Kabanata XV

275 4 2
                                    

Kabanata XV

"Ang dali-dali na nga ng trabaho mo, hindi mo pa nagawa!"

"E dapat yung babae naman talaga ang darating nun pero nauna yung anak niyo."

"Ang sabihin mo, palpak ka. Dapat nun pa lang nawala siya nang tuluyan sa buhay namin. Pero hindi! At ngayon, tuluy na tuloy na ang kasal nila at hindi na sila mapigilan!"

"Sinunod ko naman po lahat ng pinapagawa niyo sakin. Pati yung mga sulat nakarating yun lahat sa kanya."

"E bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya iniiwanan ang anak ko?!" Galit na galit ito.

"E baka po-"

"Stop it! Ayoko nang malaman ang mga dahilan mo. Just go."

"Maam sorry-"

"Leave!"

Umalis na ng tuluyan ang lalaki sa takot sa nanlilisik na mata ng babae.

"Ako na ang tatapos nito. Ako na."

---

Nagising si Maria na wala na si Luis sa tabi niya. "Babe.."

Tumingin siya sa orasan at nakita niyang lagpas nang hatinggabi. Naisip niyang baka pumunta lang ng banyo si Luis kaya hindi na niya pinansin. Pumikit na ulit siya upang matulog.

Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas, hindi pa rin bumabalik si Luis. Nagsimula na siyang mag-alala. "Babe?"

Naghintay siya ng sasagot, ngunit nang wala siyang narinig, tumayo na siya at saka pumasok ng banyo. "Babe.."

Ngunit wala doon si Luis. Pumunta siya ng terrace, pero wala pa rin. Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Wala si Luis sa kahit saan doon.

"Luis?" Patuloy niyang tinawag ang pangalan ng kasintahan. Iba ang narararamdaman niya. Oo at bago matulog ay nangako sila sa isa't isa na hindi sila maghihiwalay kahit anong mangyari, pero hindi maalis sa isip na Maria na baka nagbago ang isip ni Luis at minabuti nitong lumayo na lang sa kanila upang matapos na ang paghihirap nila. "Luis.."

Kabang-kaba si Maria. Pero kahit na ganun, di pa rin siya sumuko. Lumabas siya ng bahay ni Luis.

"Luis.." Tinawag niya si Luis. Paulit-ulit. Hanggang sa nakita niyang nakaupo ito sa bench sa tabi ng swimming pool. Nakatingin lamang si Luis sa tubig at tila manhid sa kung anumang nangyayari sa paligid niya.

"Babe.."

Sa wakas ay narinig na ni Luis si Maria. Napatingin siya dito habang papalapit ito sa kanya. "Babe."

Natuwa si Maria nang marinig ang boses ni Luis. Lumapit siya dito. "Bakit nandito ka?"

Ngumiti ng bahagya si Luis. Ramdam na ramdam ni Maria ang pagpilit ni Luis na ngumiti sa harap niya. Alam niyang nalulungkot ito. "Wala lang. Nagpapahangin lang."

Nakalapit na si Maria kay Luis. "Akala ko.."

"Anong akala mo?"

Umiling si Maria at ngumiti. "W-wala." Tumabi na siya kay Luis.

"Babe. Ano nga yun?"

Alam ni Maria na hindi magpapatalo si Luis kung kaya't naisipan na lang niyang sabihin. "Akala ko.. Umalis ka na. Na..na iniwan mo na ko." Hindi makatingin si Maria kay Luis.

"Babe."

"I'm sorry kung..kung naiisip ko pa yung mga ganung bagay. Pagkatapos kasi ng lahat ng nangyari.."

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichOnde histórias criam vida. Descubra agora