Kabanata XIX

253 4 6
                                    

Magandang gabi. :) Sorry talaga sa lahat kung di ako nakapag-update ng matagal. Promise ngayon pipilitin ko na. Sensya na marami kasing ginagawa dati dahil graduating, pero dahil ngayong graduate na ko magkakatime na ko kaso baka weekly lang. At minsan di ko pa maipapangako. Lalo na pag may work na ko. Sana nga magdilang anghel ako sa mga sinasabi ko. Haha.

Thank you sa walang sawang suporta dito. Kahit na di na naaupdate agad. Thank you sa lahat ng Enrich fans na patuloy na nagmamahal sa kanila tulad ko. Wag tayong mag-alala, malapit na malapit na ang pagbabalik nila. Nafifeel ko na. Feel na feel. :)

Here's the second to the last chapter. Sabi ko dati final chap na ang ipopost ko. Kaso ayoko pa sa ngayon. May gusto ako para sa finale na talagang matagal ko nang pinapangarap. iisipin ko muna siya ng mabuti para naman hindi nakakahiya sa inyo. Hehehe:)

Salamat talaga sa lahat. At wag kayong mag-alala, gagawan ko to ng ending na deserve ni Maria at Luis. :) Salamat sa lahat. Don't worry, pagkatapos nitong MLDB, aasikusahin ko naman ang Closer To You then Christian Dy special chapters, tapos yung My Love Is Here. Ginaganahan na talaga ko. Sana lang lagi akong may gana. Hahaha.

Thank you, Team Enrich. Thank you thank you thank you ng sobra sobra. :) Walang bibitaw sa Enrich. :)

P.S. Yung final chapter ipopost ko baka bukas, Sabado or Sunday. :) Isa lang sa tatlo. :)

-----

Kabanata XIX

Sa wakas ay gaganapin na rin bukas ang matagal nang hinihintay ni Luis at Maria - ang kanilang kasal. Hindi maitanggi sa kanilang dalawa ang pananabik sa magaganap na pagdiriwang. Normal sa mga okasyong katulad nito na ang babae ang mas kinakabahan, pero sa sitwasyong ito, kitang-kitang higit ang kaba ni Luis kaysa kay Maria.

Nasa bahay lamang siya at nakaupo sa may sala na parang balisang-balisa. Nadatnan siya ni Vanessa sa ganoong posisyon.

"Kuya!"

Napatingin agad si Luis sa kapatid. "O, Vanessa. Nandyan ka pala." Parang walang reaksyon si Luis sa pagdating ni Vanessa.

Lumapit agad si Vanessa kay Luis. "Parang ka namang walang nakita Kuya. Kanina pa kaya ako dito, kanina pa kita tinatawag sa labas pa lang." Tumabi siya kay Luis. "Ayos ka lang ba?" Dinampi niya ang noo nito. "Wala ka namang sakit a. Hindi naman mainit."

Natawa ng bahagya si Luis. "Parang kang ewan. Wala naman."

"Mukha kang zombie kuya." Natawa si Vanessa. "Alam ko na kung bakit ka ganyan."

Napakunot ang noo ni Luis. "Ano namang alam mo?"

Di maalis ang ngiti ni Vanessa. "Kinakabahan ka para bukas no? Aminin mo."

Umiling agad si Luis. "Oy hindi a." Iniwas niya agad ang tingin kay Vanessa.

"Uyy.. Kinakabahan yan." Tawa ng tawa si Vanessa.

Hindi na rin napigil ni Luis na ngumiti. Hinarap na niya ulit ang kapatid. "Oo na. Kinakabahan ako."

"Kuya. Wag ka na kabahan. Sigurado ko this time matutuloy na yan."

"Di kasi mawala yung kaba sakin. Pano kung.. Pano kung biglang-"

Pinigil ni Vanessa si Luis sa pagsasalita. "Kung ano man yang nasa isip mo kuya, sigurado ko hindi na yan mangyayari. Sigurado ko. Ako pa!"

Napangiti si Luis sa sinabi ng kapatid. Kinurot niya to sa pisngi. "Oo. Ikaw na."

"Basta kuya. Sigurado ko. Masyadong marami na ang napagdaanan nyo ni Ate Maria. Tuloy na tuloy na yan bukas. Ipupusta ko ang bahay natin."

Natawa si Luis. "Oo na. Umuwi ka na nga. Gabi na o. Hahanapin ka nila Papa."

"Talagang uuwi na ko." Tumayo na si Vanessa. Hinalikan niya sa pisngi si Luis at tumalikod na para lumabas. "Papunta na din dito si Maria. Lagot ka. Sinabi kong ganyan ang kinikilos mo."

