Kabanata XVIII

246 3 3
                                    

Kabanata XVIII

Hindi tumitigil sa pag-iyak si Maria. Hindi niya binibitawan ang kamay ni Luis hanggang di sila nakakarating sa ICU. Dasal siya ng dasal na sana ay makayanan ni Luis. Hindi niya alam ang gagawin pag nawala ito sa buhay niya.

Gusto niyang sumama sa loob pero pinigilan siya ng mga tao roon. Naghintay lamang siya sa labas at iyak ng iyak.

"Maria!" Nagmadaling lumapit si Sandra sa anak. Kitang-kita niya ang paghihinagpis ni Maria. Napatingin sa kanya si Maria. Hindi alam ni Maria ang gagawin noong mga panahong iyon at laking pasalamat niya na makita ang ina.

"M-Mama.."

"Diyos ko.." Niyakap agad ni Sandra si Maria. "Maria.. Anak.."

Wala nang lakas si Maria. "M-Mama.. Si Luis.." Tulo ng tulo ang luha niya. "Si Luis.."

Hinarap ni Sandra si Maria. "Mabubuhay siya. Hindi ka niya iiwan. Hindi niya kayo iiwan ni Andy. Mahal na mahal niya kayo." Pinunasan niya ang mga luha ng anak. "Magiging okay din ang lahat, Maria. Maging matatag ka. Para kay Andy. Para kay Luis. At para sa sarili mo."

Tumango si Maria habang umiiyak. "Hindi ako iiwan ni Luis. Maniniwala ako.."

"Ate Maria!"

Dumating si Vanessa kasama si Vladimir at Sabrina. "Anong nangyari?" Alalang-alala ang nakababatang kapatid na babae ni Luis. "Ate.."

Iyak pa rin ng iyak si Maria. "Patawarin mo ko. Kasalanan ko, Vanessa. Kasalanan ko."

"Ate Maria.." Maging si Vanessa ay lumuha na rin. Niyakap niya si Maria. "Alam kong wala kang kasalanan. Kung ano man ang nangyari, alam kong wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo.."

Yumakap pabalik si Maria kay Vanessa. "Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala si Luis.. Sana ako na lang ang nabaril. Sana ako na lang."

Hinarap ni Vanessa si Maria. "Ate.."

"Maria, wag kang magsalita ng ganyan." Sinabi ni Vladimir. "Kung nandito si Luis ngayon, hindi siya matutuwang marinig yan galing sayo."

"Kakayanin ni Luis." Lumapit si Sabrina kay Maria at hinawakan niya ang mga kamay nito. "Siya ang pinakamatapang na taong nakilala ko. Kakayanin niya to. Magtiwala ka Maria. Mahal na mahal niya kayo ni Andy."

Tumango si Maria. "Oo.. Kakayanin ko.. Para kay Luis at Andy.."

---

Nakaupo si Maria at Sandra na naghihintay sa ginagawang operasyon kay Luis. Pinapagaan ni Sandra ang loob ni Maria sa pamamagitan ng hindi pag-alis sa tabi nito. Bakas na bakas sa mukha ni Maria ang pag-aalala at kalungkutan.

"Anak."

Matagal na di sumagot si Maria. "Mama." Diretso lang ang tingin niya.

"Tungkol sa nangyari.. Gusto kong ipaalam sayo na inaresto na ng mga pulis si Victoria."

"Ang sama niya. Ang sama-sama niya."

"Maria.."

Humarap si Maria kay Sandra habang tumutulo ang luha. "Ma, bakit ganun? Bakit niya nagawa yun samin? Bakit hindi siya maging masaya para samin ni Luis?"

"Anak.."

"Mama, wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin si Luis. Anong...anong nagawa ko para kamuhian niya ko ng ganito?"

Hindi na nakasagot si Sandra. Nakinig na lamang siya kay Maria.

"Ginawa ko ang lahat para magustuhan niya ko, Ma. Ginawa ko ang lahat. Kinalimutan ko lahat ng ginawa niya samin noon.. Lahat-lahat.. Bakit hindi niya ko kayang tanggapin? Ano bang mali sakin Ma? Ano bang kulang?"

"Maria..tama na.."

