CHAPTER 30

254 7 2
  • Dedicated kay Hannah Charmine Ugbaniel Tampus
                                    

KILIG MUCH?

Hindi ko alam kung anong naghihintay samin bukas o sa darating pa na araw...

Ang tanging gusto ko lang ngayon ay makasama habang buhay ang lalaking ito...

Ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko ...

Ngiti niya palang...

Ang lalaking pinapangarap ko!

Ito na yun!! Ito na yung simula ng forever namin. . .!

Nginiti-an ko siya...

"YES...ofcourse g-ga..." sabi ko. Biglang lumiwanag ang mukha niya at mabilis akong niyakap! Na parang wala siyang balak na pakawalan ako... naririnig ko yung lakas ng tibok ng puso niya. Nagpalakpakan yung mga crowd! Charrr... crowd talaga!

" God... hindi mulang alam kung gaano ako kinabahan... akala ko, akala ko hindi mo tatanggapin ga..." sabi nito na hindi parin kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Hinding-hindi mangyayari yun... malakas ka kaya sakin...!" sabi ko sakanya... narinig ko siyang tumawa at hinarap ako, umiiyak ba siya?

"Hey... umiiyak ka ba?" sabi ko at akmang pupunasan yung luha sa mga mata niya pero pinigilan niya ang kamay ko at hinalikan ang mga ito... "I love you... I love you... I love you... I love you..." sabi niya sa bawat halik niya.

Napangiti ako...

Ehhh ne.. be... sebreng kinikilig ne ke... hahahaha...

"Mas mahal na mahal kita..." sabi ko.

"Pa kiss ga...?" sabi nito.

"Huh?" nagpalingon lingon ako, "Ang dami kayang tao Ga... nahihiya ako..." sabi ko.

"Ehhh... fiancée na naman kita... okay na yun... diba pag ganito nagkikiss na yung couple?" saad pa nito.

"eeeehhh... sila yun... ga... naman!" nakakahiya kaya! Sobrang PDA...

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin... Goooosssh... pinikit ko ang mga mata ko...akala ko ba ayoko? Psh.

I heard him chuckled. 

Naramdaman kong hinalikan niya ang Noo ko... ang nagsalita siya.

"Sabi nila paghinalikan ka daw sa noo it's sweeter than forever" sabi nito.

"and for me if I kiss you at the tip of your nose ... ibig sabihin noon mahal kita higit pa sa sobra..." sabi nito at niyakap ako ulit.

Kyaaaaaa! Grabe ka Bray....

Pati yung mga tao kinikilig din... ang dami naman kasing asukal sa katawan ni Bray!

"I'm the most happiest person in the world right now ga...." Sabi pa nito.

"at ako naman ang pinaka bless na tao sa buong mundo kasi akin ka..." saad ko. At niyakap ko rin siya... akala niya siya lang ang marunong! hahahaha

"And they live happily ever after..." saad pa ni maco gamit ang microphone. Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Loko talaga to. Natawa nalang kami ni Bray. Shit! Nakalimtan ko ang dami palang tao... at nasa gitna kami ng daan... at ang dami ng sasakyan! Na naghihintay kung kalian kami matatapos...

knowing Bray... He can do everything!

Like this....

 At magkahawak kamay kaming umalis... sana ganito nalang palagi no? yung masaya lang...

SCHOOL CAMPUS

Hanggang ngayon... hindi parin ako makapaniwala na engage na kami!

At Na miss ko yung ganito... yung palagi kaming magkasama... and speaking of na miss... na missed ko yung first subject ko. Hahahah. Pero okay lang. makakabawi naman ako. Basta ngayon....

Sobrang saya ko...

"Fret!!!!!" sigaw ni Alex. Kinukwento ko kasi sakanya ang nanyari kanina and grabe ang bilis talaga kumalat yung nangyaring pag propose kanina. Nag-trending talaga!

"Grabe fret... kinikilig talaga ako... saying mas maganda sana kung nandun talaga ako no?! kainis!" saad pa niya... naglalakad na kami palabas na ng Campus nagtext kasi si Bray na hihintayin niya nalang ako sa labas.

"Oo nga fret... grabe hanggang ngayon hindi pa ako naka get over! Sobrang saya ko" sabi ko at yakap yakap ang libro ko.

"Kaka inggit ka talaga... buti kappa... ako kaya kailan kaya ako maka experience ng ganyan?" malungkot na sabi nito. Siniko ko siya ng mahina. "Sos... maghintay ka lang.... malay mo malapit na siya" saad ko.

"Hey girls...." Saad ni Maco. Papalapit na siya samin. Hmmmmm...

" Hey ka diyan!" singhal ni Alex. Ganyan talaga sila ka close...

"Haaay... Montes... para ka talagang tigre!" saad ni Maco.

" and then???? Akala mo close na tayo?" –si Alex. Ang sweet nila no.

"Hmmmm... okay na nga diba nag sorry na ko... okay na sila. Ano pa bang gusto mo?" Saad ni Maco.

"W-wala... ah.. basta hindi parin tayo bati!" saad ni Alex.

"Fine!" sagot ni Maco.

"Hey.... Maco, nasan si Bray?" iniba ko nalang ang usapan.

" Ah... nasa labas, naghihintay na siya sayo" saad ni Maco.

Tumango lang ako.

And there he is...

nakasandal siya sa kanyang Gray..Ferrari F12Berlinetta...   Hmmm yaman no?

Nang Makita niya ako ay agad siyang lumapit at hinalikan ako...

Sa tip ng nose ko lang...

Kayo huh?!

Ngumiti siya. Shemay.... Yung puso ko pakipulot po!

"Let's go..." saad pa niya.

"Ehem! Excuse me po? Nag e-excess pa po ako!" saad ni Alex.

"Hay... epal talaga" saad ni Maco.

Natawa nalang kami. "Alex, sabay ka na!" sabi ko.

"Hay... naku... hindi na... nahihiya naman ako... take your time guys...!" saad niya at hinila na si Maco.

"Hey Tiger!" anas ni Maco.

"Ihatid muna ako ang arte!" singhal ni Alex dito.

"Oo na!" saad ni Maco.

"Let's go ga..." sabay hawak sa kamay ko.

Tumango  ako.

 Pinagbukasan niya ako ng pintuan ng kanyang expensive car! Psh.

*******


iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon