Kabanata XVI

263 3 7
                                    

Kabanata XVI



"Mama!" Papalapit si Andy kay Maria. Miss na miss niya ang ina.

"Andy!" Tuwang-tuwa si Maria nang makita ang anak. Lumapit din siya dito at yumuko siya para mayakap ito ng mahigpit. "Andy ko.."

Hinarap na ni Andy si Maria. "Namiss ko po kayo ni Daddy, Mama." Tumingin siya sa likod ni Maria. "Nasan po si Daddy?"

"A..e nasa trabaho siya ngayon e. Pero didiretso tayo dun pagkakain natin. Nagugutom ka na ba?"

Tumango si Andy at ngumiti. "Opo!"

Hindi maalis ang ngiti ni Maria. Hinarap niya si Sabrina. "Sabrina."

Ngumiti si Sabrina. "Hi Maria. Salamat sa pagpayag mo na sumama sakin tong si Andy. Sensya na natagalan."

Umiling si Maria. "Wala yun. Pareho naman tayong Mommy niya diba?"

Tumango si Sabrina. "I still want to thank you, though."

"Hmm. Osige na nga." Niyakap ni Maria si Sabrina. "Welcome. Masaya kong ikaw ang nagpalaki kay Andy. Masaya ko."

Pagkatapos nilang kumain, nauna na si Sabrina na umuwi sa bahay niya dito sa Pilipinas. Dinala naman ni Maria sa Vicera si Andy upang bisitahin si Luis. Hindi niya sinabi kay Luis na pupunta sila. Ang alam ni Luis, pag-uwi niya pa makikita si Andy.

Excited si Andy na makita and daddy niya. Maging si Maria ay naeexcite din na magkita si Luis at Andy. Pakiramdam niya, makakatulong to kay Luis. Na kahit papano, mababawasan ang pagkabagabag niya.

Pagdating pa lang sa Vicera, bumaba na agad si Andy ng kotse at hindi na niya hinintay si Maria. Pumasok siya agad. Nakita niya si Luis na may mga kausap na empleyado. "Daddy!"

Nabigla si Luis sa narinig at tumingin agad siya sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang anak niya. Napangiti siya. "Andy.."

Napatingin siya sa mga kasama. "Uhm..if you would just excuse me."

Tumango ang mga ito at napangiti rin sa reaksyon ni Luis. Umalis na sila at iniwan nila ang mag-ama.

Lumapit agad ang dalawa sa isa't isa. "Baby.." Niyakap ni Luis si Andy, at saka niya ito hinarap. "Miss na miss ka ni daddy.. Miss na miss ka rin ng Mama mo. Musta ka?" Tulad ni Maria kanina, hindi rin mawala ang ngiti ni Luis.

"Ang saya po daddy sa US. Dami po naming pinuntahan ni Mommy. Sayang po wala kayo. Namiss ko rin po kayo ni Mama."

"Mas namiss ka namin. Kung alam mo lang." Kinurot ni Luis ang pisngi ni Andy.

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now