"Mahal na mahal ko si Luis, Ma. At kapalit ng pagmamahal ko sa kanya, kailangan ko ring mahalin ang lahat ng mga nakapaligid sa kanya. Ma, ginawa ko yun. Saan ba ko nagkulang? Hindi pa ba sapat yun kay Maam Victoria?"

"Maria, tama na."

"Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala si Luis, Ma. Pakiramdam ko..mamamatay ako." Walang tigil ang pagluha ni Maria. "Mamamatay ang puso ko."

Niyakap ni Sandra si Maria. "Lakasan mo ang loob mo, anak. Magtiwala ka sa Panginoon. Hindi Niya pababayaan si Luis."

---

Dasal lamang ng dasal si Maria noong gabing iyon at hindi siya iniwan ni Sandra. Si Andy ay nasa bahay upang hindi mag-alala ang bata. Musmos pa siya sa mga ganitong sitwasyon, kaya't hindi siya isinama ni Sandra. Hindi na niya sinabi ang nangyari kay Andy.

At hindi nagkamali ang mga taong nakapaligid kay Maria. Hindi siya binigo ng Diyos. Lumabas ang doktor at sinabing matagumpay ang operasyon. Yun nga lamang, hindi pa nagigising si Luis. Nakabantay lang si Maria sa kanya magdamag upang hintayin ang paggising niya. Nakahawak lamang si Maria sa kamay ng kasintahan at pinagmamasdan ang mahimbing nitong pagtulog.

Ilang araw ang lumipas, ngunit hindi pa gumigising si Luis. Walang sawang naghintay sila Maria sa muli niyang paggising.

Isang gabi, si Maria na lamang ang naiwang nagbabantay kay Luis at nakatulog na siyang nakadukdok sa gilid ni Luis. Noon nagising si Luis. Medyo mahina pa siya, at dahan-dahan ang paggalaw dahil sa matagal na napahinga ang katawan niya. Nakita niya si Maria na natutulog sa tabi niya at nakahawak ang kamay nito sa kamay niya. Labis ang kaligayahan ni Luis. Nakayanan niyang makipaglaban sa kamatayan, at ngayon ay nakita niya pang nasa tabi niya si Maria. Ligtas ang babaeng mahal niya.

"M-Maria.."

Hindi pa magising si Maria sa pagtawag ni Luis. Nahimbing ang tulog nito.

"Maria."

Nagising si Maria sa boses na iyon. Umayos siya ng upo at nakita niyang gising si Luis at nakatingin sa kanya. Sobrang nagalak ang puso niya. "Luis.."

"Babe.." Ngumiti si Luis kay Maria at kitang-kita ang luhang nangingilid sa mga mata niya.

"Luis ko.." Yumakap agad si Maria kay Luis. "Babe.."

Niyakap din ni Luis si Maria. "Maria.."

Hinarap ni Maria si Luis. "Patawarin mo ko Luis.."

"Shh.." Pinunasan ni Luis ang mga luha ni Maria. "Bakit ka humihingi ng tawad?"

"Kasalanan ko, Luis.. Kung hindi ako pumunta dun hindi to mangyayari. Hindi ka-"

"Maria. Tama na. Hindi ka dapat humingi ng tawad. Mahal kita."

"Pero kasalanan ko, Luis."

"Mahal kita."

"Luis."

"Mahal kita."

Lalong tumulo ang mga luha ni Maria at niyakap niyang muli ang kasintahan.

"Akala ko..mawawala ka na samin. Luis..hindi ko kakayanin. Hindi ko kayang mawala ka.. Hindi ko na hahayaang may mangyari pang masama sayo."

"Shh.." Hinigpitan ni Luis ang yakap kay Maria. "Hinding-hindi tayo magkakahiwalay. Kakayanin natin ang lahat ng magkasama. Walang iwanan, diba?"

Tumango si Maria. "Walang iwanan. Pangako."

Hinarap ni Luis si Maria. "Yan ang Maria na kilala ko. Matapang." Hinawakan ni Luis ang pisngi ni Maria. "Hindi sumusuko."

Hinawakan ni Maria ang kamay ni Luis na nakahawak sa pisngi ni Luis. "Mahal na mahal kita, Luis." Lumapit siya lalo kay Luis at hinalikan ang mga labi nito. Ipinatong niya ang noo sa noo ng kasintahan. "Mahal na mahal."

Napangiti si Luis. "Mas mahal kita."

- to be continued -

by Leah. March 10, 2013

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now