Kabanata I

1.3K 15 11
                                    

A/N: First time kong ako ang magnanarrate. Kaya hindi ko alam ang tamang gagawin. Hahaha. XD Here's the first chapter! :)

---

Chapter 1

"Mommy! Mommy!" Tawag ni Andy kay Maria. Nasa kusina kasi ito at naghahanda ng merienda ng anak.

"Sandali lang Andy! Malapit na to!" Inalis na niya ang apron niya at nagslice ng cake na hinanda niya para sa anak.

Ibang klase kung mag-alaga si Maria. Kahit pagod sa trabaho pag weekdays, bumabawi siya sa anak pag weekends. Sinisiguro niyang nabibigyan niya ng sapat na panahon si Andy.

Dala-dala ang cake, nakangiting pumunta ng sala si Maria para puntahan ang anak na busy sa paggawa ng homework. Masipag talaga si Andy mag-aral, kaya kahit Sabado pa lang, inaasikaso na niya ang homework niya at tinutulungan siya ng Mommy niya.

"Andy, anak, kain ka muna." Binaba niya sa mesa ang merienda at pagkatapos ay hinalikan sa pisngi ang anak. "Dali na kain muna tayo para mas ganahan ka pa sa homework mo." Ngiting-ngiti si Maria kay Andy.

"Yes Mommy!"

Tinigil na ni Andy ang ginagawa at kumain.

"Ay Andy nakalimutan ko yung juice mo. Sandali lang ha? Kain ka lang dyan." Tumayo na si Maria at dumiretso ng kusina.

Sakto namang dating ni Luis galing sa trabaho. Pahinga niya talaga ang weekends, pero dahil nagkaron ng aberya sa Vicera, napilitan siyang pumunta doon. Lagi pa naman niyang inilalaan ang weekends para sa mag-ina niya.

Kahit gustung-gusto nilang dalawa na magsama na sa isang bahay, napagdesisyunan nilang wag muna at pagkatapos na lang ng kasal. Sa bahay ni Maria nakatira si Andy.

Pagdating na pagdating, natuwa siyang nakitang kumakain si Andy habang gumagawa ng homework.

"Andy.."

Napalingon si Andy. "Daddy!" Mabilis siyang tumayo at pumunta kay Luis para halikan ang pisngi nito.

"Musta? Sipag ng baby ko a." Tuwang-tuwa siya sa anak.

"Of course, Daddy. Mana ko sayo e." Andy giggled.

"Sarap namang pakinggan yan." Ngumiti siya sa anak. "Andy, Mommy mo?"

"Nasa kitchen po."

"Hmm..sige tuloy mo na yan. Puntahan ko lang si Mommy ha? Gusto mo tulungan kita after?"

Umiling si Andy. "Wag na Daddy. Matatapos na rin ako e." She smiled.

"Okay. Good girl." Kinurot ni Luis ang magkabilang pisngi ng anak. Pagkatapos ay pumunta na siya sa kusina.

Pagdating nya doon, nakatalikod si Maria at nagsaslice ng cake. Naisip niyang magdahan-dahan sa paglapit kay Maria para hindi siya mapansin.

Nang makarating siya, niyakap agad niya to sa bewang kahit nakatalikod. "Babe.."

Napangiti si Maria. Alam naman niya na dumating na si Luis kaya pinaghanda nya rin to ng cake, pero di nya inexpect na pupuntahan siya muna nito.

"Babe.." Hinawakan nya ang mga kamay na nakaikot sa bewang niya.

Hinigpitan ni Luis ang yakap niya at hinalikan ang balikat ni Maria. "Kamusta ka?"

Tumalikod na si Maria at hinarap si Luis. Inikot niya ang mga braso sa leeg ni Luis.

"Okay lang. Ikaw?"

Lumungkot ang mukha ni Luis. "Ayun. Daming inaayos sa Vicera."

Nalungkot din si Maria. Parang siyang nahawa sa mood ni Luis. "Babe sabi ko naman sayo baka matulungan kita e."

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now