CHAPTER 53

156 5 0
                                    

Sophia's POV


Hindi ko alam kung saan papunta ang mga paa ko. Wala akong paki alam kung anong tingin ng mga taong nasa paligid ko. Ang tanging alam ko lang...


Masakit. Ang sakit....


Hindi ko mapigilan ang aking mga luha.


Gusto kong sumigaw. Sumigaw sa sakit. Parang unti unti akong pinapatay sa sobrang sakit.


Parating bumabalik yung nakita ko kanina...


Si Bray may katabing babae.


'Hindi panaginip lang ito... ikakasal na kami. Hindi kaya ni Bray na saktan ako. Mahal niya ako. Sana gisingin na ako sa panaginip na ito... please...'


pinilit kong ipikit ang mga mata ko. At iniisip na panaginip lang ito.


Humahagulhol ako ng iyak. Hindi ko kaya...


Nag flashback na naman ang mga masasayang memorise naming ni Bray.

Ang pagpapasweet niya... ang tawa niya... ang yakap ang halik...tapos biglang na isip ko na naman ang nangyari kanina...


[Flashback]

"May... may nangyari ba sa-sa inyo?"

Napalunok lang ito. At Yumuko. Hindi ito sumagot! God... ito na bayung kina iisinisan kong line na 'silence means yes?'

"tinatanong kita Bray!" pumipiyok na ang boses ko sa kakaiyak.

"Ga...."

"Answer me!!!!"

"..... I don't know.... I really don't know...." Napahagulhol na ito sa pag iyak.

[End of Flaskback]


Napa upo ako at napahagulhol ng iyak...


Kunting Kunti nalang ikakasal na kami.. bakit ganito? Bakit pinaparusahan kami ng tadhana?


Tumutunog ang cellphone ko at wala akong planong sagutin

Baka siya ang tumatawag... hindi ko kayang marinig ang boses niya!


Biglang may humintong kotse sa tapat ko, pero hindi ako nag abalang tumingin.


Nakayuko lang ako. Nang may naramdaman akong tumabi sa akin.

May tinapat sa akin na panyo. Napatingin ako sa may ari nito. Si Earl pala.


"Tsk! punasan mo nga yang mga luha mo, ayokong makikita kang umiiyak. Ang pangit mo!" tapos tumawa ito ng mahina.


" Wala akong pakialam!" singhal ko dito. Akmang tatayo ako at aalis na ng pigilan niya ang braso ko.


"Come here..." saad niya sabay yakap sa akin. Hindi ko alam pero ng niyakap niya ako ay doon na bumuhos ang lakas ng pag iyak ko.


"Haist! Para atang wrong moved ang yakap ko, mas lumakas ang iyak mo. Tahan na.  Baka isipin ng mga tao dito ako nagpa-iyak sayo!" saad niya sabay punas sa mga luha ko.


Agad kong inigaw ang panyo. "Ako na!" mapiyok piyok pa na saad ko.


"Haaay... may sipon oh!" saad pa  nito! Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya nakakatulong ah...


"Nakakainis ka naman eh... kita munang wala ako sa mood. Hayaan mo lalabhan ko itong mamahaling panyo mo! Bwisit!" saad ko dito.


"Sos! Ganyan ka magsalita sa akin. Pero kanina hindi mo sinigawan at sinabunutan ang bitch girl! Umalis na ngalang tayo dito!" saad nito at hinila na ako papasok sa kotse nito.

iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon