Kabanata VII

323 4 6
                                    

Kabanata VII

"Maam, si Sir Luis po hinahanap kayo."

Kasalukuyang kumakain si Maria ng hapunan at napangiti siya nang nalamang pumunta sa bahay niya si Luis. Wala si Sandra sa bahay dahil mayroong inasikaso sa labas, at sinabi nitong hindi siya uuwi sa gabing iyon. Mag-isa lang siya kumain. Inaaya niya ang mga kasambahay niya lagi na sumabay sa kanila sa pagkain pero lagi siyang tinatanggihan ng mga ito. Ganun kabait si Maria. Para sa kanya, pantay lang silang lahat ng nakatira roon at pamilya ang turing niya sa kanila.

"Sige po Manang, pakisabi na lang po pumunta siya dito."

"Opo maam." Bumalik na ito sa sala at pagdating niya roon, nakaupo si Luis at tumitingin ng magazine kung saan nasa cover ang kasintahang si Maria. Nakangiti ito habang nagbabasa.

"Sir, kumakain po si Maam. Puntahan niyo na lang daw po siya."

"Sige sige. Salamat ha?" Nginitian niya ito at pinuntahan na si Maria.

"Babe.."

Tumalikod si Maria sa upuan at ngumiti kay Luis. "Babe."

Lumapit si Luis sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. "Babe kumain ka muna." Sabi ni Maria. Tumabi na si Luis sa kanya.

"Hindi na. Bumisita lang ako."

"Luis." Pinapahiwatig ni Maria na sundin siya ni Luis at kumain na ito.

Natawa ng bahagya si Luis. "Babe..kumain na ko. Gusto lang kitang makita."

Natuwa si Maria sa sinabi ni Luis. "Namiss mo ko agad? Nagkita lang tayo kanina a." Totoo naman. Hinatid siya ni Luis sa M-Line kaninang umaga.

"Syempre babe!" Ang laki ng ngiti ni Luis. Natawa si Maria. "Sige babe kumain ka na. Wag mo kong alalahanin. Hindi ka mabubusog sa pagtitig mo sakin."

Pinalo ni Maria ng marahan si Luis sa balikat niya habang nangingiti. "Kaw talaga."

Natawa si Luis. "Sige na. Papanuorin lang kita."

"E? Nakakaconscious naman yun."

"Babe. Masanay ka na. Pag ikinasal tayo madalas kong gagawin sayo to." Biniro niya si Maria.

Hinawakan ni Maria ang pisngi ni Luis. "Oo na po. Kakain na."

"Baka gusto mong subuan pa kita?" Hindi talaga mapigil si Luis sa pagbibiro kay Maria.

"Luis."

Natawa si Luis. "Eto namang babe ko. Binibiro lang naman kita. Sige na kain na. Ayoko ng asawang sakitin."

Kumunot ang noo ni Maria. "Ganon? E pano kung magkasakit talaga ko? Yung malalang-malala? Ayaw mo na sakin?"

"Babe ang seryoso mo. Syempre binibiro lang ulit kita." Ngiting-ngiti si Luis. Hinalikan niya ang noo ni Maria at saka hinarap ito. "Babe..sinabi ko naman sayo noon na kahit anong mangyari..mamahalin kita. Na di ako aalis sa tabi mo.. Na hinding-hindi na kita iiwan." Seryoso lang ang mukha ni Luis.

Natuwa si Maria sa mga sinabi ni Luis kaya hinawakan nya ulit ang pisngi nito at tinitigan niya lang si Luis. Makikita sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Alam ni Maria na hindi niya alam ang gagawin pag nawala si Luis. Takot na takot siya sa mga sulat na natatanggap niya na nagbabanta sa buhay ng lalaking minamahal. Takot na takot siya na isang araw..mawawala si Luis sa buhay niya. Pakiramdam niya mababaliw siya ulit.

Mahal na mahal ni Maria si Luis. Para sa kanya, si Luis ang una at huling lalaking mamahalin niya. Maisip pa lang niyang malalayo ito sa kanya, nadudurog na ang puso niya.

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now