CHAPTER 60.2

160 6 2
                                    

SOPHIA POV.

Napangiti ako habang nakatitig sa maraming bituin sa langit. Bukas na ang pinaka hihintay kung araw ang araw ng kasal namin ni Brayden ang lalaking mahal na mahal ko. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko. Mabilis akong napalingon dito at sakto namang dumapo sa labi ko ang labi niya.

Natawa siya sa hitsura ko.

" Ga, naman... Nang gugulat ka eh! Baka may makakita sa atin. Nasa sala lang sila papa." Saad ko dito at mahinang hinampas ang braso nito na nakayakap parin sa akin.

"Ang cute naman ng asawa ko." Saad nito at pinaglaruan ang tongki ng ilong ko. Ang sarap talagang pakinggan kapag sinasabi niyang 'sakanya ako' 'asawa ko' 'wifey' parang na rarambulan ang mga paru-paru sa sa puso ko.

"Ga, diba dapat hindi muna magkikita yung mga ikakasal before the wedding. Kaya umuwi kana. Magpahinga kana at para pogi ka bukas" saad ko dito.

Napakunot ang noo nito.

"Sinong may sabi niyan? Eh, para mo naring sinabi 'ga, na bulag ako?" Nakangusong saad nito.

"Huh? Anong bulag ang pinagsasabi mo?" Naguguluhang saad ko dito.

"Eh, kasi 'ga, paghindi kita nakikita parang madilim lang yung paligid ko. Kasi na sayo lang yung mga mata ko. Para sayo lang." Saad pa nito habang naka titig sa akin. Napa nganga ako sa sinabi niya.

Mabilis niya akong hinalikan.

"Close your mouth 'ga. Nang aakit ka eh." Sabay kindat pa nito.

"Ewan ko sayo Brayden Jayce. Yang mga linya mo ah." Natatawang saad ko dito.

"Ga..."
"Hmmmmm..."
"Sorry huh?"

Napalingon ako sakanya. "Para saan 'ga?"

"Kasi nasaktan kita. Hayaan mo 'ga simula ngayon. Bukas at magpakailan man gagawin ko lahat para mapasaya ka at ang magiging pamilya natin. Sisikapin ko lahat para mapadama ko sayo kung gaano ako kita ka mahal. " seryosong saad nito. Napakagat ako sa labi sa sinabi niya pinipigilan kung maiyak.

"Hindi ako magsasawang mahalin ka 'ga. At kung may problema mang dumating, alam kung makakaya nating lampasan. Walang bibitaw at sabay nating haharapin ang lahat. Basta Ikaw at Ako. TAYO. Tayo'ng dalawa..." Saad ko habang dahan dahang hinahaplos ang pisngi niya. Nakangiti siya. Mabilis ko siya hinalikan. Isa pa. Dalawa. Tatlo. Pang -apat na halik. Narinig kung mahinang tawa nito sa ginawa ko. Pinugpog ko siya ng halik.

"Ehem."

Halos sabay kaming bumitaw sa isa't-isa at mabilis na humarap sa may ari ng boses. Si papa.

"Baka naman pwede niyo nalang ipagpatuloy yan bukas Piyang. Baka magsawa na kayo niyan. Brayden--"

"Po?"

"Uwi na. Baka ma late ka bukas or hindi ka maagang magising. Dapat magpapahinga na kayo ngayon."

"Ay! Opo Pa! Alis na po ako." Mabilis na saad nito.

"Hoy Brayden, bukas mo pa ako pwedeng tawaging Papa. " seryosong saad ni papa. Pero alam kung nagbibiro lang ito. Close na kaya sila.

"sabi ko nga po. Sige po tito. alis na po ako" humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Psh. Papa kasi. Hahaha

Tinitigan niya akong matagal. Napangiti nalang ako.

"Alas otso na Bray." Si papa ulit.

Natawa nalang kaming dalawa.

Mabilisang goodbye nalang ang ginawa namin. Alam niyo na nandiyan si Papa.

-----

iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon