Kabanata XII

303 3 3
                                    

Kabanata XII

Ilang ulit nang nagdasal si Maria na sana makalabas ng buhay si Luis. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nangyaring masama dito. Inaalalayan siya ni Sandra at Aling Berta dahil nakikita nila kung gaano kahina noon ni Maria. Iyak lang siya ng iyak habang naghihintay sa paglabas ni Luis.

"Maria.. Tama na.." Sabi ni Sandra. Awang-awa na siya sa anak. Hindi tumitigil ang pag-iyak nito.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Luis.."

"Hindi mo kasalanan yun Maria."

"Kasalanan ko. Sana hindi na lang ako umalis. S-sana nakinig na lang ako sa kanya. H-hindi sana nagkaganito.."

"Anak, hindi natin alam kung sino ang gumawa nito. Wag mong sisihin ang sarili mo."

"Pero Ma.." Iyak pa rin ng iyak si Maria. Halos mahirapan na siyang huminga dahil sa sobrang bigat ng loob niya.

"Makakalabas si Luis, Maria. Hindi siya pababayaan ng Panginoon."

"Diyos ko." Lalong umiyak si Maria. "Iligtas Niyo po si Luis.." Dasal niya.

"Tahan na anak.." Hinahagod ni Sandra ang likod ni Maria.

Nakatingin lang si Maria sa nasusunog na shop nila. "Hindi ko kayang mawala si Luis.. Ma..hindi ko kaya."

"Magtiwala tayo Maria. Magtiwala ka. Hindi ka iiwan ni Luis."

Hinarap na ni Maria si Sandra at hindi na niya napigilang yumakap dito at umiyak ng umiyak. Maging si Sandra at Aling Berta ay naluluha na rin dahil sa takot sa kung ano mang mangyari kay Luis at dahil sa nakikita nilang kalungkutan ni Maria. "Tahan na anak.."

"Luis ko.." Paulit-ulit na sinasambit ni Maria ang pangalan ng lalaking minamahal.

"Ayan na sila!"

Napatigil sa pag-iyak si Maria nang marinig ang nagsalitang iyon at bumitaw agad sa pagkakayakap kay Sandra. Tumalikod siya upang makita kung anong nangyari.

Nakalabas na ang dalawang bumbero at akay-akay nila si Luis na walang malay.

"Luis!!!"

Lumakad agad si Maria patungo sa kinaroronan nila nang may biglang humarang sa dinaraanan niya na stretcher. Ibinaba agad doon si Luis. Wala itong malay, at kung titingnan ng mabuti, parang hindi ito humihinga. "Luis.."

Mabilis na ipinasok ang stretcher sa ambulansya kung kaya't sinundan agad ito ni Maria. Pinigilan siya ng mga naroon.

"Maam hindi po kayo pwede dito.."

Umiiyak si Maria na nagpaliwanag. "Fiancé niya po ako.."

Lumapit si Sandra sa kanila. "Maria.."

"Ma.. Sasamahan ko si Luis. Hindi ako aalis sa tabi niya.."

Tumango si Sandra at hinayaan si Maria sa desisyon niya. Niyakap niya ang anak at pagkatapos ay pumasok na si Maria sa ambulansya.

Isinasalba ng mga nurse na naroon ang buhay ni Luis. Wala itong kamalay-malay.

"B-bakit po hindi siya magising?" Alalang-alala si Maria.

Nilagyan na ng oxygen si Luis at tiningnang mabuti ng mga nurse ang kalagayan niya. "Maam, grabeng usok po ang nalanghap niya kaya nahihirapan po kaming ibalik siya sa dati. Pero sigurado po kaming magiging ayos din ang lahat."

"Luis.." Hinawakan ni Maria ang kamay ni Luis. "Dito lang ako.." Hinawakan niya ang pisngi nito. "Luis, patawad.. Patawarin mo ko.."

Nang makarating sila ng ospital, inasikaso na ng mga doktor si Luis at inilagay na siya sa private room. Sinabi ng doktor na hindi magtatagal ay magigising din si Luis. Kailangan lang maghintay nila Maria.

Maria La Del Barrio: Pagbigyang Muli - EnrichWhere stories live. Discover now