Kabanata III

417 6 6
                                    

Kabanata III

"Maria, sigurado ka ba? Dalawang linggo na lang kasal nyo na."

Abalang-abala si Maria sa pag-aayos ng mga dadalin niya sa bakasyon nila ni Luis sa kamakalawa. Kinakausap siya ni Sandra. Nag-aalala lang naman siya na baka may kung anong mangyaring hindi maganda sa dalawa bago sila ikasal.

"Ma." Ngumiti si Maria at hinawakan ang magkabilang braso ng Mama niya. "Walang mangyayaring masama. Saka di naman namin pababayaan ang isa't isa. Wag ka nang mag-alala."

"Talagang hindi na kayo mapipigilan?"

Natatawa na si Maria sa reaksyon ni Sandra. "Oo Ma." Bumalik na siya sa ginagawa niya. "At saka..ngayon lang kami makakapagbakasyon ni Luis nang kami lang dalawa. At isa pa, hiniling niya to sakin. Gusto ko siya pagbigyan."

Nagbuntung-hininga si Sandra. "Haay. Pag-ibig nga naman."

Nangiti si Maria. Sakto namang nagring ang phone niya. Si Luis, tumatawag. Lalong lumawak ang ngiti niya.

"Osige anak. Lalabas na ko. Siguradong si Luis yan. Iba na yung ngiti mo e."

Di pa niya sinasagot ang tawag ni Luis. Hinarap muna niya si Sandra at hindi maalis ang ngiti niya. "Opo. Si Luis po."

Ngumiti si Sandra. "Sabi na e. Sige maghahanda na ko ng hapunan. Sumunod ka na."

"Opo Ma."

Lumabas na si Sandra at ngiting-ngiting sinagot ni Maria ang tawag ni Luis.

"Hi."

"Maria."

Sa tuwing sinasabi ni Luis ang pangalan niya, hindi niya mapigilang hindi ngumiti. "Luis."

"Kumain ka na?"

"Hmm..kakain pa lang. Kaw?"

"Hindi pa. Pwede ba kong pumunta dyan?"

Kumunot ang noo ni Maria. "Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Okay!" Binabaan na siya ni Luis. Nagulat si Maria. Pero natutuwa rin siya dahil makikita niya si Luis.

Ilang minuto pa lang nakarating na si Luis sa bahay ni Maria. "Babe.." Lumapit siya kay Maria at hinalikan ang pisngi nito. "Tara kain na tayo."

Kumunot ang noo ni Maria. "Pumupunta ka lang yata dito para kumain e."

Natawa ng bahagya si Luis. "Eto namang babe ko..kung anu-anong pumapasok sa isip. Syempre ikaw ang pinunta ko. Bonus lang yun."

"Hmp." Tumalikod na si Maria na nagpipigil ng tawa. Gustung-gusto nya talagang binibiro si Luis. Nakakatawa kasi si Luis pag sinusuyo siya. "Tara na. Kumain na tayo."

"Babe.." Sinundan siya agad ni Luis at niyakap ang baywang ni Maria gamit ang isang kamay.

Hindi pa rin siya nito pinapansin. Nakarating sila ng hapagkainan na hindi siya kinakausap ni Maria. Lumapit si Luis kay Sandra. "Magandang gabi po."

"Good evening din. Upo ka na Luis. Kanina ka pa hinihintay ni Maria." Nakangiti si Sandra.

"Sige po." Lumapit na si Luis kay Maria at tumabi sa upuan nito. Tinitingnan lang niya si Maria, pero hindi siya nito pinapansin.

"Luis, Maria, maiwan ko muna kayo ha. May kukunin lang ako sa kusina."

Tumango sila pareho. Nang makalayo na si Sandra, nagsalita na si Luis. "Maria."

Hindi sumasagot si Maria at nagsimula nang kumain.

"Babe, pinagtitripan mo na naman ba ko?" Seryosong tanong ni Luis kay Maria.

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now