"Sa Morong?" Gulat na tanong ko. Gusto ko rin naman pumunta para mapakilala ko na si Calvin kina mama pero hindi ba masyadong biglaan ngayon?

"Hindi sa Morong. Kina ate Anj" natatawang wika ni Misha "Medyo pagod ang driver natin dahil kakatapos lang ng finals" dagdag pa niya habang pinipisil ang pisngi ni Jeff. Mga PDA.

"Hm. Sige. Ayos lang text ko nalang sina ate Anj" ngiting sagot ko sakanila. Pumalakpak si Misha dahil don tiyaka na siya nagyaya.

Pumasok na kami sa sasakyan. Syempre silang dalawa ni Jeff ang magkasama sa sasakyan ni Jeff habang kaming dalawa naman ni Calvin sakaniya. Alam naman na ni Jeff ang daan papunta kina ate Anj.

"Is it okay with you?" Tanong ni Calvin habang nagmamaneho siya. Calvin is thoughtful, lagi niyang tinatanong kung ayos lang ba sakin na ganto na ganyan bago gawin ang isang bagay.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Nakangiting sagot ko sakaniya. Magkasundo rin kasi sina Misha at ate Anj lalo na kapag may chinichismis.

"How about tita Anya and Ate Anj?" Oo nga pala. Kinalkal ko ang cellphone ko para sabihin sakanila. Baka magulat sila na bigla nasa bahay kami "You should inform them" dagdag na wika ni Calvin tiyaka ako tumango.

Calvin care not just about me but also to my family. Kaya kung pagbibigyan man ng pagkakataon, sana.. Sana siya na talaga ang para sa akin. Na kahit ilang buwan palang kaming magkakilala ay nakikita ko na magiging mabuting asawa siya. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko kung hindi siya ang kasama ko.

He is indeed my ideal man. Nasa kaniya na ang lahat. Attitude, brain and looks, sumobra pa nga sa looks. He is also rich, kaya hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan niya sa akin para ako ang ligawan at gawing girlfriend niya. Wala naman espesyal sa akin, isa lang naman akong scholar ng university na pinapasukan niya. Hindi man nga umaabot sa one fourth ang meron kami sa kung anong meron sila. Pero pinili niya pa rin ako. Pero ako pa rin ang minahal niya.

"Are you free this Wednesday?" Bigla akong napatingin sa kaniya. Seryoso parin siyang nakatingin sa kalsada.

"Hmmm. Siguro? Tapos narin naman na ang finals" sagot ko sakaniya. Tumango siya tiyaka marahan na kinagat ang labi niya bago siya nagsalita.

"We're having a family dinner with the Serano" he pause. Bigla akong kinakabahan sa kung ano man na idadagdag niya. "Can you come with me?" Napaawang ang labi ko dahil don, tiningnan niya ang reaksiyon ko kaya kaagad akong umayos ng upo. I feel uneasy.

"Ahm. Ah. Kayong tatlo nang Dad mo?" Paninigurado ko. Parang meron kasi sa With The Serano.

"Nope. With some of my cousins and relatives" deretsong sagot niya sa akin.

"Pero family dinner niyo iyan" wika ko sakaniya. Baka may importante silang pag-uusapan na hindi kailangan ng ibang tao.

"No. It's okay. To be honest, dad wants to meet you" Paninigurado niya sa akin. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan dahil doon. "Is it okay with you? Don't worry, they were good" he assure me. Marahan akong tumango.

"May pinsan kang babae?" Tanong ko sakaniya. Baka sakali na may makausap akong babae sa sa dinner.

"Yeah but she's not coming. She's abroad" tumango ako.

Kaagad din kaming nakarating sa amin. Sinalubong kami ni Ate Anj. Nakita rim namin na may miryenda na sa sala. Kaya bahagyang nahiya si Misha kahit na may dala silang pizza and other na miryenda. Nakipag high five naman sina Calvin at Jeff kina Karlo at Anjo.

"Laro tayo? Rank?" Agad anyaya ni Jeff tiyaka naupo. Kaagad na kinuha ng dalawa ang cellphone nila.

"Gonna join them" paalam sa akin ni Calvin. Tumango ako sa para sumang-ayon. Umupo ako katabi sina ate Anj at Misha.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Where stories live. Discover now