Nagulat si Luis sa sinabi ni Vanessa. Hindi sila nagkausap ni Maria buong araw. "Ha?" Wala siyang kaalam-alam na pupunta si Maria.

Natawa si Vanessa sa sinabi ni Luis pero hindi na niya ito nilingon.

Hindi mapakali si Luis noong gabing iyon nang malaman nya na pupunta si Maria. Medyo hindi kasi siya mapalagay na makita si Maria ngayong ikakasal na sila bukas. Kinakabahan siya na baka may kung anong mangyari at hindi na naman matuloy ang kasal. Ni hindi siya nagtetext dito o tumatawag sa sobrang pagkabalisa nya.

Pagdating ni Maria sa bahay ni Luis, nadatnan niyang wala ito sa sala.

"Uhm.. Manang, si Luis po?"

"Ay Maam. Umakyat na po sa kwarto nya. Parang nga pong hindi maganda ang pakiramdam e."

Nalungkot ng bahagya si Maria sa nalaman. "O sige po. Puntahan ko na lang po sa kwarto nya." Umakyat si Maria sa taas upang puntahan si Luis.

Pagdating niya roon, kumatok siya ng ilang beses sa kwarto ni Luis ngunit hindi ito sumasagot at hindi rin siya pinagbubuksan. Binuksan nya na lang ito ng walang paalam. Nakita niyang tulog na si Luis na nakahiga sa kama niya.

Lumapit siya dito at umupo sa tabi ni Luis. Pinagmasdan niya itong matulog. Hinihimas-himas niya ang buhok ng mapapangasawa. "Luis.."

Ayaw na niyang gisingin si Luis kaya naisipan niyang umuwi na lang at bukas na lang sila magkita ni Luis si altar. Pero may kung anong pumigil sa kanya at hindi nya natiis na pagmasdang muli si Luis. Natutuwa si Maria na matutuloy na sa wakas ang kasal nila ng minamahal. Ang tagal din bago sila umabot sa puntong ito. Marami silang pagsubok na pinagdaanan.

Hindi napigilan ni Maria ang pagtulo ng luha niya dahil sa saya. Pinunasan nya agad ito. Tinanggal niya ang mga sapatos niya at sumukob sa kumot ni Luis at yumakap siya dito. Doon na nagising si Luis. Nakita niyang nakayakap sa kanya si Maria at umiiyak.

"Babe.."

Yumakap ng mahigpit si Maria kay Luis at ipinatong niya ang pisngi niya sa dibdib ni Luis. "Luis.."

"B-Bakit ka umiiyak?" Nag-alala agad si Luis. Ayaw na ayaw niyang umiiyak si Maria.

"W-Wala to. Namiss lang kita. Isang araw mo kaya akong hindi tinetext." Napangiti si Maria ng bahagya si biro niya. Alam naman nya ang dahilan kung bakit hindi siya kinakausap ni Luis.

Hinimas-himas ni Luis ang braso ni Maria. "Shh.. Hindi. I'm sorry. Di na mauulit." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Maria.

"Babe?" Tawag ni Maria kay Luis.

"Ano yun babe?"

"Bukas na." Napangiti si Maria.

Napangiti din si Luis. "Oo Maria. Bukas na. Sa wakas."

"Pag hindi ka ulit dumating lagot ka sakin."

Nangiti si Luis. "Hinding-hindi na mangyayari yun. Pangako."

Tumingala si Maria kay Luis. "Pwede bang dito muna ko?"

"Oo naman. Kahit kelan." Hinalikan ni Luis ang dulo ng ilong ni Maria.

Yumakap muli si Maria kay Luis. "Pagdating ng bukas, Mrs. Luis Dela Vega na ko." Nangiti si Maria.

"Mrs. Luis Dela Vega." Ngiting-ngiti si Luis. "Wow. Sarap naman pakinggan."

Natawa si Maria. "Mrs. Maria Hernandez-Dela Vega. Hmm..."

"Hmm ka dyan. Ang ganda kaya pakinggan babe."

Natawang muli si Maria. "Oo, maganda nga."

"Tapos ipapakilala kita sa lahat, hindi na bilang girlfriend or fiancee ko. Asawa na." Hindi maalis ang ngiti ni Luis. "Si Maria nga pala. Asawa ko."

Tinapik ni Maria ng marahan ang dibdib ni Luis. "O wag masyadong maexcite. Matulog ka muna."

Natawa si Luis at hinalikang muli ang ulo ni Maria. "Oo. Misis." Napangiti si Maria. "Tulog ka na. I love you."

"I love you, too."

"See you tomorrow at the altar, Mrs. Dela Vega."

- to be continued -

by Leah. April 11, 2013.

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now