CHAPTER 29---BEST DAY EVER!

299 11 4
                                    

Sophia's POV

Hay.... Grabe! Inaantok pa ko, kulang kasi ako sa tulog, naka uwi na kami kagabi malapit ng mag alas dose tapos di agad ako makatulog. An aga-aga pa naman ng klase ko. 7:30AM kainis! Tapos dalawang sakay pa ng jeep bago makarating sa school namin, kakababa ko pa lang sa jeep, inaantok pa talaga ako. Sinasampal-sampal ko ng mahina ang pisngi ko para mawala ang antok, nag aabang na naman ako ngayon ng masasakyan, hirap talagang mag commute, medyo nasanay narin kasi akong---- teka ano yun... may nakita akong kakaiba sa bobong ng jeep na dumaraan sa harap ko, isa siyang streamer na nakadikit sa parang toblerone style na kahoy sa bobong ng jeep , basta yun! tapos yung nakasakay don ay nakangiti sakin.. sakin ba? Ay...baka nagkakamali lang ako.

binasa ko yung nakasulat.

"Sorry..." unang jeep na naka sulat.

"I..." Pangalawang jeep

"Miss" Pangatlong jeep

"You!" Pang apat na jeep!

"Wow ang sweet naman" saad ng isang girl na nasa tabi kuna pala.

"Oo nga no.. ang swerte naman niya, nag effort pa talaga yung gumawa niyan" saad naman nang isang lalaki. "Oo nga..." mahinang saad ko nalang. Haaay...

at may isa na naming jeep!

"I Labyu langga..." basa ko sa panglimang Jeep. Napakunot ang noo ko. Nang aasar ba 'to, pareho pa talaga ng tawagan naming! May dumaan na naman na pang anim na jeep!

" You're my FOREVER!" nakasulat sa pang limang jeep. At ang kinagugulat ko ay ang pampitong jeep na nakasulat.

"SOPHIA :) " basa ko, tinakpan ko yung bibig ko, Ano to? Para sakin ba to? Nagtilian yung mga taong nasa nakakita ngayon, aaaahhh... kinakabahan ako, Ay! Hindi ko alam!

Nang may biglang nagpatugtog....

Yung kantang... hinding hindi ko makakalimutan....

Hindi ako maaring magkamali....

[Now Playing: LABYU LANGGA by Jericka Teodorico >>>>>>>> ]

"Wow tingnan niyo sa likod ang ganda..." sabi nang isang babae, sinundan ko rin kung saan sila nakatingin ,

May maraming balloons silang hawak na iba't ibang kulay, tapos binitiwan nila ito at nagulat ako sa nakasulat sa Tarpaulin " I love you Sophia Espinoza... FOREVER YOU ARE MINE " Naiyak na ako! Para sakin talaga... hinahanap ko si Bray pero hindi ko makita...

" Hayun pa nasa skywalk... Wow! The best!" saad noong isang lalaki. Grabe nato parang nangatog nayung tuhod ko sa nakikita ko ngayon...totoo bato?

May naka tayong mga bata na naka white lahat, para silang angels! tapos may hawak hawak silang pink roses! Paano niya nagawa to!? Ganito ba niya ako kamahal? Biglang tumahimik ang paligid...

Nang lingunin ko yung mga katabi ko nawala sila....!

at ako pinapalibutan ng mga taong naka white lahat tapos may dala dala silang mga rosas!! Lumingon lingon ako ... Panaginip bato?

Sana naman hindi... hindi ko mapigilan hindi maiyak, bakas sa mukha ng mga taong naka palibot sa akin ang saya at may binabanggit silang 2 words ng sabay sabay...

"SAY YES!"

"SAY YES!"

"SAY YES!"

"SAY YES!"

"SAY YES!"

Napapangiti ako... ano bang Say Yes na yan?! kung gusto niyang patawarin ko siya kahit hindi pa niya gawin to... pinapatawad kuna siya.

"Ehemmm... " may nagsalita gamit ang microphone...

tumigil bigla ang paghinga ko, naramdaman kung nasa likod kuna siya... dahan dahan akong humarap sakanya...

Napa nga nga ako ng makita ko siya, Naka White T-shirt lang siya with kupas na maong at yung vans na shoes niya pero grabe ang GWAPO NIYA! Kinikilig ako.

Lumapit siya sakin, at ngiting ngiti...

" Ga.... na miss kita sobra" sabi niya. May namumu-ong luha sa mga mata niya.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko, sobrang miss na miss na miss kuna rin siya...

Halos magka dikit na yung katawan namin... hindi namin alin tana ang tao... Moment na namin to!

Nagtitigan lang kami... yun bang 'di na kailangan magsalita tanging yung mga mata nalang namin ang nangungusap...

I love you...

Mas mahal kita...

"Haaay... tol 'yung speech mo! Ano ba yan! Na iinip na kami!" sigaw ni Maco na pumakaw sa amin, kasabwat din pala siya dito! Haaay panira talaga ng moment... hinahanap ko siya...

"Oo na nga atat mo!" saad pa ni Bray. Natatawa yung mga tao. Pero seryoso siyang nakatingin lang sakin!

"G-ga... alam mo namang hindi ako yung tipong lalaki na maraming sinasabi na sweet words... at hindi rin ako yung tipong mahilig sa ganitong bagay, pero gusto kung malaman mo at ipagsigawan sa lahat ng tao, kung gaano kita ka mahal..." pumiyok piyok na yung boses niya dahil sa iyak niya... pinupunsan niya agad ito . "Shit! Nakaka bading ..to" sabay tawa pa niya ng mahina... Natawa rin yung mga tao sakanya. Hindi ko rin mapigilan ang luha ko sa saya... !

"Sorry... sorry talaga ga... about what happen-"

"Hey... okay na ga... kalimutan na natin yun" putol ko sa sinabi niya. Ngumiti siya.

" Alam mo bang gusto kung sabihin sa kanilang lahat kung gaano ako ka bless na ako yung mahal mo, at halos magunaw ang mundo ko ng sabihin mong mag... maghi- maghihiwalay na tayo, pero ngayon, gusto kung malaman nilang lahat na ikaw Sophia Espinoza ay para lang kay Brayden Jayce Dy!" saad niya na nakatitig lang sa mga mata ko. Sobrang nagwala ang puso ko sa sinabi niya!

May dinukot siyang

SINGSING!

At Lumuhod siya! Nagsigawan na naman ang lahat ng tao! Huwag niya sabihing....

"Sophia, I know ma-aga pa, at marami ka pang pangarap na dapat tuparin hayaan mong samahan kitang abutin ang mga pangarap mo at promise ko sayo hindi ako makakahadlang ... kasi ako isa lang ang pangarap ko ...

ANG MAKASAMA KA HABANG BUHAY... sana naman una mong tuparin ang pangarap ko... langga will you be MINE FOREVER? Please..... " saad niya ng nakaluhod na may hawak na singsing!

Hindi ako maka paniwala sa sinabi niya ...ang lalaking mahal na mahal na mahal ko at pinapangarap ko ay nag PROPOSE na sakin ng kasal...!

Handa naba ako?

Paano kung masaktan na naman ako ulit?

********


iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon