Kabanata XVII

263 2 6
                                    

Kabanata XVII

"I love you."

Napapangiti si Maria pag naaalala niya ang magandang gising niya kaninang umaga. Pagmulat pa lang ng mga mata niya, nakita na niyang nakatingin sa kanya si Luis, at imbis na "Good morning" ang marinig niya dito, "I love you" ang sinabi ni Luis sa kanya.

Nitong mga nakaraang araw, napakasaya niya. Magaan lagi ang pakiramdam niya dahil sa ginagawa ni Luis at dahil na rin buo ang pamilya niya. Halos nakakalimutan na niya rin ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya noon. Hindi na siya nakakatanggap ng mga hindi magandang mensahe at mga regalo. Maluwag ang kalooban niya sa mga nakalipas na araw. Iniisip niya na marahil tumigil na ito sa pananakot at panggugulo sa kanila, at pinapanalangin niya na sana ay tigilan na talaga sila nito ng tuluyan.

Isang linggo na lang at kasal na nila ni Luis. Hindi na sila makapaghintay pareho. Maging si Andy ay naeexcite na rin sa kasal ng mga magulang niya. Busy lagi si Maria sa paghahanda para sa kasal nila, pero sinisigurado niya na hindi siya nawawalan ng oras kay Luis at Andy.

"Babe gusto na kitang makita."

Napangiti si Maria sa sinabi ni Luis. Kausap niya ito sa cellphone niya. Nangako kasi si Maria na dadaan sa bahay ni Luis bago siya umuwi. Hindi kasi sila nagkita kahapon dahil nasa venue siya ng kasal buong araw, at si Luis naman, maraming inaasikaso sa Vicera.

"Luis. Oo. Malapit na ko umalis dito. Paulit-ulit ka na." Natatawa ng bahagya si Maria, pero hindi niya maitatanggi na pareho lang naman sila ng nararamdaman ni Luis.

"Sabi ko naman sayo ako na ang pupunta dyan e. Susunduin kita."

"Babe. Alam mo namang may dala kong kotse. Hindi na kailangan. Basta dadaan ako dyan. Promise. Ikaw, masyado mo kong namimiss." Biro ni Maria kay Luis.

"Hindi babe. Iniisip lang kita. Alam kong miss na miss mo na ko."

Natawa si Maria. "Yabang. Sige na, mamaya na lang. Promise aalis na ko maya-maya. Hmm..baka may gusto kang pabili bago ko pumunta diyan?"

"Babe..nothing. Just you. Come home to me."

Nanlambot ang puso ni Maria sa sinabi ni Luis. Hindi niya mapigil ang sayang nararamdaman niya. "I will. I love you."

Makalipas ang dalawang oras, nakarating na rin si Maria sa bahay ni Luis. Naabutan niya si Luis na nanunuod ng tv sa sala. Hindi nito napansin ang pagdating niya kung kaya't tinawag niya ito. "Luis."

Napatingin agad sa kanya si Luis. "Maria." Ngumiti agad si Luis nang makita ang kasintahan. Kanina niya pa kasi ito hinihintay. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya, gustung-gusto niya talaga makita si Maria.

Tumabi agad si Maria sa kanya at hinalikan ng mabilis sa pisngi si Luis. "Odiba sabi ko naman sayo sandali na lang ako e."

Gumanti si Luis ng halik sa pisngi ni Maria. "I'm happy you're here. Kanina pa kita hinihintay."

"Luis?" Hinawakan ni Maria ang pisngi ni Luis. Bigla siyang nag-alala. Pakiramdam niya kasi iba ang ikinikilos ni Luis.

"Bakit?"

"May problema ba?"

Kumunot ang noo ni Luis. "Bakit mo naman naisip yun?"

Ibinaba na ni Maria ang kamay niya. "Wala naman. Parang kasing.."

"Babe. Ayan ka na naman. Wala. Wag kang mag-alala. Namimiss lang talaga kita. Parang di na ko sanay kasi na di kita nakikita kahit isang beses sa isang araw." Ngumiti si Luis.

"Talaga?"

Tumango si Luis. "Oo babe. Tamaan na ng kidlat ang sinungaling."

Natawa ng bahagya si Maria sa sinabi ni Luis. "Oo na. Naniniwala na ko."

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon