CHAPTER 51

159 6 1
                                    

Sophia's POV


21th Floor. Agad akong lumabas at tinungo ang daan papunta sa Condo ni Brayden, agad kong pinindot ang password at binuksan at pinihit ang pinto. Wala pa ba siya? Sobrang dilim naman....

Agad kong hinanap ang switch ng ilaw. Bingo!


Anong oras na bakit wala pa siya?


Pupunta sana ako sa kusina, nang may marinig akong ungol sa loob ng kwarto.


"Hmmmm..."


Babae? May babae sa loob ng kwarto ni Brayden?


Parang nanigas ang buong katawan ko.


Hindi kaya....


No! Hindi niya magagawang magtaksil sa akin... hindi.


Dahan dahan akong nagtungo sa kwarto nito, pinihit ko ang pinto.


Parang piniga ang puso ko sa sakit nang makita ko na ang lalaking mahal na mahal ko, na halos sambahin ko na at binigay na lahat, ang lalaking akala koy akin lang at hindi ako kayang saktan ay nakahiga ngayon nang walang ni isang damit na suot at may katabing ibang babae!


Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko, halos hindi ko na magalaw ang sarili ko, hindi ko alam kung sisigaw ako o susugurin sila at pagsasampalin! Hindi ko alam. Himbing na himbing na natutulog ang mga ito. Parang ako pa ang nahiya sa nakita ko.


Dahan dahan akong tumalikod ng makita ko si Earl na nasa likod ko narin pala at nakatingin din sa kanila. Habang hawak hawak nito ang Bag ko. Napahikbi ako.


Walang ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Ang sakit....!


"Mga hayop kayo!" gigil na saad ni Earl at biglang hinablot si Brayden.


" Hayop! Hayop ka Brayden! Hayop ka!" pa balik balik na saad nito at walang sabing sinuntok niya ito. Tumayo ang babae at agad pinagpupulot ang damit nito dalin daling umalis pero agad itong hinila ni Earl.


"Aaaahhh aray! Nasasaktan ako...teka..." daing nito.


"Masakit ba?! Huh! Kulang pa yan sa kababuyang pinag gagawa ninyo!" saad ni Earl dito.


Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam. Bakit... parang gumuho ang mundo ko.


"Teka, kuya Earl whats wrong?!" naguguluhang saad nito at napalingon lingon. Nagulat pa ito.


"Bakit nakahubad ako?! Sino ka?!" singhal niya sa katabi niyang babae. At Lumingon sa akin. "G-ga... Sophia sandali! Its not what you think--"

Nandidiri ako sakanya!


"STAY WHERE YOU ARE BRAYDEN JAYCE!" Malakas na sigaw ni Earl. Nagyon ko lang siya nakitang ganito. Mabilis na nag suot ng boxer si Brayden at hindi natinag sa banta ni Earl.


"Ga... please hindi ko alam kung sino siya... lasing ako okay? Hindi ko alam promise! God. I don't know.. akala ko ikaw ang sumundo sa akin.. akala ko ikaw!" sabay sabunot niya sa buhok niya akmang lalapitan niya ako ng hinila ako ni kuya Earl sa tabi niya.


"Damn you Jayce! Anong rason yan huh?!" singhal nito.


Tumingala ito at umupo sa gilid ng kama. Biglang tumulo ang luha nito.

"May... may nangyari ba sa-sa inyo?" tinatanong ko pa ba? Hindi ba obvious? Pero gusto kong sakanya galing ang sagot.


Napalunok lang ito. At Yumuko. Hindi ito sumagot! God... ito na bayung kina iisinisan kong line na 'silence means yes?'


"tinatanong kita Bray!" pumipiyok na ang boses ko sa kakaiyak.

"Ga...."

"Answer me!!!!"


"..... I don't know.... I really don't know...." Napahagulhol na ito sa pag iyak.


Hindi ko na kinaya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumabo.

Wala akong paki alam kung sino ang nakabangga ko, o kung sino ang nakakita sa akin nagyon na humahagulhol sa pag iyak.


Wala akong pakialam!

iLabyu Langga (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon