CHAPTER 34

207 8 2
  • Dedicated kay Mariedith Tariman
                                    

REVELATION 1

Brayden's POV

Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas! Okay na okay na kami ni Sophia at unti-unti ng natutupad ang mga pangarap ko at yun ay ang makasal kami...

Magka-pamilya...

At makasama siya habang buhay

Palabas na ako ng bahay nila na may bakas sa ngiti sa labi, marami kaming napag usapan, mga plano...

Haaaay... ang O.A ko na ba? Tsk!

Actually natatawa rin ako sa sarili ko,Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ako ka seryosong magmahal pero anong magagawa ko- na hack na ang puso ko sa kanya! DAMN!

"Bray..."

Napalingon ako ung saan nanggagaling ang boses.

Si Earl  lang pala...akala ko ba may gig siya! Bwisit!

Naka-sandal ito sakanyang kotse.

"What are you doing here, bakit nandito ka  pa? akala ko ba, may gig ka?" I said and I used my remote key to open my car.

"Nawalan na ako ng gana eh, Hmmm... I'm glad na okay na kayo" saad nito.

Tiningnan ko lang siya. May gusto ba talaga siya kay Sophia?

"Sino kaba talaga?" tanong ko. Para kasing magkakilala na kami, hindi kulang matandaan.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong nito, na seryosong nakatingin sakin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May dapat ba akong malaman?

Hindi ko nalang siya pinansin at agad pumasok sa kotse ko. Wala akong panahon sakanya.

Isasara ko na sana ang pintong kotse ng bigla siyang magsalita.

"Wala kaba talagang maalala Bray? Hindi mo ba talaga ako kilala?" saad nito.

"I don't know what you're talking about." I replied.

"Oh, common Bray, ganun na ba talaga ang galit mo sa daddy mo at pati  ako ay nakalimutan muna?!" saad nito.

Mas lalo akong naguluhan bakit napunta sa daddy ko ang usapan?!

"Huwag mo siyang mababanggit sakin, wala siyang kasing sama!" matigas na sabi ko at isasara kuna sana ang pintuan ng sasakyan pero pinigilan niya ito.

"H-his dying..." mahinang sabi nito.

"A-ano?" saad ko, nagugguluhan ako sa sinabi niya.

"Daddy Jayce is dying Bray." Malungkot na sabi ni Earl.

Ang daddy ko? At tama bang narinig ko tinawag niyang daddy ang daddy ko?

"Shit! Sino kaba talaga Earl?" matigas na sabi ko at muling lumabas ng sasakyan. "Ikaw ba ng reason bakit niya kami iniwan ha? Anak kaba ng lintik kong ama!?"singhal ko sakanya at nilapitan ko siya!

Nag-tiimbagang lang siyang nakatingin sakin.

Lumingon-lingon siya sa paligid.

Shit! Nakalimutan ko, na sa labas lang pala kami ng bahay nila Sophia.

"This is not the proper place to talk about it, Bray." Mahinahong sabi nito at tumalikod na sakin. "Follow me, kung gusto mo talagang malaman." Saad nito at pumasok na sa sasakyan nito at walang sabing pina andar ito.

Naiwan akong nakatulala.

Simula ng umalis ang magaling kong ama, ay wala manlang akong narinig na sinabi ni mama kung anong rason ng pag alis niya.

Pilit ko nalang kinalimutan ang lahat, pero bakit ngayon bumabalik na naman...

"Shit!"

Pumasok ako sasasakyan... hinigpitan ko ang hawak ang manibela.

"Bakit mo ba talaga kami iniwan?" para akong tanga'ng nakikipag usap sa sarili ko.

I need to know the truth...

Mabilis kong pina-andar ang sasakyan para sundan ang Earl na yun!

**********


iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon