Chapter 18

148 70 7
                                    

Two weeks had passed pero hanggang ngayon wala pa rin ni kahit anino ni Terrence ang nagpapakita sa akin. The last time we saw each other was the day na nakipagsuntukan siya, nung nauna siyang umuwi dahil may family dinner daw sila. I feel strange dahil mula noong nagtransfer siya sa school inaupdate na niya ako sa lahat ng ginagawa niya kahit di ko naman tinatanong.

I texted him but I didn't receive any response, hindi naman sa namimiss ko siya pero nakakapanibago lang talaga. Nag-alala rin ako tungkol sa mga grades niya baka iyan pa ang ikabagsak niya.

I can say that Terrence can make my day dahil sa mga trip na pinagagawa namin parang nasanay na ako na katuwang ko siya sa lahat ng bagay, sa lahat ng kagaguhan at kaartehan ko sinasakyan niya lahat and two weeks without him is so damn boring. Kapag hinahanap siya ng mga kaibigan namin nakakahiya na wala man lang akong maisagot sa kanila.

*1 message received*
Unknown number: (Go to room 49 ASAP)

Nang mabasa ko ang text hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong kinabahan at kusang naglakad ang mga paa ko patungo sa silid na iyon. Kahit hindi ko kilala kung sino ang nag text isang tao lang ang nasa isip ko. And it's Jayben. Na hanggang ngayon boyfriend pa rin ni Georgia.

Nang makarating ako sa third floor building wala ng mga tao dahil gabi na rin at nagsiuwian na lahat.

Habang naglalakad patungo sa mismong silid ay nakasalubong ko si Jayben na tila dumaan sa kabilang hagdanan, nang magtama ang aming mga mata nakikita ko sa reaksyon niya ang bahagyang pagkagulat, siguro iniisip niya na hindi ako pupunta which is impossible dahil pagdating sa kanya nagiging gaga ako. Tipid ko siyang nginitian at gumanti naman siya at ng makarating na kami sa harap ng pinto bigla akong nakarinig ng ingay, na para bang isang ungol.

Huli na para hindi ako tumingin dahil kitang-kita ko na ang nangyari. I see Georgia and Terrence kissing. It's like a slap on my face that hits every part of me. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, sari-saring emosyon ang bumabalot sa akin ginusto kong makita si Terrence pero hindi sa ganitong paraan.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nakikita ko pakiramdam ko ginago ako, Tangina naman oh.

Gusto ko mang sabihin na tumigil na sila pero walang salitang lumabas mula sa bibig ko. Wala akong karapatan nahihiya ako sa sarili ko.

"Making out in a public place George I never thought that you would be that low. Uncivil brat" Sa mga salitang binitawan ni Jayben biglang natigil ang ginagawa nila at kitang-kita sa mukha ni Georgia ang pagkagulat at takot pero kabaliktaran ang nakikita ko kay Terrence walang emosyon na lumabas mula sa kanya at tila walang pakialam sa kung ano ang nangyayari.

"Jay-jayben let me explain" Pagmamakaawa ni Georgia habang lumalapit kay Jayben at ako tila nanigas sa kinatatayuan ko na hindi makagalaw at tanging nakapako ang tingin sa lalaking ngayon ko lang ulit nakita.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula nakita kong tumingin siya sa gawi ko at ng nagtama ang aming mga mata hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Terrence ano to? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag?

"What's the used of explaining when you obviously liked it?" Mahinahon ngunit may diin ang bawat salita na binibitawan ni Jayben, at dinig na dinig ko ang lakas ng hikbi ni Georgia.

Hindi ko alam kung mayroon ba akong karapatang magalit, bumabalik sa akin ang lahat ng kawalang hiyaan na ginawa ko sa likod nila.

"It's not what you think-"

"Whatever it is, were done!'' katagang huling binitawan ni Jayben bago lumakad paalis. Narinig ko nalang ang malakas na hagulhol ni Georgia.

Whatever it is, were done! Hiwalay na sila pero ba't di ako masaya? Ito na yon eh, ang matagal ko ng hinihintay finally nangyari na rin.

Pero pakiramdam ko may kulang parang ang sikip-sikip ng dibdib ko nagiguilty ako.

Nilampasan ako ni Georgia habang umiyak siya isa, dalawa, tatlo, apat na beses niyang pinagsasampal si Terrence at pinagsusuntok sa dibdib.

Hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari basta ang nakikita ko lang namumula na ang pisngi ni Terrence sa pinagagawa ni Georgia at tila hinahayaan niya lang itong saktan siya.

"How could you do this?!! I-I trusted you!! Damn you! Burn in hell" Magkasabay na sigaw at iyak ang ingay na pinakawalan niya at tuluyan na itong tumakbo palayo sa lugar at ngayon bumabalot ang nakakabinging katahimikan mula sa aming dalawa.

"Terrence" Tanging pangalan niya lang ang naisambit ko hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin.

Dapat ba akong magalit? May karapatan ba ako? Pero wala akong sagot na narinig mula sa kanya. "Ano to?" Dagdag kong saad sana naman ipaliwanag niya sa akin dahil hindi maproseso ng utak ko kung anong nangyayari.

"I'm making you a favor, hiwalay na sila. Sana, ingatan ka niya sana maging masaya kayo" kitang-kita ko yung lungkot sa mga mata niya pero wala akong magawa kahit ako gulat na gulat na nangyayari at hindi makapaniwala lumapit siya sa aking harapan at kinuha ang bag na dala ko.

"Let's go, I'll send you home." At nauna siyang lumakad paalis at ako ay nakayukong sumusunod sa kanya. Wala akong mukhang maiharap, nahihiya ako, nagiguilty.

Habang nasa daan walang nagsalita sa amin tanging busina lang ng mga sasakyan mula sa labas ang maririnig. Ng sinulyapan ko si Terrence nasa daan lang nakapako ang mga mata niya at seryoso ang tingin.

Naiilang ako, hindi kami ganito hindi ako sanay. Biglang huminto ang sasakyan nakarating na pala kami sa bahay kaya naman bumaba na ako. Siguro bukas ko nalang siya kakausapin kasi sa ngayon wala pa akong lakas ng loob.

When the bitch falls in love [COMPLETED!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon