay nga ba? eh hindi naman naging kami.

Siguro tama nga ang sinabi ni Ellise na kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagmamahal dahil naging makasarili ako, siguro iyon talaga ang basehan.

Naiisip ko na siguro saka lang ako titino kapag nagmahal na ako ng totoo.

There's no way to scape reality, I'll just scape the situation.

Kakaibang mensahe kaagad ang bumungad sa akin, pagkaopen ko sa mga chats sa aking messanger. Galing na naman kay hero, sino ba ito? Pangalawang beses na tong nagchat sa akin. Strange! Hindi ko nalang nireplayan.

Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng maayos, nakakaya niyang hindi magparamdam sa akin habang noon ay kulang nalang na ipagpaalam niya sa akin kahit magkasama lang sila ng parents niya.

Kung galit siya dahil sa ginawa ko bakit tinulungan niya pa rin ako, anong nag-udyok sa kanya para gawin iyon.

Ngayon buo na ang loob ko, wala na akong pakialam sa letcheng rule na iyan bukas na bukas pupuntahan ko siya sa kanila, sa ayaw at sa gusto niya.

Pagkagising ko naligo na kaagad ako at nagbihis. Kung nagpapamiss ka man Terrence, effective ang ginawa mo. Masasapak talaga kita pag nagkita tayo.

"Ba't ang aga mo?" Tanong ni Bryle ng hindi tumitingin sa akin, nakapako ang mga mata sa cellphone at naglalaro ng Mobile legend.

"May pupuntahan ako" Sabi ko habang sinusuot ang rubber shoes pagkatapos ay sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay. Kung kailan ako nagmamadali saka ko naman hindi nakita ang suklay.

"Saan?" Bat biglang naging matanong to? Dati naman wala siyang pakialam sa akin.

"Kay Terrence" Wala akong narinig na sagot sa kanya kaya naman tinignan ko siya na seryoso lang sa paglalaro.
Ang hilig magtanong pero pag sinagot mo, hindi na kikibo. Nakakainis talaga ang ugali niya. Kaya nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay.

AN: Terrence or Jayben?

Please vote and feel free to leave some comments regarding my writing☺️ promise babasahin ko, at kung mayroon kayong mga suggestions just comment it down. Thank you😊

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora