Chapter 42

207 7 2
                                    

This is it!


Hindi matatawaran ang sobrang ingay ng Basketball Court.Ang Daming tao. Lalo na kung si Brayden at Earl ang may hawak ng bola. "No. 21 Dy" at "No. 29 Samonte" - halos lahat ng tao nakikisigaw kulang nalang puntahan sila para halikan at yakapin.


Tsk! Sino ba naman ang hindi makakikilala sa kanila lalo na kay Brayden at kahit ngayon lang nila nakita si Earl ang dami niya naring Fans- Infairness sa dalawa gustong-gusto naman nila at infairness again parang bumalik na ata sila sa dati yung bang sinasabi nila na closeness na para silang magkakapatid walang agawan ng bola, agawan ng eksena, may ginagawa pa silang secret hand shake, astig!


Halos sila parati ang nakaka score! Pag si Earl at Brayden ang may hawak ng bola, Shooooot! Walang sayang score agad! Lahi ata nila ang sharp shooter.


At sa tuwing si Brayden ko ang may hawak ng bola at bago niya e-shoot titingin pa siya sa akin at kikindat at pagna shoot nga niya ito ay haharap sa akin, gamit ang isang kamay ay ituturo niya ako na para bang babarilin.


At magsisigawan na naman ang mga tao. Ako lang naman po ay tao lang at sobrang kinikilig! Juice colored! Nandito pa naman sila mama at papa.


"Go! No. 21 Dy!"


"Go Dy! Ang gwapo mo! Woooo!"


"Go! Barangay Banilad!"


"Go Samonte!"


"Ang gwapo nila #21 at #29!"


"Go! For the win Barangay Banilad!"


Sigawan ng mga tao.


"Woooo! 3 points Dy! Last 2 minutes!" announce ng committee na may hawak ng microphone. Score 78-89. Lamang na lamang kami Woooooo! Nagsisigawan na ang mga tao.


"Panalo na kami!" sigaw ni John.


"Ang galing nila pareho ate!" masayang saad ni Sam.


"Mas magaling si Kuya Brayden no! siya kaya ang maraming shots!" ani ni John.


"Eh, marami din namang shots si Kuya Earl ah!" depensa ni Sam.


"Hep! Magaling ang Team ng Barangay natin. Dahil hindi rin naman sila makakapaglaro kung silang dalawa lang diba?" saad ko.


"Ate talaga." Chorus ng dalawa.


"Waaa! Si kuya Brayden ang may hawak ng bola!" saad ni Sam napa lingon kami. 15 seconds nalang.


"Bray shot muna!" sigaw ng ka-team nila.


Parang may hinahanap ang mga mata ni Bray.


"Kuya EL!" sigaw niya at malakas na pinasa ang bola dito agad namang na salo ni Earl. Ngumiti pa sila sa isat isa. Earl dribble the ball and ...

5

4

3

Shooot!


Nagsitakbuhan ang mga tao sa gitna. Nagpalakpakan ang lahat. We won!

"Wow! What a nice game! Barangay Banilad still the Champion for this year. Sobrang galing at super gwapo n team nila ah. and what a privilege for us na kasama natin at naglaro ang apo ng Gobernador natin!" saad ng spoke person.


Agad tumakbo sa lugar namin si Brayden at kasunod si Earl. Sa totoo lang na touch ako sa ginawa nito.


" Kuya Brayden! Ang galing mo talaga." Masayang saad ni John


"Magaling din kaya team ninyo kanina champion din kaya kayo!" saad ni Brayden at lumapit sa akin.


Tanaw na tanaw ko ang mga babaeng nakatingin sa amin. Saaaarrreey!


"Kuya Earl congrats! Galing ninyo pareho!" masayang saad din ni Sam.


"Talaga? Mana mana lang yan. Diba Bray?" saad pa nito.


Nagtawanan ang mga ito.


"Ga... nag enjoy kaba sa game namin?" saad sa akin nito.


"Siyempre naman ga. Sobra!" saad ko. Sabay abot ng face towel sakanya.


Pawis na pawis na kasi siya. Pinindot niya ang ilong ko.


"Congratulations sa inyo iho. Sobrang ganda ng Game!" saad ni mama.


"Ay salamat po tita, tito." Saad ni Bray.


"Excuse me, Mr. Dy" saad ng isang committee. humahangos pa ito.


"Bakit po?" si Brayden.


"Gusto po kayong imbitahan ng mayor ng Mandaue for Dinner." Saad nito.


"Ah, ganoon po ba? Pakisabi nalang po salamat. Pero dun po kami kakain sa bahay ng girlfriend ko." Saad ni Brayden.


"Hey, dun nalang kayo sumama ga... si Mayor na-"


"Ga... naman, pinagtatabuyan mo na ba ako? And besides mas gusto ko kayong makasama."


"Next time nalang po sir" saad pa ulit niya dito.


"Ay, wala pong problema. Sige po salamat sa oras, ingat po kayo." Saad nito at umalis na.


"So, Tayo na sa bahay... at medyo traffic na ngayon." saad ni papa.

"tsibogan na!" sigaw ni John.


Nagtawanan nalang kami.


*******


iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon