CHAPTER 57

145 8 3
                                    

Brayden's POV

[FAST FORWARD]

Nandito kami ngayon sa isang Private Room ng Hospital napag-aari ng pamilya ko, Tinitingnan ko si Sophia, habang natutulog sa Sofa, halata na hindi siya komportable'ng natutulog habang naka upo at yakap yakap ang isang unan. Nakatulog narin ang mama niya habang hawak hawak ang kamay ng papa nito.

Bigla akong may naisip na paraan. Agad akong tumayo at tumungo sa Reception.

"Excuse me." Saad ko sa nurse na on-duty ngayon, nagulat pa ito, alam kung kilala ako ng lahat ng nagta-trabaho dito.

"Si-sir Brayden, bakit po? May kailangan po ba kayo?" masiglang saad nito.

"Please inform your staff na mag set-up nang isang extra bed sa Room 210." Saad ko dito.

"Po? Extra bed po?" naguguluhang saad nito.

"Yes, extra bed and one more thing dapat bagong lenens, bed sheets, pillows pati unan ang e-set up niyo sa room."

"S-sir? Pero po?"

"May problema ba tayo?" kalmadong tanong ko dito. Napalunok ang nasabing on-duty nurse pati narin ang dalawang kasamahan nito.

"Wala naman po Mr. Dy, hayaan niyo po, sasabihan ko ang available staff namin sa request ninyo." Saad ng isang nurse.

"Good. Pakibilisan nalang po. Para makapagpahinga ng maayos ang asawa ko sa loob." Saad ko at tumalikod na.

Alam kong nagulat sila sa huling sinabi ko.

Napangiti nalang ako. Lintik lang Bray...

Alam kong may problema kami ngayon.

Pero hindi ko hahayaang mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.

Hindi mangyayari yun...

Hinding Hindi.

Papasok na sana ulit ako sa kwarto ng tumunog ang phone ko. 'Kuya L' Calling....

"Hello, kuya?" sagot sa kabilang linya.

"Hey, nasa Hospital ka pa ba?" saad nito.

"Ofcourse. Why?"

"Nasa presinto ako ngayon. Tumawag kasi si Maco, hindi ka daw ma contact. May nakuha na silang impormasyon sa nangyari."

Napangiti ako sa sinabi ni Earl.

"Talaga... good, Do I have to go there?" saad ko dito.

"Huwag na siguro, baka ma sapak mulang ang babae pagnalaman mo ang totoo." Napatawa pa ito.

"Hey! Seryoso ako. Alam mo naman ang sitwasyon naming ni Sophia diba?" saad ko.

"Ofcourse. At tinutulungan kita dito dahil sakanya gago!" saad pa nito.

Sa sinabi ni Earl, may kailangan ba akong kabahan? May feelings ba siya kay Sophia?

"Hey! Jayce! Still there?" pukaw nito sa akin.

"Yeah. So whats the plan? Do I have to go there? But hindi ko pwedeng iwan sina Sophia dito." saad ko.

"Yes I know. Actually where on our way to the Hospital with the police officer. Para makuha din yung side mo sa kaso. Magpasalamat ka nga sa akin Jayce!" singhal pa nito.

Napangiti nalang ako. Huwag naman sana... sana mali ang iniisip ko.

"Thanks kuya. I owe you a lot." I said with sincerity.

"Okay I hang up. See you."

"Okay. Ingat." Saad ko at naputol na ang linya.

----

iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon