Kabanata IX

335 6 4
                                    

Kabanata IX

Mula nang gabing iyon, hindi na nagkita ulit si Maria at Luis. Tumawag na lang si Luis nang sumunod na araw para sabihin kay Maria na siya na ang bahalang magsabi sa mga bisita na iuurong ang kasal at hindi pa alam kung kailan ito itutuloy. Maging sa telepono, ramdam na ramdam ni Maria ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Luis. Alam niyang nasaktan talaga ito sa desisyon niya. Pareho nilang binigyan ang isa't isa ng distansya upang makapag-isip. Hindi sila nagkita mula noon, hanggang sa dumating ang araw na dapat sana ay kasal nila.

Isang linggo. Isang linggo ang dumaan na hindi nagkikita si Maria at Luis. Gustung-gusto nilang tawagan ang isa't isa pero lagi silang nagdadalawang-isip at mapagdedesisyunan na lang nila na wag na lang ituloy.

Gabi-gabi, hindi mapanatag si Maria. Minsan ay naiiyak na lang siya dahil sa pangungulila kay Luis. Maging si Luis ay nangungulila rin kay Maria, at miss na miss na niya ito, pero mas pinili niyang manahimik. Sa tingin niya, mas makakabuti ito sa relasyon nila.

Isang event ang ginanap na dinaluhan nila Maria at Luis at maging ng kani-kanyang mga pamilya. Taunan itong pagtitipon ng mga kompanyang may kinalaman sa paggawa ng furnitures, at kasama doon ang M-Line, Vicera at Amore, na nagsilbing host sa naturang event na iyon.

Kung ayos sana si Maria at Luis, sabay silang pupunta, ngunit hindi, kung kaya't magkasabay na pumunta si Sandra at Maria.

Napakaganda ng kasuotan ni Maria, at bagay na bagay sa kanya. Pagdating niya roon, parang siyang bida ng gabi dahil sa marami ang nabighani sa kanya. Hinanap niya agad si Luis, ngunit wala pa ito. Nalungkot siya, dahil naisip niyang baka hindi ito dumalo dahil sa iniiwasan siya nito, gayong si Luis ang dahilan kung bakit siya dumalo. Gusto niyang makita si Luis.

Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring dumadating na Luis. Nawalan na ng pag-asa si Maria. Nakaupo lang siya sa table nila at nakatabi kay Sandra nang may nag-alok sa kanya na sumayaw. Walang iba kundi si Vladimir. Pumayag si Maria dahil nakakahiya naman dito, at isa pa, wala namang mawawala kung pagbibigyan niya ito.

Habang nagsasayaw, napansin ni Vladimir na nababalisa si Maria. "Maria, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"

Napatingin agad si Maria kay Vladimir at umiling agad. "H-Hindi. Okay lang."

Tumango si Vladimir. "Oo nga pala. Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Luis. I'm sorry."

Nang nabanggit ang pangalan ni Luis, mas lalong nalungkot si Maria, pero hindi niya yun ipinahalata kay Vlad.

"Vlad, bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. At isa pa.." Iniwas niya ang tingin kay Vladimir. "Meron lang kaming hindi pagkakaintindihan. Pero sigurado kong maayos din namin yun." Nagtitiwala si Maria sa relasyon nila ni Luis.

Tumango si Vladimir. Ang totoo niyan, hanggang ngayon, hindi nawawala ang pagmamahal niya kay Maria. Hanggang ngayon, umaasa pa rin siya. "Basta Maria, kung kailangan mo ng kaibigan, nandito lang ako."

Tumingin si Maria kay Vladimir at ngumiti.

"Salamat, Vlad."

"Vlad."

Napatigil sila pareho dahil sa nagsalita. Walang iba kundi si Luis. Tumingin agad si Maria kay Luis at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Inalis niya ang pagkakakapit sa balikat ni Vladimir. Hindi niya inaalis ang tingin kay Luis. Isang linggo niya itong hindi nakita at nakausap, at namiss niya ito ng sobra. Ganun din si Luis. Hindi niya inaalis ang tingin kay Maria. "Pwede ko na ba siyang isayaw?" Kinakausap ni Luis si Vladimir pero nakatingin lang si Luis sa kasintahan.

Gusto pa sanang makasama ng matagal ni Vladimir si Maria pero mas pinili niyang ibigay na ito kay Luis. Nakita niya kasing hindi maalis ang titigan ng dalawa. "A..okay." Hinarap niya si Maria. "Maria. Hanggang sa muli."

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now